Chapter 7
Date ~
Charity POV
Mabuti na lang at mayroong parking space dito kaya naman agad kaming nakakuha ng mapaglalagyan ng kotse ni Sir Timothy. Bumaba ako para alalayang makababa ang halatang excited na si Lolo Rico.Nauna na kaming maglakad habang alalay ko ang matanda. Si Sir Timothy naman ay nasa likod lang namin at nakasunod.
“Dito kain, Chari dito kain!” Lolo Rico exclaimed, pointing to the tapsilogan push cart.
Nilingon ko si Sir Timothy. His hands were in his pockets and I saw him watching raptly at me. He looked away as I caught him. I felt my cheeks blushed a little.
“Uh, kakain po ba kayo T-Timothy?” Nao-awkward-dan ako sa pagtawag sa kanya sa pangalan niya lang. Goodness!
“How old are you?” Nakakunot ang noo niyang tanong.
“Uh, 23." Hindi ko alam kung bakit niya ako tinatanong sa edad ko!
“Then don’t ‘po’ me. I’m just one year older than you.” Suplado niyang sabi. “And to answer your question, yes I’ll be eating. Hindi ako nakakain nang maayos sa bahay niyo kaya nagugutom pa ako.”
I bit my lips as I remember what happened earlier. Maski ako ay hindi man lang nakasubo ng pagkain ni isa kaya naman gutom din ako. Naalala kong nung break ko kanina sa ospital lang ako huling kumain.
“O-Okay lang ba kung dito tayo kakain? D-Do you eat.. Tapsilog?” I mean, mayaman siya kaya malay ko ba kung pamilyar siya sa mga pagkaing ganito.
“What do you think of me, Charity— Ignorante?” Lumapit siya sa amin ni Lolo Rico at siya na ang kumayag dito palapit sa push cart na nagsisilbing tindahan ng tapsilog.
Sa una’y nagulat ako sa inasta niya pero kalaunan ay napangiti na rin ako. Sumunod na ako sa kanila.
Umupo na kami doon sa isang mahabang upuan. Napapagitnaan namin ang Lolo Rico. Umorder na rin kami ng tatlong tapsilog na obviously ay tig-iisa kami. Agad din naman iyong naiabot sa amin.
“Gusto niyo po ng sabaw, Lolo?” Tanong ko sa matanda na tanging magkakasunod lang na tango ang itinugon dahil busy na ito sa paglantak sa pagkain. “Pahingi po ng sabaw, Manang.” Baling ko sa tindera.
Agad naman iyong ibinigay sa akin. Habang inilalapag ko iyon sa tabi ng plato ni Lolo Rico ay napatingin ako sa gawi ni Sir Timothy na naka-mata sa mangkok na hawak ko.
“What’s that?” Tanong niya.
“Sabaw. Gusto mo? It’s free.” Sagot ko na nakangiti. Nakakatuwa kasi ang itsura niya na mukha talaga siyang curious.
“You mean a soup?” Ulit niya na obvious naman.
Natawa tuloy ako. “Yeah, soup. Kumbaga sa mga restaurant, may mga mushroom soup, sharks fin soup, etcetera. Sa mga eatery naman, sabaw ng mami. ‘Yun nga lang po dito libre, sa mga restaurant may bayad.” I explained. Funny thing is he’s listening attentively.
“Mami soup? What kind of soup is that?” He asked, forehead creased.
“Beef mami.” Simpleng sagot ko.
“Beef mami? I mean, I’m familiar with beef.. But beef mami? Never heard of that.”
“Where have you been?” Natatawa kong sabi habang umiiling-iling. “Manang, pa-order na nga rin po ng isang beef mami.” Muli ay agad niyang Iniabot iyon sa akin. Ibinigay ko iyon kay Sir Timothy. “Beef mami. O, may bayad na ‘yan ah.” I joked.
![](https://img.wattpad.com/cover/44601550-288-k664688.jpg)