Chapter 1
Feeling so broken hearted ~
Charity POV
Tumatakbo kami hawak ang isang gurney para salubungin ang ambulansya. I am currently on my duty here at St. Luke's medical hospital when someone called that there's an emergency.
Dalawang ambulansya ang sumalubong sa amin. Halos magkasabay na inilabas mula sa mga ito ang isang babae at isang lalaki na nakahiga sa stretcher. Kung titingnan ay halatang nasa hindi maganda silang kalagayan. They've been through a car accident, that's what they told us.
Iyong babae ang napunta sa amin. Mula sa stretcher ay inilipat siya sa aming gurney na hawak. Agad namin siyang itinakbo papasok. I looked at her beautiful face. Sa kabila ng kanyang puro galos na mukha ay makikita pa rin ang taglay niyang kagandahan. Maputi ang kanyang balat. May mapipintog at mapupula din siyang labi. Nakapikit ang kanyang mga mata na mayroong malagong pilik-mata.
Napatingin din ako sa kanyang daliri. Sa pala-singsingan ay makikita ang singsing na may kalakihan at kumikinang na diamante. I believe it's an engagement ring. Marahil ay fiancé niya ang lalaking kasama mula sa aksidente. Hindi ko masyadong nakita ang mukha ng lalaki pero sa gilid pa lamang ng mukha ay makikitang gwapo ito.
Tahimik akong nanalangin na sana ay parehas silang makaligtas mula sa aksidenteng ito para maituloy nila ang kanilang magiging masayang buhay.
Nang makapasok sa emergency room ay agad naming inayos ang babae sa higaan. Lahat kami ay kumilos kasama ang isang doktor. Sinaksakan namin siya ng kung anu-anong swero at ineksyon. Hawak ko ang resuscitator habang ine-eksamin pa siya ng aming doktor.
Maya-maya lang ay nakarinig kami ng isang malakas na pagkalabog mula sa pinto. Usually ay ganoon naman talaga. Sila iyong kamag-anak ng pasyente na nag-aalala kaya naman ganoon na lang kung halos sirain na nila ang pinto ng emergency room.
But I don't know what got in to me that it caught my attention. Napatingin ako doon na hawak pa rin ang resuscitator.
And there I saw him, the man who made me believe that love at first sight truly exists.
In love ba iyong matatawag na yung tipong nag-slow motion ang buong paligid mo? Unti-unti ay para kang nasa kalawakan dahil sa mga bagay at taong naglulutangan sa paligid mo. Aside from that, all you can see was sparkling colorful butterflies and unicorns. Kung in love ngang matatawag iyon, maybe, just maybe... In love nga ako.
Pain and anger were evident in his godlike face. Umiiyak siya habang kinakalabog ang pinto ng emergency room. Someone was trying to stop him, but he just couldn't. And I started thinking of what could be his relationship with the patient.
Kasabay niyon ay ang pagtunog ng isang mahabang"toooot" mula sa EKG machine. It's an indication that the heartbeat of the patient stopped beating. And I am still there, pumping the resuscitator while looking at the man who became more aggressive on knocking the door because of what is happening. I can almost hear him shouting outside.
I heard the doctor requested for the defibrillator. One of the nurses put a gel on it. Ipinagdikit iyon ng doktor at nang ipinaghiwalay ay idinikit iyon sa dibdib ng pasyente. Umangat lang ang likod ng babae mula sa gurney.
"Clear!" Sigaw ng doktor at nang hindi pa rin bumabalik ang tibok ng puso ng pasyente ay inulit niya muli iyon.
While the doctor's keep on shouting the word clear, pakiramdam ko ay iyong puso ko ang kinukuryente dahil sa kakaibang nararamdaman ko para sa lalaking nasa labas. He's a completely stranger, pero hindi ko alam kung bakit ganito na lang ang tibok ng puso ko para sa kanya.