Chapter 9
Reason ~
Charity POV
I woke up with a smile on my face. What is this for? I don’t know, really. I just woke up feeling like this.
Una kong kinapa ang cellphone kong nakapatong sa bedside table. It says that I have 5 messages from an Unknown number.
Unknown number:
I’m already here. Had fun in our ‘date’. Wanna go back there and try that beef mami soup and fishball again. ‘Bout you? :)
Smiling face, really?
And date? Hindi ko na siguro kailangan pang mag-isip kung sino man itong ‘Unknown texter’ ko. Alangan namang si Lolo Rico ito, hindi ba? Ang dapat ko na lang sigurong isipin ay kung paano niya nakuha ang number ko.
Unknown number:
Hey! You asleep or you mad? :( You’re kind of strange when we parted our ways.
What the! Seriously, what’s up with the emoticons?
Obviously ay hindi ko na nabasa ang mga ito. Pagkauwi ko kasi ay naglinis lang ako ng katawan at nag-toothbrush. Isang beses ko lang sinilip ang cellphone ko kagabi na wala pa namang text at natulog na ako. Wala rin naman si Wilma kagabi dahil naka-duty nga ito sa ospital.
Unknown number:
Hope you’re just asleep and not mad at me. Good night, Charity! :)
I smiled as I imagined how he delivers my name. Something’s chilling inside of me whenever I hear him saying my name.
Unknown number:
Good morning, beautiful. :) Rise and shine! I guess I’ll be missing you today, eh? You sure you’re not free for lunch? Come on! Just lunch, please.
I bit my lips. Ugh! I feel like a teenager, reading her crush’s text message.
Unknown number:
Still asleep, or you’re just really mad at me? Should I go now there? It’s bothering me. :(
I pouted as I remembered what happened. I know I’m a bit strange last night. Hindi ko rin alam kung ano ba itong nangyayari sa akin.
“And so, Sophia came.. She was there and mend the broken me.”
“You know, two years is not really an ideal stage on marrying someone. Para sa iba, siguro nasa getting-to-know each other stage pa lang iyon. But I saw something in her.. She’s a marrying type of a person and I love her.”
“God! I do love her.”
Those were his exact words.
I took a deep breath and closed my eyes tightly. Napalitan ng kung anong kalungkutan itong nararamdaman ko. Sa huli ay napagdesisyonan kong burahin ang mga mensahe pati na ang numero niya.
Didn’t I told myself last night that for as long as I still can stop this feeling that I am feeling for him, then I’ll stay away.
Muli kong ipinatong ang cellphone sa bedside table at bumangon na mula sa higaan. Itinali ko ang buhok ko sa isang itim na ponytail at tuluyan nang tumayo mula sa kama. Inayos ko ang higaan bago lumabas ng aking kwarto.
Ingay mula sa manipis na pader tagos sa mga kapitbahay lang ang bumungad sa akin. Nilingon ko ang silid ni Wilma na katabi lang ng sa akin. Malamang ay nandiyan na siya at mahimbing na natutulog.
