Chapter 15
He's dead ~
Charity POV
Sobra akong nasasaktan sa mabigat na paratang na ito lalo na at parang kilala ko na ang mga 'witnesses' na sinasabi niya. Pinakisamahan ko sila ng maayos kaya naman hindi ko alam na magagawa nila ito sa akin.
Humikbi ako. "I can't tell you what really happened because I'm not in the position to say that. Masyado ng sira ang mga nangyari at ayoko ng warakin pa ito. Naniniwala ako na nagkaayos na sina sir Timothy pati na sir Taurus at miss Sophia kaya naman sa kanila na lang iyon. Kaya anong kinalaman ko dito? Wala akong aaminin dahil naniniwala akong nakita ng lahat ng gaano kamahal ni sir Timothy si miss Sophia."
Lumambot ang ekspresyon niya. "I know. Kaya nga hindi ako naniniwala sa kanila e. I know you're better than that. We'll tell them this okay? Haharap ka sa kanila to prove them wrong--"
Pinutol ko siya. "I don't need to do that cause I'm resigning, doc. Masyado ng komplikado ang buhay ko at ayoko ng maging mas komplikado ito. Hindi ko deserve ang mga paratang na ito at kung mananatili pa ako dito ay hindi ito titigil."
"But resigning means you're guilty, Charity. Prove them wrong--"
"I don't think I need to prove myself to them. What matters is I know myself. I won't do such a thing. Hindi ako perpektong tao pero hindi ko gagawin ang bagay na iyon at iyon ang mahalaga. Ang paniniwala ko sa sarili ko. So, if you'll excuse me doc. Aalis na po ako."
Dire-diretso akong umalis sa opisina niya pati na sa ospital na iyon. Marami pang bumati sa akin na kasamahan ko at nginitian ko na lang sila. Bahala na kung sino ang bahala sa mga masasamang kwentong ipinupukol nila sa akin. Basta ang konsensya ko'y malinis.
Kinuha ko ang isang bagahe ko sa guwardya. Matapos dito ay sa condo muna ng kuya Henry ako titira. Umalis na rin kasi ako sa tenement dahil nakaalis na si Wilma papunta New York. Ayokong maramdaman ang pag-iisa doon kaya naman minabuti ko na lang na umalis na din.
Hindi ako naging palalabas nang nanirahan kay kuya Henry. Its as if I got traumatized of something outside that I might get attached with. Masyado akong malambot para yakapin at mahalin ang mga bagay-bagay. And its scary, lalo na't sa huli ay ako lang rin naman ang masasaktan. That's a lesson learned for me though. To never get too attached with someone or something that isn't yours.
"Maglalabas ka, Inday! I think you should be in a vacation, hindi iyong nakakulong ka dyan sa lungga ng kuya mo. Anong silbi ng pagreresign mo kung dyan ka lang rin pipirmi?" Ani Wilma sa screen ng laptop. May kung anong kulay light green na cream sa buong mukha niya habang kumakain siya ng pipino.
"Vacation is a waste of money. Wala akong trabaho ngayon, so I need to save. Hindi ako pwedeng umasa lang ng umasa sa kuya ko." Walang buhay kong sabi habang tinutusok-tusok ang omelette na niluto ng kuya Henry kanina bago pumasok sa trabaho. Umaga ngayon sa Pilipinas kaya naman heto ako at naka-pajama pa habang nakaupo sa silya ng dining.
"Sus! Isang bakasyon lang, panghihinayangan mo pa? Isa pa, that will help you clear your mind. Papasok lang ng papasok sa utak mo ang mga bagay na hindi dapat iniisip kung yung apat na sulok lang ng bahay na iyan ang nakikita mo. Ayan na nga ba kasi ang sinasabi ko sayo. Dapat ay sumama ka na lang sa akin dito sa New York..."
Nagpatuloy pa siya sa pagtalak niya habang ako ay naghalungkat na lang ng kung anu-ano sa social media. Its been two months now. Para bang may sariling buhay ang mga daliri ko kapag naiisipan nitong itipa ang pangalan niya pero pinipigilan ko iyon.
No matter how badly I want to see and know if he's doing well, nagpipigil ako. Ngayong araw ay napagdesisyonan kong i-off ang social media accounts ko.