Chapter 2

6.3K 99 0
                                        

Chapter 2

Mas tinitigan mo pa ako ~

Charity POV

"Eh may pagka-masama pala yung ugali ng lalaking iyon e! May pagka-masama na, may pagka-tanga pa! Saan ka naman nakakita ng magnanakaw na isasauli yung ninakaw?" Umiirap na sabi ni Wilma.

Halos kauuwi lang namin galing sa duty. Sa isang tenement dito sa Pasay kami nangungupahan ni Wilma. Mas gusto kong maging independent samantalang ang pamilya niya ay nasa Bacolod pa kaya naman kaming dalawa lang ang nandito sa bahay.

"Grabe ka dun sa tao. Nag-alala lang naman siya kaya naging bayolente yung reaksyon niya. I'm sure he didn't mean any of that." Ani ko.

Katatapos ko lang mag-toothbrush sa lababo ng aming kusina habang siya naman ay kumakain ng tasty sa lamesa. She's sitting and eating there in an unlady-like position.

"Ateng, earth to!" Ani niya na iwinagayway pa ang hawak na tasty. "Ipapaalala ko lang sayo na kamuntik ka nang patalsikin ng kulugo na iyon sa ospital! O e, paano na lang tuloy kung hindi nangialam yung kapatid niya? Edi goodbye, St. Luke's ka!"

Napangiti ako nang maalala ang babaeng iyon. She's such a sweety. After her brother stormed out, inihatid niya kami ni Dra. Nacpil sa labas ng kwarto.

"I'm sorry for my brother's behaviour, Dra. Nacpil. Lalo na sa iyo, Nurse Quintana. You know, he's been stressed out with everything that's happening around him." Ani ng kapatid niyang babae.

"It's okay, Tamitha. Sanay na rin naman kami sa mga nagiging boyolenteng kapamilyang tulad niya. You have nothing to worry about." Ani Dra. Nacpil.

I on the other hand was just on Dra. Nacpil's back, admiring the woman in front of her secretly. So, Tamitha ang pangalan niya? Bagay na bagay ito sa mukha niyang maganda. Mukha rin siyang mabait kung titingnan.

Ganoon na lang ang panlalaki ng mata ko nang mapadako ang tingin niya sa akin. Malapad ang ngiti at mapupungay ang mga mata niyang lumapit sa akin. Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko.

"And as for you, Nurse Quintana.. Thank you for bringing back that ring. You don't know how much it means to my brother." She said, sincerely.

Literal lang akong napatanga sa kanya. Even her voice is angelic. Ilang minuto pa ang itinagal namin doon nina Dra. Nacpil. Ayon pa kay Miss Tamitha ay kakauwi pa lang din daw kasi nila dito sa Manila two days from Cebu para nga sa nalalapit na kasal nung dalawa pero dahil nga sa insidente at kasalukuyang comatosed ang babae ay hindi alam kung matutuloy ba ito.

"Hoy! Matulog ka na at kailangan mo pa ng maraming energy mamaya para harapin ulit iyong si gwapong fiance. Sigurado akong mainit ang mata 'nun sayo, so be ready." Ani Wilma na nagpabalik sa ulirat ko.

That Broken-Hearted Man. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon