Chapter 3
In my own little assuming world ~
Charity POV
"Tara?" Yaya sa akin ni Wilma.
"Tara." Sagot ko naman. Bitbit ang bag na may lamang pagkain ay tumayo na ako mula sa upuan. Break na namin at kakain na kami.
"Nurse Charity, ipinapatawag ka sa room 418." Ani Nurse Felice na kalalapag lang ng hawak na tray sa counter ng nurse station.
Nagkatinginan muna kami ni Wilma. Ako, ipinapatawag sa kwarto ni Miss Sophia? Bumaling ulit ako kay Felice. "Emergency daw ba?" May pag-aalala kong tanong.
"Hindi naman yata. Basta lumabas yung gwapong lalaki doon tapos nakasalubong ako. Ipinapatawag ka."
"Hindi naman pala emergency e. Break natin ngayon. Dedmahin mo na lang yung kulugo na 'yun!" Ismid ni Wilma at umabrisyete na sa akin. Akmang hihilahin na niya ako pero hindi ako nagpahila.
"M-Mauna ka na, Wilma." Ani ko.
Tinitigan niya ako na para bang nagbibiro lang ako. "Seryoso?"
Tumango lang ako at muling ibinaba ang bag na may pagkain. I turned my heels on the way to Miss Sophia's room. Mabigat pa rin ang Pakiramdam ko sa nangyari kanina pero mayroon sa sistema ko na nagsasabing kailangan kong puntahan si Sir Timothy. Kumatok muna ako sa pinto nang makarating doon at agad naman akong pinagbuksan.
"I-Ipinapatawag niyo daw po ako, Sir?"
"Yeah. Come in." Ani niya at nag-umpisa na ulit maglakad papasok.
Sumunod naman ako. Napapapikit ako sa mabangong amoy niya na naiwan sa ere. Base sa basa niya pang buhok ay obvious na nakaligo na siya. He's wearing a sky blue polo and light brown pants. Mas maaliwalas na siyang tingnan ngayon kaysa kahapon at kanina.
Huminto siya sa tapat ng mesa. Nakalatag doon ang mga pagkain na dinala ni Miss Tamitha sa kanya kanina.
"Have you eaten?" He asked.
"N-No, Sir. Actually, I was about to eat na rin po sana coz' it's my break time already."
"Great! Sabayan mo na ako dito." Ani niya at naupo na sa isang silya.
"Uh, n-naku! H-Hindi na po, Sir." God! This is far from what I am thinking.
"Come on, I insist. Hindi ako sanay kumain na mag-isa, coz' that's making me feel alone. Halika na." Ani niya sabay inom nung kapeng ibinigay ko sa kanya kanina. Kanina pa 'yun ah, bakit ngayon niya lang iniinom? Malamig na 'yan! "Um, just like my favorite. Thank you for this by the way." Ani niya pa na itinaas sa ere ang paper cup ng Starbucks at ininom ulit iyon.
Okay? So, what did I miss here? Two hours ago, he's just yelling at me. And now.. What happened? Siguro na-washed out lahat ng negative vibes sa katawan niya nang naligo siya, o pwede ring baka naman nadulas lang siya kanina sa CR at nauntog kaya biglang naging mabait.
"Why are you standing there? I said join me. Come on, maupo ka na."
"Uh, h-hindi po kasi pwede Sir. B-Baka pagalitan po ako—"
"Don't worry, sasabihin ko sa kanila na pinilit kitang samahan akong kumain."
Lumunok muna ako at nag-isip. Makakasabay ko siyang kumain dahil sa pinilit niya ako? Sounds good to me. Dahan-dahan kong hinila ang isa pang silya sa tapat niya at naupo doon. Hindi nakaligtas sa paningin ako ang pag-ngisi niya habang iniinom pa rin ang ibinigay ko.