Chapter 6

5.1K 97 2
                                    

Chapter 6

Selos boypren ~
 

Charity POV
 

Yung ngisi ni Sir Timothy ay naging tawa na. Nababaliw na ba siya? He can’t just do that in front of my Dad! Lalo na at napapaligiran kami ng mga PSG. Maya-maya lang ay nag-seryoso na ng itsura si Sir Timothy.

“It’s Timothy La Grande, Sir. And I am not the one being rude here. Rude is the father whose selling his own daughter just for the sake of his political career.” Matigas din na sabi ni Sir Timothy na diretsong nakatingin sa mga mata ng Dad.

Pare-parehas na rin kaming nakatayo nina Mommy at kuya Henry. Ang tanging nakaupo na lang ay sina Yloiza, Louis, tita Sandra at tito Noel.

Nakita ko rin ang bahagyang naglalapitan na mga PSG sa paligid.

“You don’t know what and who you are talking to, La Grande.” Said by Dad through gritted teeth.

“Oh, I know you very well Sir. Who wouldn’t know Octavio Quintana? The famous mayor of Makati City. And I know what I am talking to, Sir. What is it like? You’re asking your daughter to date with someone who she doesn’t even know? And when it worked, what? Mag-aayos kayo ng kasal para sa kanilang dalawa?”

Napasinghap ako sa mga impormasyong binitawan ni Sir Timothy. Kaya ba ganoon na lang kaimportante ang gabing ito para sa kanila? Magagawa nga ba talaga ng magulang ko na gawin ito sa akin?

Ang kuya Henry, base sa pagkakaalala ko kanina noong nasa kotse niya kami ay mukhang may alam din siya para sa mangyayari ngayong gabi, pero dahil nga sa Habilin ng Dad kaya hindi niya ito ipinaalam sa akin.

“Hindi lang ho kayo ang buwaya sa industriyang ito, Sir.” Pagpapatuloy ni Sir Tim. “Its 21st fucking century, for christ’ sake! Fixed marriage is out of style. Live in reality! Fixed marriage out there may be a part of their tradition, so that’s not questionable. But in your case, you’re doing this on purpose.”

Dad made a spine chilling smile. “What do you care?”

“I care for her.” Matigas at walang halong pag-aalinlangan na ani Sir Timothy.

Lahat kami ay muling napatingin sa kanya. I’m stunned with what he said. He cared for me? I mean, para sa isang babaeng may gusto sa kanya ay malaking bagay sa akin na nakakaramdam siya nang ganoon.

Mukhang natauhan din siya sa kanyang sinabi kaya naman bigla ay parang nauubusan siya ng mga salitang dapat sabihin.

“I.. I mean.. Look at him.” Ani niya na iminuwestra ang nakaupo pa ring si Louis. “Are you seriously trusting your own daughter to this kind of man? Ni hindi niyo nga alam kung matinong lalaki nga ba talaga ‘yan e. I have lots of friends who dressed just like him but trust me, they’re a bunch of dickheads!”

“Hey—“ Ani ng tumatayo na ring si Louis mula sa kinauupuan para siguro mag-protesta pero agad din naman siyang pinutol ni Sir Timothy.

“I am not talking to you, man.” Ani niya na nakatingin pa nang matalim kay Louis.

H’wag mong pagsasalitaan nang ganyan ang anak ko!” Sigaw ni tito Noel na tumayo na rin.

Nakita kong bumilis ang kilos ng mga PSG sa paligid kaya naman agad akong naalarma. Dalawa lang ang naisip kong pwede nilang gawin kay Sir Timothy: Ang itapon ito palabas o paulanan na lang ito ng bala.

That Broken-Hearted Man. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon