Chapter 13
That's our baby ~
Charity POV
Natapos nang maayos ang araw na iyon para sa amin. Papalabas na kami noon sa gate ng home for the aged at ihahatid na ni miss Nerissa. Nauuna si Sir Timothy habang magkakasabay naman kami nina Luke sa likod niya.
"Maraming salamat po talaga sa libreng medical mission na ibinigay niyo para sa matatanda, Mr. Montenegro. May klinika nga po kami dito pero bilang lang po ang aming medikasyon, at hindi naman po maipagkakaila na kailangan po talaga ng mga seniors ang matugunan ang kanilang kalusugan." Anang punong taga-pamahala. Halos mag-bow pa ito kay Luke dahil sa laki ng pasasalamat.
"That's nothing, miss Nerissa. Don't worry, I can assure you that we'll do this more often." Anang nakangiting mabait na doktor habang nakahawak sa aking baywang.
"Talaga po? Naku, maraming-maraming salamat po talaga, doc. Napakabait niyo po. Nawa ay pagpalain pa po kayo Ng ating Mahal na Panginoong Diyos." Ani miss Nerissa. Nakalabas na kami ng gate at halos yakapin na niya si Luke. "Napaka-swerte mo, miss Charity at nagkaroon ka ng nobyong kasing bait ni Mr. Montenegro. At maraming salamat din sayo dahil sa pagdala mo sa kanya dito." Baling nito sa akin.
Uminit ang mukha ko at akmang tututulan ang kanyang sinabi. "Naku, hindi po--"
Pero napigilan iyon ng pasadyang ubo ni Sir Timothy na ngayon ay nasa gilid na ng kanyang sasakyan.
"I'll go now, miss Nerissa." Matigas na ingles nito at direktang naka-mata lang sa punong taga-pamahala.
"Uh, mag-iingat po kayo Mr. La Grande. Maraming-maraming salamat din po sa inyo."
Hindi na siya sumagot. Naglakad siya papunta sa pinto ng driver' seat niya at akmang bubuksan iyon.
"Maraming salamat sa madalas na pagdalaw kay Lolo Rico, Sir Timothy." Ani ko na nagpahinto sa kanya. Gumalaw lang ang kanyang magkaigting na panga at hindi na din sumagot. Binuksan niya ang pinto ng kanyang sasakyan at padarag na sinarado iyon. Humarurot siya paalis.
"Uh, we'll also go now miss Nerissa." Basag ni Luke sa naging katahimikan.
"Of course, of course. Mag-iingat din kayo. Muli ay maraming-maraming salamat para sa araw na ito."
Tumango na lang kami sa pahayag niyang iyon. Pinagbuksan ako ni Luke sa shotgun seat at pumasok na doon. Umikot na siya at humuling kaway sa punong taga-pamahala. Maya-maya lang ay pinaandar na niya ang sasakyan at pumasok na rin si miss Nerissa sa loob ng home for the aged.
"Is he mad at you or something?" Basag ulit ni Luke sa katahimikan. Napatingin ako sa kanya at ganoon din siya sa akin, pero maya-maya lang ay ibinalik na din ang tingin sa kalsada.
"Who?" I asked, obviously.
"Timothy. Napapansin ko hindi na kayo masyadong nagkakasama ngayon, hindi tulad nung nakaraan. It's been what? A month now?"
Believe me, maski ako itinatanong ko iyan sa sarili ko. Hindi ko din alam Kung bakit bigla na lang din siyang naging ganito. We're suddenly became strangers again.
"Uh, s-siguro sinasadya niya lang talaga dahil na rin k-kay Ms. Sophia. Nai-kwento niya sa akin isang beses na may pagka-selosa daw ito." Pagsisinungaling ko.
"And... do you miss him?" Mahina niyang sabi pero dahil kami lang naman sa maliit na espasyong iyon ay narinig ko pa rin naman iyon.
"Ha?" Kunwa'y hindi ko narinig dahil hindi ko rin alam kung paano ko sasagutin iyon.
"Nothing." Ani niya at tumingin sa nakasaradong bintana sa gawi niya. Maya-maya ay ibinalik na naman ang tingin sa kalsada at bahagyang umubo. "Speaking of, may... iba pa ba siyang Nai-kwento sayo about Sophia's condition?"
