Masaya ako para sa 'yo, Shy!"
Magkasabay pa kaming tumili ni Bree at saka nagyakapan. Nasabi ko na sa kanya ang lahat tungkol sa 'min ni Cristobal. Nagtampo lang noong inilihim ko ang unang beses na nagligawan kami ng binata. Pero agad din siyang natuwa at kinilig nang ibalita ko ang pagbabalik ni Cristobal.
Tinupad nito ang pangako!
"Napaka-suwerte mo!" Mas hinigpitan ni Bree ang pagyakap sa 'kin.
"Huwag kang manggigil sa 'kin at baka isipin kong naiinggit ka!"
Nagtawanan kami. My best friend freed me from the embrace, only to hold me on both shoulders. "Napakabuting tao ng hinangaan mo, Shy! He made sure he's at his best for you."
Hindi maalis ang ngiti kong umaabot sa magkabilang tainga. Parang bigla kong naisip na magpagupit ng buhok. Malay ko bang napakahaba niyon masyado?
"Bree, umamin na rin si Cristobal na... mahal niya raw ako!"
Sabay kaming tumili ni Bree sa kilig. Naghawak kami ng mga kamay at magkasabay na lumundag-lundag pa!
"Sinigurado niyang pasado muna siya sa board exam at may magandang trabaho bago ako balikan, Ninang!"
Si Ninang Valentina naman ang kausap ko pagkatapos naming mag-usap ni Bree kahapon.
Walang sawa kong uulit-ulitin ang kuwento ni Cristobal kung bakit natagalan itong mabalikan ako para maligawan. Naiinip pa 'ko pero walang sayang sa paghihintay ko ng mahigit isang taon!
"Mabuti 'yon kung ganoon, hija! Bibihira na lang ang lalaking ganyan. Iyong sinisigurado munang maganda at matinong makakaharap sa mga magulang ng babae." Hinaplos ni Ninang ang pisngi ko. She stared at me with a smile. "I'm so delighted that the person you like feels the same way about you. That he's being the best and doing his best to be the best person for you."
Gusto ko na namang mangisay sa kilig. But all I could do is smile so widely, not caring if my hair would reach Manila where Cristobal has to work every weekend. Maliban sa trabaho niya sa bangko nila rito sa Constantia, tumutulong din si Cristobal sa accounting firm ng mga magulang nito sa Maynila.
"Nabalitaan ko nga rin na botong-boto sina Ignacio at Siarah sa kanya," ani Ninang. "Pati yata ang mga kapatid mo."
"Well, si Kuya Vio lang naman ang alanganin. Pero pumayag na rin siyang magpaligaw ako. Sasagutin ko rin naman si Cristobal pagkatapos ko ng kolehiyo, Ninang! Isang taon pa pero kaya pa raw pong maghintay ni Cristobal."
Sa totoo lang, tunaw na tunaw na ang puso ko. He's the most patient man I've ever known!
Mula umpisa, hindi ako nagsisising siya ang taong hinangaan ko at gusto kong papasukin sa puso ko.
Nakapasok na nga ito! Ayoko lang talagang hindi tumupad sa usapan namin ni Kuya Vio.
"Napakabusilak ng pagtingin niya sa 'yo, hija. Natutuwa akong magaling kang pumili ng lalaki." Napabuntong-hininga pa si Ninang at hinaplos-haplos ang buhok ko. "Natutuwa rin ako kay Cristobal dahil mas inuuna niya ang kapakanan mo."
Lumamlam ang mga mata ni Ninang Val habang nakatingin sa 'kin. I instantly get it why.
Niyakap ko siya sa baywang at malambing na sinandig ko ang ulo ko sa balikat niya.
Valentina Guzman is a successful realtor and land investor. Matagumpay si Ninang sa kanyang piniling karera. Hindi na siya nagka-asawa at nagka-anak. Mayroon sana, ang kaso...
"Ninang Val, talaga bang hindi ka na sumubok na... umibig ulit?" hindi ko mapigilang itanong.
Alam kong sensitibong paksa 'to para sa kanya, pero malapit naman kami sa isa't isa ng Ninang ko. Mas gusto niya raw na malaya kong natatanong o nakukuwento sa kanya ang lahat ng bagay.
BINABASA MO ANG
Kiss Me After Life (Lemuel Bros. #3)
Fiction généraleWas it love or obsession? Ang bunso at nag-iisang babae sa magkakapatid na Lemuel na si Shy ay may napupusuang binata. Aburido nga lang ang pinaka-paborito niyang kapatid-si Flavio Ignacio Lemuel-sa lalaking pinapangarap niya. At kahit dumating na...