Kabanata VI

389 23 4
                                    

Gabing-gabi na.

Nasa kalagitnaan ako ng masarap na tulog nang maramdaman kong parang may malikot sa tabi ko. Pabaling-baling dahil nauuga ang kama—lumulubog-umaahon ang kutson.

Napilitan tuloy akong magising at lumingon. "Kuya Vio, huwag kang malikot!" sabay hampas ko sa kanya—tumama sa dibdib niya. "Maaga pa 'ko bukas na papasok!"

Napag-usapan namin ni Cristobal na alas-sais y medya pa lang ay magkikita kami sa cafeteria para mag-agahan nang magkasabay. Bukas na pala 'yon ng ganoon kaaga pero wala pang mga estudyante ang pumapasok. O kung mayroon man, may puwesto sa isang sulok na hindi kami mapapansin.

Bigla, hindi na 'ko kuntentong nagsusulatan na lang kami. I'm starting to crave having more conversations with him face-to-face.

He's such a gentle soul. Parang gusto ko rin maging ganoon kahinahon at kabait na tao.

Pero sa ngayon, hinampas ko ulit si Kuya Vio nang inulit niya na naman ang paglilikot sa kama ko. Hindi ko lang kasi mapalayas ng kuwarto ko dahil iniintindi kong may pinagdadaanan siya!

"Kuya, ano bang problema mo?!" pasinghal kong bulong sa kanya. Bumangon pa 'ko at minulat na ang mga mata ko, salubong agad ang mga kilay

Lukot ang mukha ni Kuya Vio. Napabangon din siya at humalukipkip. Iniwas ang mga mata sa 'kin. "Pinuntahan ako ni... Tara kanina."

"Huh?" Biglang naglaho ang inis ko. Napakapit ako bigla sa braso ni Kuya. "Pinuntahan ka niya? Sa rancho?"

Tumango agad si Kuya Vio. Nakayuko na siya pero nasilip kong parang naguguluhan ang itsura niya.

"She... she's upset... like me. She's still upset that I stopped seeing her. Pinipilit niya 'kong ituloy ang mga pagkikita namin. Kahit huwag na raw ako manligaw. Nobya ko na raw siya kung tatanggapin ko..." Napabuga si Kuya ng hangin. "Huwag na huwag mong banggitin kahit kanino, Shy. Huwag kahit sa mga kapatid natin at kay Bree. Lalo na kina Papa at kay Mama..."

My eyes widened. "P-Pumayag ka sa sinabi ni Tara? N-Nobya mo na siya, Kuya Vio?"

Napakamot si Kuya sa ulo. "Paano ko tatanggihan... eh, hinalikan ako?"

Napahawak ako sa magkabilang sentido ko. Parang pumitik iyon. "Hinalikan ka lang bumigay ka na? Marupok ka ba, Flavio Ignacio Lemuel?!"

"Sshh! Shy, nakita mo naman kung gaano ko kagusto si Tara. Akala ko, lilipas din 'yong lungkot nang hininto ko ang panliligaw. Pero lalo lang akong nalugmok!"

Inangat na ni Kuya Vio ang mga mata niya sa 'kin. Nabanaag ko ang lamlam doon.

I don't know if it's just the effect of the warm soft light coming from the lampshade. Or my brother's really emotional talking about Tara.

"May punto rin naman siyang dapat labas kami sa problema ng mga matatanda. Hindi nga naman niya kasalanan ang kasalanan ng Tita Arah niya kay Mama."

"Eh, Kuya Vio, respeto nga kay Mama! Tingin mo, tatanggapin ni Mama si Tara dito sa bahay bilang nobya mo? Kahit hindi kasalanan ni Tara, kapag kayo ang nagkatuluyan niyon, laging maaalala ni Mama na minsan nagtaksil si Papa sa kanya!"

"Shyloe." Hinawakan ni Kuya Vio ang magkabilang balikat ko. "May nalaman akong hindi binabanggit sa 'tin nina Mama at Papa. At hindi ko alam kung alam din ba nina Kuya Sylvan at Kuya Alvaro."

"W-What a-about?"

Biglang umigting ang mga mata ni Kuya Vio. Natigilan tuloy ako at nakuha ang interes ko! Tinangay na sa labas ang antok ko!

Tinitigan ako ni Kuya Vio. Kumibot-kibot ang mga labi niya pero hindi pa rin siya nagsasalita.

"Huwag mong sabihing nagdadalawang-isip ka pang sabihin sa 'kin, Kuya?! Hahampasin kita kapag binitin mo 'ko!" pagbabanta ko sabay tinaas ang kamao ko. Sasapukin ko talaga siya kapag nag-alangan siya!

Kiss Me After Life (Lemuel Bros. #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon