Kabanata XV

148 20 11
                                    

"Naiinip ka lang naman sa bahay. Mas mabuting sumama ka na sa 'kin sa convention. Tutal, oras na magtrabaho ka na sa rancho, sa mga ganito rin ang bagsak mo."

Kinabig ni Kuya Vio ang manibela. Lumiko kami sa daan patungo sa isang dulong bayan ng Amora. The town of Felicita is the east border of the province. Pagkalagpas doon ay probinsya ng Nueva Ecija na.

Napahalukipkip ako habang nilulukot ang buong mukha ko. "Maiinip din naman ako roon sa pupuntahan natin. Tatlong araw pang gaganapin iyon!"

Ngumisi si Kuya. "Masanay ka na ngang mainip sa mga gano'n, Shy. Parte iyon ng magiging trabaho mo."

"I'm not officially employed yet. Wala akong maiintindihan doon at hindi ko gustong intindihin kung anumang agenda roon. Tutunganga lang ako nang walang katapusan do'n, Kuya!"

May langkap ng inis ang tono ko. Bigla na lang niya 'kong pinag-empake kaninang pagkagising ko. Akala ko ay magbabakasyon kami kung saan dahil dati na naming ginagawa iyon.

Kuya Vio and I spent a lot of overnights and out-of-town trips during my thesis writing. Aside from data gathering, he brought me to different beaches, park fields, and camping trips for leisure before.

Iyon ang inaasahan kong gagawin namin pagkatapos kong mag-empake. But lo and behold! Gusto niya lang palang may kasamang maburyo sa isang three-day convention!

Dito niya lang sa sasakyan ipinaliwanag kung saan ba talaga kami pupunta. "You tricked me, Kuya Vio! How could you?!"

Tinawanan niya lang ako. "Sa bahay, tutunganga ka lang din naman hanggang sa dumating ang graduation mo sa susunod na linggo. Pagkatapos na lang ng convention, ipapasyal kita," he tried to bribe me.

Umingos ako at sumipat sa labas ng bintana. "Sa bahay kahit nakakatunganga ako ay sigurado naman akong tatawag si Cristobal sa hapon. At kung hindi ko talaga makakaya ang pagkainip, I could always hang-out with Bree. Pero sa pupuntahan natin? I have no other option! Sana'y kung hindi nakakahiyang matulog doon habang kung sinong tao ang nagsasalita sa harap."

Kuya Vio chuckled, again. "Think of this as your initiation before joining the workforce. Hindi rin naman basta-bastang mga tao ang makakasama natin doon. It's a gathering of all the landlords here in Amora. Taon-taong ginaganap iyon at si Papa ang madalas na pumupunta. Pero dahil ayaw daw sumama sa kanya ni Mama, ako na ang inutusan ni Papa."

"Bakit ayaw sumama ni Mama?"

"Maiinip lang daw siya," hagikgik ni Kuya.

My eyes widened. "See! Even Mama doesn't like to be there! Bakit ba ikaw ang nautusan? Why not Kuya Sylvan or Kuya Alvaro?"

"Abala si Kuya Sylvan sa farm. Luluwas si Kuya Alvaro sa Maynila. I am the only choice. Naisip kong idamay ka na."

"Hindi ka talaga papayag na walang kasama sa pagiging miserable!"

Mataginting ang halakhak niya. "Alam mo naman pala, eh. Lalong ayoko naman sa mga convention-convention na 'yan. Pero hindi mapagkakailang maraming koneksyon ang magagawa roon. Lalo na para sa negosyo natin."

Napabuga ako ng hangin. Wala pa sa isip ko ngayon ang tungkol sa trabaho at negosyo. Kahit doon naman talaga patungo ang karera ko, gusto ko muna sanang maghinay-hinay.

I should take things one step at a time. Payo iyon ni Cristobal dahil aminado nga akong madalas akong mag-isip ng negatibo sa hinaharap. He told me to look forward for the graduation first. Oras na tapos na iyon, at saka ko lang daw isipin ang pagta-trabaho.

I admit I'm quite pressured and scared once I entered the family business. I don't want to disappoint my parents, but what if I wouldn't be as good as my brothers? After all, I'm only an average type of student while they were achievers.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 5 hours ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kiss Me After Life (Lemuel Bros. #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon