Sasabog na ang kaligayahan ko.
"Ma'am, does this mean?"
Nginitian ako ng thesis adviser ko. "Congratulations, Miss Lemuel. All revisions are approved by the panel. Just produce three hardbound copies and pass it before Saturday next week."
Malaking ngiti ang ibinalik ko sa matandang propesor. Nakipag-kamay ito sa 'kin at pinaalalahan akong ipasa ang natitira pang subjects para hindi maantala ang pagtatapos ko. I nodded and said my thanks over and over.
Pagkalabas ko ng faculty, nakaabang na sa 'kin sina Bree at ang iba pa naming mga kaibigan.
Matagal na silang natapos at nakapagpasa ng thesis. Kaya't ganito na lang ang pag-aabang nila para sa 'kin.
"What's the news, Shy?" Jenna immediately asked.
"No more revisions?"
Itinaas ko ang folder na may malaking pirma at check. Unang tumili si Bree.
Napatili na rin ako at napatalon-talon. Hindi ko na itinago ang tagumpay na nararamdaman ko.
Hanggang sa lahat kami ay nagtatalon na sa saya. Sabay-sabay kaming magkakaibigan na magtatapos! Hindi na rin naman problema pa ang natitirang subjects, kumbaga madali na lang ipasa ang mga iyon.
Ang ibang estudyanteng nadadaan kami ay napapatingin pero hindi na nagugulat. Talagang sa labas ng faculty umaapaw ang saya ng mga graduating students na nakapasa na sa kalbaryo ng thesis.
Mabilis na nag-aya si Bree na kumain kami sa plaza. Kaya't doon kaming dumeretsong magkakaibigan. Para akong naglalakad sa mga ulap, at wala akong balak bumaba mula sa ere.
Hanggang sa pag-uwi ko kinagabihan, isinigaw ko pa sa buong bahay na sigurado na 'kong makakapagtapos sa kolehiyo sa taong iyon.
"Congratulations, Shy!" Sinugod ako ng yakap ni Kuya Vio.
Pagkuwa'y nagtatalon kaming dalawa sa sobrang saya. Iwinagayway pa ni Kuya ang folder ng final draft ko na parang isa 'yong tropeyo.
"Makaka-graduate na 'ko! Puwede na 'kong mag-nobyo!!!" naisigaw ko pa. Ganoon ako kaligaya!
Mahinang hinampas ni Kuya Vio sa ulo ko ang makapal na folder. "Diyan ka lang pala masaya. Akala ko, masaya kang makapag-tapos ng pag-aaral at hindi sayang ang ipinambabayad namin ng matrikula mo!"
Napalabi ako. "Masaya akong makapagtapos, Kuya! Pero mas masayang masasagot ko na si Cristobal. Ang tagal-tagal na niyang naghihintay!"
Kuya Vio made a face. "Dapat sa 'kin ang grade mo rito sa thesis. Ako naman ang nagsulat nito," biglang pag-iiba niya ng usapan.
"I was the one who defended it! At isa ako sa mga matataas ang grado sa oral defense! It's a fifty-fifty effort!"
Isa pa, kahit si Kuya Vio ang nagsulat ng buong thesis ko, kasama naman ako sa lahat ng proseso, ano! Kaya nga't matagumpay 'kong nadepensahan iyon dahil alam ko ang lahat ng ginawa roon.
Binuklat-buklat ni Kuya ang mga pahina. "Dapat ay may pangalan ko rito bilang author."
"Inilagay nga kita sa Acknowledgement at sakop mo ang buong pahina."
Siya lang talaga ang pinasalamatan ko roon. His name is complete, in bold and capital letters. Not just because he deserved the credit, but because I was truly grateful for how much dedication he exerted just to make sure his baby sister would finish the thesis on time. Thus, my graduation is guaranteed.
Yumakap ako sa baywang niya. "Thank you so much, Kuya Vio!!!"
He exhaled sharply and put his arm around my shoulders. "Dapat ilibre mo 'ko."
BINABASA MO ANG
Kiss Me After Life (Lemuel Bros. #3)
General FictionWas it love or obsession? Ang bunso at nag-iisang babae sa magkakapatid na Lemuel na si Shy ay may napupusuang binata. Aburido nga lang ang pinaka-paborito niyang kapatid-si Flavio Ignacio Lemuel-sa lalaking pinapangarap niya. At kahit dumating na...