Kabanata VIII

581 27 4
                                    

"Narinig ko nga ring nangyari 'yon. That was a week ago and they never dropped the victim's name for privacy. I didn't know it was Cristobal Loalde!" bulalas ni Bree.

After talking to Cristobal's friend, I had to confirm if my other friends also heard about it. Parehas ang naging sagot nilang lahat katulad kay Bree.

"Bakit sa 'kin ay hindi nakarating? Wala akong narinig na may binugbog na estudyante! Was it a frat or a gang?" Ilang beses akong napapalunok ng hangin. Ang bilis ng tahip ng dibdib ko.

Kumusta na si Cristobal ngayon? Gaano kaya kalala ang natamo nito? Nag-iimbestiga pa rin ba ang mga pulis?

"Nawala na rin sa isip ko na banggitin. I easily assumed it was a frat thing and you probably heard of it from your brother. Wala pa namang hindi alam si Vio kapag ganoon," sabi pa ni Bree.

Napailing-illing ako. "Walang nababanggit si Kuya sa 'kin..." Hindi ko na rin aasahan pa na binigyang atensyon ng iba ko pang kapatid ang balitang iyon.

"Shy, I know you like Cristobal." Hinawakan ni Bree ang braso ko. "I'm sorry about this news. Siya pala ang naging biktima. Wala talaga akong nabalitaang pangalan dahil ang nais daw ng pamilya ay katahimikan habang nagpapagaling ang biktima. Kaya pala ganoon. Tahimik na pamilya ang mga Loalde, ayaw na siguro nilang lumaki ito."

Isa lang ang pumapasok sa isip ko ngayon—gusto kong bisitahin si Cristobal. Gusto kong kumustahin ito. Gusto kong malaman kung ano nang kalagayan nito. Hindi ako matatahimik hanggang sa hindi ko 'yon magagawa!

Ngunit paano naman?

Kung sa bahay lang nagpapagaling si Cristobal, paano akong makakapuslit na makapunta roon? Tiningnan ko si Bree at naisip ko nang sabihin sa kanya lahat. Baka matulungan niya 'ko.

Pero wala akong lakas ngayon na mag-kuwento ng mga nangyari sa mga nakalipas na buwan.

Hindi ko lalo mahihingan ng tulong si Kuya Vio dahil sa kanya nga ako pupuslit! Hatid-sundo niya 'ko rito sa campus. Tuwing Sabado at Linggo, kung saan-saan din niya 'ko sinasama kung hindi kami tatambay lang sa bahay.

At nakapangako na kami sa isa't isa na bawal nang banggitin ang tungkol kina Cristobal o Tara.

Well, bawal lang naman ako magbanggit hanggang sa makatapos ako ng kolehiyo.

Ngunit dalawang taon pa 'yon! I need to make a way to see Cristobal now!

Sa kalagitnaan ng pag-iisip ko, dumating na ang propesor sa klase namin ng hapong iyon. Umayos na sa pagkakaupo si Bree.

Nag-iisip pa rin ako nang biglang dumapo ang tingin ko kay Tia.

Hindi ko tiyak kung bakit sa kanya ako napatingin. Alanganin pa rin ang pakiramdam ko sa babae. Hindi ko alam kung mapagkakatiwalaan si Tatiana Baltazar, pero mukhang 'di naman siya masamang tao. Gusto siya ni Kuya Sylvan. Wala rin daw problema sa kanya si Kuya Alvaro at Kuya Vio.

Katulad ni Bree, mukhang nakikinig si Tia mabuti sa propesor at—Ah, I got it!

Tia is working with Kuya Sylvan and Kuya Alvaro in the farm. Ang Lemuel Farm ay malapit-lapit na sa ancestral house ng mga Loalde kung saan nakatira si Cristobal kasama ang lola nito...

Hmm...

"Hindi ka sasama sa 'kin bukas sa rancho?" Napataas ng kilay si Kuya Vio.

Naghahapunan na kaming magkakapatid. Wala sina Mama at Papa. May dinaluhang kasiyahan sa Quiteria.

"I know it's Saturday and I should train in the ranch. Pero naisip ko, gusto ko ring makita ang operations sa farm! I want to spend a day with Kuya Sylvan and Kuya Alvaro naman. Lagi na lang tayo ang magkasama, eh."

Kiss Me After Life (Lemuel Bros. #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon