Kabanata X

551 41 12
                                    

Gustong kong maniwala na oras at panahon lang ang kalaban ko sa ngayon.

Kaya't hindi pa maaari makamit kung anumang gusto ng puso ko. Ang pinakamabisang solusyon, hahayaan ang mga araw na lumipas.

Nasulyapan ko si Cristobal. Nakapasok na rin siya pagkatapos ng isang buwan. Walang bakas ng kahit anong trahedyang nangyari sa kanya. Iyon nga lang, halata ang pagbaba ng kanyang timbang.

Still, he is still the same Cristobal who I admired from afar. Nanatiling mababait ang kanyang mga ngiti at mahinahon ang presensya.

At katulad ng mga araw magmula nang makabalik na siya, napapansin niya sigurong may nakatitig sa kanya. Then, he would always turn towards my direction.

Magsasalubong saglit ang mga mata namin. Pero natuto na 'kong mabilis na umiwas. Tumalikod agad ako at humabol kina Bree papunta sa susunod naming klase.

Ang hirap pero nakasanayan ko nang iwasan si Cristobal. Halata rin naman niya siguro iyon at hinayaan na lang din ako.

Isang beses, sinubukan niya namang lumapit. Pero ako talaga ang hindi siya binigyan ng pagkakataon. Sa likod ng utak ko, baka ano na namang mangyari sa kanyang masama dahil lang sa 'kin.

Mabuti na 'yong ganito muna siguro. Balik na lang sa dati. At baka pagdating ng panahon... Baka wala nang mangyayaring masama kung susunod lang ako sa usapan namin ni Kuya Vio.

Speaking of, hindi ko maintindihan si Kuya Vio nitong mga nakaraang buwan. Daig pa 'ko sa tuwing may regla ako.

"Bakit nakasimangot ka, Shy?" tanong ni Bree pagpasok namin sa silid ng susunod na klase. "Hindi mo nasilip si Cristobal kanina?"

"Nasilip naman." Inayos ko na ang mukha ko. "Naisip ko lang si Kuya Vio. Pabago-bago pa rin ng timpla. Tatantiyahin ko na naman mamaya."

"Maybe your brother is still going through something," singit ni Jenna na nakaupo sa likod namin ni Bree. "Didn't you mention he was heartbroken?"

"Ang tagal na niyon!"

At hindi na rin nagpilit pa si Tara na makita si Kuya Vio. Siguro nahiya na lang din sa pamilya namin.

"Ano naman kung matagal na? Hindi naman basta-basta nawawala ang damdamin. Hayaan mo lang ang kapatid mo."

"Maayos lang naman si Kuya Vio pagkatapos silang maghiwalay no'ng huling babae niya. Nito na lang siya parang nawawala sa sarili o tinotopak?"

Humagikgik sina Bree.

"Baka delayed reaction. Ngayon pa lang yata nagsi-sink in sa kanya?" ani Vanessa, katabi ni Jenna. "Hayaan mo lang ang kapatid mo, Shy. Aayos din siguro ang Kuya Vio mo. Hintayin mo lang."

Ang dami ko nang hinihintay!!!

"Huwag ka nang magtampo kung ayaw ka pa ring katabi ni Vio," bulong ni Bree sa kalagitnaan ng klase at may ipinagawa lang sa 'ming written activity.

Tumigil ako sa pagsusulat at napabaling sa kanya.

"Don't take it personally. Your brother wanted some space. He's a big man. Baka hindi na rin komportable sa kanya na may katabing kapatid. Lalo na at dalaga ka na. Hindi ba, hindi nga dapat kayo magkatabi?"

Gumusot ang ilong ko. "Wala naman nang kaso kina Mama iyon. Buti nga at natanggal na ang malisya sa paniniwala nina Mama."

Nagkibit-balikat si Bree. "Kahit na. Baka ayaw lang din ni Vio masaktan ang damdamin mo. Pero baka ayaw niya na rin siguro ang may katabi o kasama sa kuwarto. Baka ano..."

Nagkatinginan kami ni Bree. Muntik ko na siyang masabunutan dahil sa kapilyahang nabasa ko sa mga mata niya.

"Kadiri!" pabulong kong singhal.

Kiss Me After Life (Lemuel Bros. #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon