Masama ang loob ko kay Kuya Vio.
Malinaw na sa 'kin ang nararamdaman ko kahit pa ginamot niya 'ko pagkatapos kong madapa at masubsob habang umiiyak. Kasalanan niya naman iyon dahil binulyawan niya 'kong umalis!
Sa sobrang sama ng loob ko, nagawa ko siyang hindi pansinin ng isang buong linggo. Kahit anong gawin niyang panunuyo sa 'kin, nakatiis akong huwag bumigay
"Hatid na kita, Shy," nakangiting alok ni Kuya Vio sa 'kin pagkatapos kong kumain ng agahan.
Nasa tabi ako ni Mama at kunwaring wala akong narinig, bumaling ako sa iba kong kapatid.
"Kuya Alvaro, hatid mo naman ako. Ang tagal mo na 'kong hindi nahahatid, Kuya," paglalambing ko pa.
Akala ba ni Kuya Vio, siya lang ang kapatid ko? I just always chose him before, but I have other options! Hindi naman ako tatanggihan ng iba kong kapatid! Siyempre at bunso ako.
Napahinto si Kuya Alvaro sa pagsimsim ng kape at napaangat ng tingin sa 'kin. There was a glint of surprise and question in his eyes. "Sure..." pagpayag niya. Tunog alanganin nga lang at napasulyap pa kay Kuya Vio.
No one knew about our quarrel from last week. Dahil pagbabatiin lang kaming pilit nina Mama at Papa. O kaya iisipin ng iba naming kapatid na parang mga bata lang kami ni Kuya Vio.
Pero ngayon, siguradong halata na nilang may away kami at hindi na lang sila makaimik dahil walang umiimik sa 'min ni Kuya Vio. Iba ito sa mga maiingay naming pagtatalo.
Saglit akong sumulyap sa kanya. Nakatingin din siya sa 'kin habang nakakunot-noo.
Hindi ako umirap o kahit umismid. I simply turned my eyes away from him and coldly stood up.
"Bye, Mama. Bye, Papa." Nagbigay ako ng tig-isang halik sa pisngi nina Mama at Papa. Dama kong gusto na nilang magtanong, pero hindi lang makahanap ng tiyempo.
Pati si Kuya Alvaro, napatayo na lang din at sinundan na 'ko palabas.
"You're not talking with Vio the whole week. What did he do this time?" Kuya Alvaro finally asked while he's driving me to school. Napansin din pala nito.
Nagkibit-balikat lang ako. "Nagbago na si Kuya Vio. Hindi niya na 'ko mahal."
"Don't be childish," mahinang saway ni Kuya Alvaro. "That's next to impossible that Vio would stop adoring you. You are his favorite sibling."
Tumingin ako sa labas ng bintana. "Paborito niya lang ako hanggang sa sumusunod ako sa gusto niya." Nito ko lang naisip 'yon. "At baliw na kay Antonia 'yon. Mas gusto niya nang katabi 'yon!"
Napailing-iling si Kuya Alvaro. "Mukha lang nilang ginagamit ang isa't isa."
Bigla akong napatingin sa kapatid ko. "I know, right? Kuya Vio kept disappointing me these days. I didn't know he's capable of that. Gagamit lang ng babae... Akala mo mauubusan? Galit pa naman kami kay Kuya Sylvan na gawain 'yon—"
"Hindi ganyan si Kuya Sylvan," pagtatanggol ni Kuya Alvaro sa, well, paborito niyang kapatid. "He had a phase, but he's gentle to women."
"Like a gentleman?"
"Maaari."
Umarte akong naduduwal kunwari. Gentleman and Kuya Sylvan cannot be equal. Ang tunay na "gentleman" ay si Cristobal!
"Baka ikaw, puwede pang gentleman," sabi ko kay Kuya Alvaro. "But back to Kuya Vio, I'm frustrated at him! He has changed!"
"Changed... in what way?"
"Basta!" Hindi ko rin mailarawan. "Nagbago na siya! Bad influence 'yang si Antonia!"
Hindi na ulit umimik si Kuya Alvaro. Inabot lang nito ang pisngi ko at marahang kinurot.
BINABASA MO ANG
Kiss Me After Life (Lemuel Bros. #3)
Fiction généraleWas it love or obsession? Ang bunso at nag-iisang babae sa magkakapatid na Lemuel na si Shy ay may napupusuang binata. Aburido nga lang ang pinaka-paborito niyang kapatid-si Flavio Ignacio Lemuel-sa lalaking pinapangarap niya. At kahit dumating na...