Chapter 16: Hell Brothers are back! (2024)

214 10 4
                                    

Chapter 16: Hell Brothers are back!

(Demionne's POV)

"Ares iho, mag-almusal ka na muna. Sobrang sipag mo namang tumulong kay Itay Florante mo."

Pagtawag ni Inay Laura sa akin habang nagsisibak ng mga kahoy na dala-dala namin ni Itay Florante galing gubat. Bilang pasasalamat sa pagkupkop nila sa amin ay tumutulong ako sa mga gawain dito sa bahay kubo nila. Ares ang tawag nila sa akin, inilihim ko sa kanila ang tunay na pagkatao ko.

"Sige ho Inay, kakain na po."

"Napakasipag at napakabait na binata. Naalala ko tuloy ang binatilyo natin Laura. Kumusta na kaya siya?"

Natigilan ako ng marinig ang binanggit ni Itay Florante. May anak sila?

"May anak ho kayo Inay, Itay?" kuryuso kong tanong ng makalapit sa kanila. Pinunasan ko ang pawis ko gamit ang damit ko na nakasampay lang sa balikat ko.

Ngumiti lang si Inay Laura, "Oo nag-iisang anak namin na galing sa milagro."

"Milagro?" kunot noo kong tanong.

"Hindi kami biniyayaan ng sanggol ng maykapal. Singkwenta anyos na si Laura nang ipinagbuntis niya ang anak namin. Isang milagro ang nangyari." nakangiting kwento ni Itay Florante.

"Nasaan na siya ngayon?" umupo ako sa tapat ng inuupuan ni Itay. Dito sa labas ng kubo ay may parihabang mesa at dito kami kumakain.

"Nasa syudad siya nag-aaral." ngiting sagot ni Inay.

"Ahh.." tango ko sabay higop ng mainit na kape na gawa ni Inay.

"Osya, iwan ko muna kayo diyan at pupuntahan ko lamang si Ineng para siya ay mabihisan." pumasok na ng kubo si Inay at naiwan kami ni Itay.

"Hindi ka ba nababagot sa kakahintay?" bigla na lamang na tanong ni Itay.

Mapakla akong ngumiti, "Kaya nga ho tumutulong ako sa inyo at sumasama sa pangtotroso para malibang ko ang sarili ko't hindi makapag-isip ng kung ano."

"Ilang araw na ba siyang hindi pa nagigising?" tanong niya.

Napatingin ako sa gawi ng bintana kung saan nakahimlay ang mapayapang natutulog na Binibini sa loob.

"Anim na araw na po." mahinang sagot ko.

Oo, anim na araw na siyang natutulog at hindi pa nagigising simula noong may mangyari sa pinagbabawal na templo. Minsan napaghihinaan na ako ng loob pero nangingibabaw parin ang pag-asa ko na magigising na siya balang araw.

"Huwag kang mag-alala, iho. Magigising din siya. Malapit na.." makahulugang ngiting sabi ni Itay na ikinangiti ko na lang din. Alam kong pinapanatag niya lang ang loob ko.

Pagkatapos kong mag almusal ay agad akong tumungo sa silid na tinutulugan ni Allysana. Napabuntong hininga akong umupo sa may tabi niya. Hinawakan ko ang kamay niya. Pumapayat na siya lalo. Pero kahit parang buto't balat na ang katawan niya, napakaputi at napakaganda pa rin niya.

"Bakit parang ayaw mo na atang gumising diyan? Iniiwasan mo ba ang tungkulin mo bilang Itinakda? Ganun mo na lang ba ka-disgusto ang tulungan ang pamilya namin? Wala ka bang kahit ni katiting na nararamdaman para sa akin?"

Natawa ako sa sarili ko nang biglang may tumulo na luha sa mga mata ko.

"Tinatangi kita, Allysana."

"Sinisinta kita."

"Iniibig kita."

"Minamahal kita."

"Sana marinig mo itong huling sasabihin ko,"

HELL BrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon