Chapter 9: Strange Village
(Allysana's POV)
"Kumain ka muna, Ate." aya sa akin ng batang babae.
Nandito na ako sa tinatawag nila na Kabilang baryo sa isang kubong bahay. Dito ako dinala ng lalakeng nangangalang Savier. Wala daw pangalan ang lugar na 'to kaya tinawag na lang na Kabilang baryo. Mahigit dalawang kilometro naman ang layo nito mula sa Misteryosong palasyo at nasa gitna pa din ng kagubatan.
Pagpasok namin dito sa baryo ay napansin ko agad ang mga nakahilerang mga maliliit na bahay na gawa sa kawayan pero konti lang naman, nung una akala ko Ghost town ito tahimik kasi ang paligid pero may mga nakatira naman. Sentro ng atensyon pa ako kanina, pero ramdam ko ang mainit na tingin sa akin ng ibang tao. Parang hindi nila nagustuhan na may bagong salta sa lugar nila, yung iba naman parang nag-aalala.
Pero ang nakapagtataka lang, Saan nila dinala si Demionne?
"Pwede bang magtanong?" sabi ko sa batang babae. Mukhang kinse anyos pa siya.
"Ano po yon?" nakangiti niyang sabi.
"Saan nila dinala si Demionne?" kuryuso kong tanong na may halong pag-aalala.
"Bakit mo po naitanong yan? Nag-aalala ka ba po para sa kanya? Hindi ba binihag ka nilang magkakapatid? Kaya dapat lang na magalit ka sa kanila." ang matured ng pagkakasabi niya.
"Hindi naman sa nag-aalala ako. Kuryuso lang ako kung saan nila siya dinala." pagsagot ko.
"Sa isang liblib na lugar kung saan hindi siya makakatakas." biglang dating ni Savier na kakapasok lang.
Napatingin naman kami sa kanya. "Hindi mo na siya dapat isipin, Binibini. Ligtas ka na mula sa mga kamay nila. Wala ka na dapat na ipag-alala pa." seryoso niyang sabi. Lumapit siya sa akin at hinawak ang kamay ko. "Sinisimulan na naming kontakin ang magulang mo. At bukas makalawa, makakauwi ka na sa inyo." nakangiti niyang sabi.
Naging mapanatag na ang loob ko sa sinabi niya. "Maraming salamat.." yun na lamang ang nasabi ko.
"Savier, nakahanda na ang mga kagamitan.." pagpasok naman ng isa pang lalake. Napatingin siya sa akin at ngumisi, "May bagong salta pala tayo dito. Siya na ba ang gagawin mong rey--"
"Mauna ka na, Sander. Susunod na lang ako." pagtigil ni Savier sa sasabihin niya sana.
"O sige.." bago pa man umalis ang Sander na yun ay nakita ko kung paano niya ako tignan ng nakakakilabot na tingin. Nakaramdam tuloy ako ng pagkatakot. Pakiramdam ko tuloy, parang may mali din sa mga tao dito. Parang may tinatago din silang lihim na mas malala pa kesa sa Pamilyang Hell.
Pero isinawalang bahala ko na lamang ito. Paranoid lang siguro ako atsaka makakauwi na ako sa amin kaya wala na ako dapat na ikatakot pa.
"Aliyah, bantayan mo ng mabuti si Ate Allysana dito ha. Wag mong hayaang makalapit ang ibang kapitbahay natin sa kanya." bilin ni Savier bago siya umalis.
"Opo Kuya.."
Nagtaka ako sa sinabi niya. Bakit naman hindi ako pwedeng lapitan ng mga kapitbahay nila?
Pagkatapos kong kumain ay tinulungan ko si Aliyah na maghugas ng plato. Sinadya ko ito para makapagtanong na sa kanya.
"Bakit hindi ako pwedeng lapitan ng mga kapitbahay niyo?" tanong ko na.
Medyo natigilan siya, "Kasi po baka saktan ka nila."
"Ha? Bakit naman nila ako sasaktan?" pagtataka ko.
"Hindi po kasi lahat ng tao sa paligid mo ay mabubuti at masasama. Yung iba, nagpapanggap lang. Lilinlangin ka hangga't sa mahulog ka sa patibong nila. At pag nahulog ka na, wala ka ng kawala. Habang buhay ka ng makukulong sa impyernong teritoryo nila. Kaya huwag kang magtitiwala sa mga kapitbahay, Ate. Panganib lang ang aabutin mo." makahulugan na pahayag niya. Ang talino ng batang 'to. Yun na lamang ang nasabi ng isipan ko.
BINABASA MO ANG
HELL Brothers
Mystery / Thriller"We. The 7 deadly brothers. As one. We hunt. We kill. No mercy. Your nightmare. Beware." -Meet the 7 Hell Brothers