Chapter 15: Wishing Hell

3K 141 153
                                    

Chapter 15: Wishing Hell

(Allysana's POV)

Nasaan na ba kami? Bakit maamog? Hindi ko maaninag ang paligid dahil sa kapal ng ulap. Pasan pa rin ako ni Demionne sa likod niya. Naglalakad pa rin siya. Kinakabahan ako. Kahit wala akong maaninag tumitindig ng husto ang balahibo ko. Nasa tuktok na ata kami ng Lost Mountain.

"Demionne, nasaan na ba tayo?" tanong ko.

"Nandito na tayo." mahinang sagot niya.

"Huh?"

"Finally we're here, Ally." banggit niya ulit atsaka siya huminto.

Napatingin ako sa harapan namin. Unti-unting humuhupa ang amog sa paligid hanggang sa makita ko na kung nasaan na kami.

Isang malaki at lumang Templo ang bumungad sa harap namin. Pinapalibutan at nilalatayan na ito ng mga malalaking dahon at puno sa paligid. Napakacreepy pero nakakamangha.

"Kaya mo na bang maglakad?" mahinahong tanong niya.

"Oo.." sagot ko at dahan-dahan niya akong binaba pero inaalalayan pa rin niya ako sa paglalakad. "Anong meron sa loob ng Templo? May mga monghe ba riyan?" kuryuso kong tanong habang naglalakad na kami papasok.

"Walang monghe dito. Walang taong nakatira dito, maliban daw sa halimaw na tagabantay ng Wishing well."

Nanlalaki ang mata ko ng marinig ang salitang halimaw. Napadikit pa ako sa kanya dahil sa takot.

"Ha-halimaw? D-demionne, umalis na lang kaya tayo."

"Ally, nandito ako. Wag kang matakot. Ang halimaw na iyon ay mahimbing na natutulog sa lungga niya. Ang kailangan lang nating gawin ay ang tahimik na makapasok sa loob ng Templo, makarating sa Wishing well at makalabas ng buhay dito." mapanatag na sabi niya at mahigpit na hinawakan ang kamay ko.

"Ano ba kasing gagawin natin sa Wishing well na yan?"

"Hihiling malamang. Kaya nga Wishing well eh." sarkastiko niyang sabi.

"S-so ito pala yung gustong mapuntahan ng mga dayo dito sa tuktok ng Lost Mountain? Para matupad ang kanilang kahilingan? Matutupad nga ba?" paninigurado ko.

"Sa tingin mo ba, itataya nila ang buhay nilang makaakyat rito kung hindi totoo? Sa dinami ng pinagdaanan natin sa pag-akyat dito, hindi ka pa rin naniniwala na maaaring matupad ang kahilingan mo pag naabot mo ang tuktok nito?"

Natahimik ako. Naalala ko tuloy ang mga pinagdaanan namin bago makarating dito. Bukod sa Oso na humabol sa amin madaming mga wild animals rin ang humanting sa amin sa kalagitnaan ng bundok tulad ng Lobo, Ahas, Tigre at iba pang mababangis na hayop. Muntik pa nga akong mahulog sa bangin buti na lang nasalo niya agad ako. Grabe yung pinagdaanan namin sa kalagitnaan ng kabundukan. Buti na lamang ay naka-survive kami.

Tahimik kaming naglakad papasok sa Templo. Nakakapit lamang ang kamay ko sa braso ni Demionne, kinakabahan kasi ako ng sobra. Masyadong tahimik ang paligid. Tanging kaluskos lang ng paa namin ang naririnig. Napahinto na kami ng makalapit na kami sa malaking pinto ng Templo na gawa sa kinakalawang na bakal. May ulo ng istatwang dragon ang nakasabit sa itaas na bahagi ng pinto, nababahiran pa ito ng tuyong dugo .

Napalunok ako ng dahan-dahan ng buksan ni Demionne ang pinto. "D-demionne.." Natatakot na usal ko.

"Kumapit ka lang sa akin." mahinang banggit niya.

Pagbukas ng pinto ay bumungad sa amin ang malawak na pasilyo. Kapansin-pansin ang madaming istatwa ng dragon na gawa sa marmol na nakadisplay sa bawat sulok ng paligid. Bawat istatwa ay may nakaukit na salitang latin sa ibabang bahagi nito. Pero ang mas nakakuha ng atensyon ko ay ang isang malaking Balon na pinapalibutan ng tatlong malalaking bato na may mga nakaukit ring salitang latin. Ano kaya ang ibig sabihin ng mga salitang iyan?

HELL BrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon