Chapter 11: Hidden Paradise
(Allysana's POV)
"Wow. Anong klaseng lugar 'to?" namamangha kong tanong kay Demionne ng makarating na kami sa sinasabi niyang lugar na malayo daw sa panganib. Ibinaba niya na ako mula sa pagkakabuhat niya sa akin at agad ko namang inilibot ang paningin ko sa napakagandang tanawin sa paligid.
Kulay asul na Batis na nanggagaling sa napakataas na Talon. Maririnig ang malakas na pagbagsak ng tubig na nagmumula sa itaas ng bundok. Kulay berdeng kapaligiran na nagrereflect sa kulay ng mga Punong kahoy na nakapalibot sa buong paligid. Mga huni ng ibon na lumilipad sa ere. Kaluskos ng mga maliliit na hayop na nakatago sa mga puno. Malamig na simoy ng hangin.
This is the most peaceful place na napuntahan ko. All in all, PERFECT ang lugar na 'to! Sayang lang at hindi ko nadala ang DSLR para makakuha ng mga litrato.
"Ito ang Lihim na Paraiso na pagmamay-ari ng aking Master."
"Master?" kunot noo kong tanong.
"There.." lumingon naman ako kung saan siya nakaturo. May maliit pala na bahay na gawa sa kahoy doon sa may bandang unahan.
"Diyan nakatira ang Master ko na siyang nagturo sa akin kung paano lumaban ng walang kakayahan. Tara, puntahan natin." agad niya akong hinila papunta doon. Kung makahila siya parang walang nangyaring masama sa kanya. Parang maliit na gasgas lang ang meron sa nagdudugo niyang katawan. Well as expected from the HELL brothers. He's the Beast Prince of the family.
Habang papalapit na kami sa kubong iyon ay naiimagine ko agad ang itsura ng Master niya. Isang matandang uugod-ugod, kalbo at may tungkod na lalake ang malamang sasalubong sa amin.
"Master!" pagtawag ni Demionne nang nasa harap na kami ng pinto. Walang sumagot kaya binuksan na lang ni Demionne ang pinto.
"This is tresspassing, Demionne." suway ko sa kanya ng buksan niya ang pinto. Napanganga naman ako ng makita ang loob kaya agad akong napapasok sa loob sa sobrang excitement.
"Wow!Ang ganda dito! Grabe!" sobrang pamamangha ko ng sabi.
"Tch.." ismid niya.
"Nagustuhan mo ba?"
Napatingin kami sa biglang nagsalita. Nanlalaki naman ang mata ko ng makita ko ang binatang lalake na nagsalita na nakasandal sa pinto. Nakangiti siya sa amin.
"Master Recca!" agad na lumapit si Demionne sa kanya at nakipagkamay.
"Ang gulo ng itsura mo, Demionne. Saam ka na namang nangaso?" kalmado niyang banggit habang sinusuri ang buong katawan ni Demionne.
Unexpected! Akala ko matanda na ang Master niya?? Parang matanda lang siya ng konti sa amin eh! At napakagwapo pa niya kahit simpleng damit lang ang suot niya. Siya ba talaga ang Master ni Demionne??
"Hindi ako nangaso, nadakip lang naman kami ng kampo ni Savier." pagsagot ni Demionne at prenteng umupo pa siya sa mahabang upuan na gawa lang sa kawayan.
Inikot ko pa ang paningin ko. Grabe ang mga kagamitan dito, halos lahat antique.
"At nagpatalo ka naman?" lumapit si Master Recca sa akin kahit si Demionne ang kausap niya. Ang lagkit ng mga titig niya sa akin at nagulat na lamang ako ng hawakan niya ang kanang kamay ko.
"Pangalan?" tanong niya habang nakatitig sa palad ko.
"A-allysana Haviens po.." nauutal kong sagot. Nakakailang kasi ang ginagawa niya.
Napansin ko ang pagkagulat na reaksyon niya ng marinig ang pangalan ko. Lumingon siya kay Demionne,
"Siya ba ang itinakda? The chosen one?" tanong niya.
BINABASA MO ANG
HELL Brothers
Mystery / Thriller"We. The 7 deadly brothers. As one. We hunt. We kill. No mercy. Your nightmare. Beware." -Meet the 7 Hell Brothers