Chapter 14: The Lost Mountain

2.5K 120 59
                                    

Chapter 14: The Lost Mountain

(Priya's POV)

Nakakalungkot isipin na wala ng magaganap na pag-iibigan sa pamamagitan ni Demionne at Allysana. Kukunin na si Ally ng pamilya niya at ibabalik sa syudad. Paano na ang Hell Brothers? Habang buhay na silang makukulong sa sumpa. Kahit inis ako kay Manzter, naaawa pa rin naman ako sa kalagayan niya. Wala silang kalayaan. Ang kakayahan nila ay nagagamit lamang nila sa loob ng Palasyo. Makakalabas nga sila pero may panganib naman ang nakaabang sa kanila.

HAYSS!

Napalakas ata ang pagbuntong hininga ko kasi napatingin silang tatlo sa akin. Pabalik na kasi kami sa Paraiso. Kasama ko si Kuya Recca, Kuya Alexis at Alice.

"Lahat ay may dahilan, Priya." mahinahong banggit ni Kuya Recca.

"Pero kuya, paano na ang Propesiya?" nalulungkot kong tanong.

"Wala ng magaganap na Propesiya. Period." sambat ni Alice

Napabuntong hinga na lamang ako. Naramdaman ko naman ang paghawak ni Kuya Recca sa kamay ko. Napatingin ako sa kanya at nakita ko na lamang ang makahulugan na tingin niya sa akin. Bigla tuloy akong kinutuban.

"Nandito na tayo.." banggit ni Kuya Recca ng makarating na kami sa Paraiso.

Dali-daling tumakbo si Alice papunta sa tirahan namin.

"Allysana nandito na kami!!" pagtawag niya. Makikita talaga sa kanya ang pananabik na makita ang bunso nilang kapatid. Pinasok pa niya ang bahay namin at hinanap niya si Allysana sa buong bahagi ng bahay. Pero nawala ang ngiti niya ng mapansing wala si Allysana. Kahit ako nagtataka. Bakit parang wala silang dalawa ni Demionne? Saan naman kaya sila nagpunta?

"Nasaan si Allysana, Recca?" biglang nagbago ang asal ni Alice at matalas na tinitigan si Kuya.

"Hindi ko alam. Nandito lang silang dalawa noong umalis kami." pagkibit balikat ni Kuya Recca. Nagulat ako ng mabilis niyang kwinelyuhan si Kuya.

"Don't fool me, Recca. Where are they?" malamig na tanong ulit ni Alice.

"Kalma lang, Alice. Kalma. Umalis lang yun saglit, babalik din sila." mahinahong sagot ni Kuya Recca.

"Alice, hintayin na lang natin. Magpahinga muna tayo. Masyadong mahaba ang binyahe natin galing syudad." kalmadong awat sa kanya ni Kuya Alexis habang nakaupo na sa upuan na gawang kawayan.

Binitawan na ni Alice si Kuya, "Make sure na babalik sila dito or else...You're DEAD." pagbabanta niya kay Kuya. Ngumiti lang si Kuya sa kanya at umaksyon pang sumusuko na.

Ilang saglit lang ay napansin kong napatingin si Kuya sa may bintana kung saan makikita mula rito ang tuktok ng The Lost Mountain. Ang pinaka mataas na bundok sa buong bansa na nababalutan daw ng maraming misteryo. Napansin kong nakatitig si kuya doon at nakita kong may bumuong ngisi sa mga labi niya.

At doon ko napagtanto na...

WAAAHHH! KUYA! May kinalaman ka sa pagkawala ni Allysana at Demionne!!!

(Allysana's POV)

"Hey, sigurado ka bang tama tong dinadaanan natin papuntang kabilang baryo? Bakit parang paakyat na tayo ng bundok?" -pagtataka at humihingal na tanong ko kay Demionne. Kanina pa kami naglalakad at nangangatog na ng sobra ang paa ko. "Feeling ko talaga nagma-mountain climbing na tayo. Camping ba tong ginagawa natin, Demionne? Yung totoo?" -sarkastiko kong tanong.

"Alam mo ba ang The Lost Mountain?" -instead na sagutin ako ay nagtanong pa siya. Pambihira namang lalakeng 'to!

Napaisip tuloy ako,

HELL BrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon