Chapter 3: The chosen one
(Allysana's POV)
NAPABALIKWAS ako ng bangon nang makarinig ako ng huni ng Flute. Napatingin ako sa nakabukas na bintana sa kaliwang bahagi ko. Pumapasok ang napakalamig na hangin dahilan para magliparan ang kurtina na nakasabit sa bintana. Alas tres na ng madaling araw pero may naririnig akong huni ng flute na nagmumula sa labas. Napakalamig kasi sa pandinig ang tunog na iyon. At para bang may nag uudyok sa akin na lumabas at hanapin ang taong nagpapatugtog nito.
Kaya tumayo ako at dahan dahang lumabas ng kwarto. Nakita ko pa sina Hunther at Davielle na natutulog sa Sopa pero nilagpasan ko lamang sila. Masyado ng malalim ang gabi at tahimik ang buong paligid maliban nga lang dun sa huni ng flute na sinusundan ko kung saan nanggagaling.
"Huwag kang magpapakita sa kanya."
Nagsitayuan ang balahibo ko ng makarinig ako ng boses ng babae na nagmumula sa isang kwarto.
"S-sino ka?" kinakabahan kong tanong. Tumingin ako sa isang kwarto na may itim na pinto,
Nakaawang ng konti ang pinto at nakita kong may kulay lilang mata ng babae ang nakasilip mula sa loob.
"Papatayin ka niya gamit ang mga mata niya. Mapanganib ang buhay mo dito, Binibini." pagbabanta niya atsaka niya isinara ang pinto.
Alam ko ng mapanganib ang buhay ko dito. Pero mas ikamamatay ko ang hindi pagsunod sa kuryusidad ko. Inumpisahan ko itong pagpunta dito ng walang kinakakatakutan kaya tatapusin ko ito kahit buhay ko man ang maging kabayaran.
Habang papalabas na ako sa bakuran ng Palasyo ay siya namang lumalakas sa pandinig ko ang huni ng Flute. Hanggang sa nakalabas na nga ako at nakita ko ang isang lalake na naka-upo sa malaking bato na may hawak na Flute.
Napatigil siya sa pagtugtog ng makita ako. Napansin ko ang malalim na pagkakatitig niya sa akin. Ang mata niya na parang kulay yelo.
Pero parang nararamdaman ko ang panghihina ng katawan ko at paninikip ng dibdib ko. His powerful icy eyes is killing me softly.
"Uggh.." nanghihina kong banggit habang may umaagos ng dugo mula sa bibig ko.
Napapaupo na ako dahil sa sakit na nararamdaman ko. Bakit hindi niya na lang ako patayin ng diretso?
"Hindi pa ito ang takdang panahon para sa kamatayan niya, Demionne."
Nagulat ako ng may magsalita sa tabi ko. Si Saeint.
Nakita kong may idinukot siyang isang Card sa bulsa ng coat niya at mabilis niya itong pinalipad sa lalaking may hawak na flute na tinawag niyang Demionne. Nasalo ng lalaking iyon ang Card at binasa ang nakasulat dito, napangisi siya ng mabasa iyon.
"Ooh. She's the chosen one?" nakangising banggit ng Demionne na iyon. The chosen one?
"So i guess, She's mine already."
Nagulat ako sa sinabi niya. Medyo nawala na ang paninikip ng dibdib ko.
"Walang mag mamay-ari sa kanya. Wala ni sino man sa atin." matigas na pagkakasabi ni Saeint na ikinangisi lang ni Demionne. "Luisa!" may itinawag siyang pangalan.
"Ano po iyon, Master?"
May magandang babae ang dumating sa tabi niya. Nag-aalalang napatingin sa akin ang babae.
"Bigyan mo siya ng panlunas." utos ni Saeint sa kanya.
"Masusunod, Master." nagbow muna si Ms. Luisa kay Saeint atsaka niya ako tinulungang makatayo. Dinala niya ako sa isang laboratory ng mga gamot at inumpisahang gamutin.
BINABASA MO ANG
HELL Brothers
Mystery / Thriller"We. The 7 deadly brothers. As one. We hunt. We kill. No mercy. Your nightmare. Beware." -Meet the 7 Hell Brothers