Chapter 2: The Hell Family Portrait
(Allysana Havien's POV)
"Mukha naman siyang mabuting tao."
"Mukhang mapanlinlang."
"Tama. Sayang maganda pa naman sana siya. Pero mukhang magiging masaklap lang ang tadhana niya rito. Pero mapapakinabangan naman siya dito."
"Mamamatay siya, yan ang nakatadhana sa kanya. "
Napapikit ulit ako ng marinig ang huling nagsalita. Boses yun ng lalakeng humabol sa akin. Ang lakas ng kaba sa dibdib ko. Napansin kong nasa isang malaking antigong kwarto ako, nakahiga sa malaking kama at may benda na ako sa braso at binti. Rinig ko ang usapan ng tatlong lalaki sa may tabi.
"Aah.." napadaing ako dahil sa hapdi ng mga sugat ko. Shit!
"Gising na siya!"
Rinig ko ang mga yabag ng paa nila palapit sa akin. Dalawang lalaki ang lumapit, titig na titig sila sa akin na para bang sinusuri ang bawat galaw ko.
"What?" pagsasalita ko na. Kung kamatayan lang din pala ang aabutin ko dito, bakit buhay pa ako ngayon? Sana tinapos na nila ako agad habang wala pa akong malay.
"Gising ka na nga!"
I rolled my eyes. "Malamang. Nakita niyo namang nakadilat na ang mata ko." sarkastiko pero mahina ko lang na sinabi. Nakakatakot kasi ang mga awra nila. Mukha silang mga inosente pero parang may kakaiba sa pagkatao nila. Sino ba sila?
"Tch." rinig kong umismid yung isang lalake, napalingon ako sa gawi niya at nakita kong kalmado lang siya na nakaupo sa may sopa. Parang siya yung taong humabol sa akin.
"S-sino ba kayo?" tanong ko sa dalawang lalaking nasa harap ko.
"Hindi mo magugustuhan ang makilala kami, Binibini." epal na sambit nung lalake sa sopa.
"Manzter! Wag mo namang takutin!" sabi nitong lalaking mukhang pinaka bata sa kanila.
"Hi, ako si Davielle. Ang pangatlong anak ni Metamus Hell. Isa ako sa tatlong panganay pero isip bata pa rin. Hehehe" pagpapakilala nitong lalake na mukhang masayahin at laging nakangiti.
"At ako naman si Hunther! Ang pang anim na anak ni Ginoong Metamus Hell at Ginang Serenity Hell! Ipinanganak ako noong naglaho!" masiglang pagpapakilala naman nitong pinaka cute na lalake sa kanila.
"Naglaho?" kunot-noo kong tanong
"Nag eklipse! Nangyayari ang eklipse ng araw kapag dumadaan ang buwan sa pagitan ng Araw at ng Daigdig sa gayon, ganap o bahaging natatakpan ang Araw. Nangyayari lamang ito kapag bagong buwan at kapag magkasabay ang Araw at Buwan ayon sa pagkakita nito mula sa Daigdig. Kaya nagkaroon ako nang dalawang katau---"
"Tama na yan Hunther. Dami mo nang sinasabi eh. Hehehe.." pagpigil ni Davielle sa kanya habang tinatakpan ang bibig niya. "At ang lalakeng iyan ay si Manzter, ang ikalima sa amin. Mag-ingat ka sa kanya, walang sinasanto yan. Mapalad ka't dumating kami kahapon kaya hindi ka niya nasunog ng buhay habang wala kang malay. Isang araw ka na ngang tulog eh. Akala namin di ka na magigising."
Napalunok ako ng marinig iyon. Muntikan na akong i-cremate ng lalakeng yan?? Atsaka, isang araw akong tulog?
"Kaya may utang na loob ka sa aming dalawa." Dagdag na sabi ni Davielle.
"At pag nakita ka ng Apat pa naming kapatid, hinding-hindi ka na makakaligtas pa." sumingit na naman ang lalaking si Manzter. Nang aasar pa talaga siya.
"Manzter naman! Kaya nga tinago natin siya dito sa kwarto mo. Dahil hindi siya makikita nila kuya dito!" sigaw ni Hunther. "Nakakainis! Minsan lang tayo magkaroon ng bisita dito, papatayin pa?" umupo siya sa kama at parang batang naiiyak.
BINABASA MO ANG
HELL Brothers
Mistério / Suspense"We. The 7 deadly brothers. As one. We hunt. We kill. No mercy. Your nightmare. Beware." -Meet the 7 Hell Brothers