Chapter 1: Mysterious Palace
(Allysana Havien's POV)
"Shit!" mura ko dahil hindi ko talaga mapaandar ang kotse na huminto na lang bigla sa gitna ng madilim na lansangan. "Nawawala na nga ako, dadagdag ka pa!" muli ko ulit binuhay ang engine pero wala talaga. Nanghihina akong sumandal sa headboard at pinagmasdan ang paligid sa labas ng kotse.
"Wow. As in wow! This is great! This is the most memorable moment in my whole existence! Alone and stranded in the middle of the night? Without lights and it's totally raining outside? What a lucky night Oh gosh!"
Parang baliw na nagsasalita ako ng mag-isa. Naihampas ko pa ang kamay ko sa manibela dahil sa inis. Giniginaw na ako dahil sa lakas ng ulan. Wala pa akong maaninag sa labas dahil nga sa madilim na. Pero alam kong nasa gitna ako ng lansangan, malapit sa kagubatan kung saan sana ako gagawa ng mga articles tungkol sa Misteryosong Palasyo na trending minsan sa Social media.
I am a photo journalist student. At ang thesis ko ngayon ay ang hanapin at halungkatin kung anong meron sa tinatawag ng karamihan na Mysterious Palace o Hidden place of the Demons. Na nasa gitna daw ng Dark forest.
At heto na nga ako sa Dark forest, lost at stranded. Wala pang signal ang cellphone ko. Hindi ko makokontak ang bestfriend ko na susunod daw sa akin dito. In short, MALAS.
Pinikit ko muna ang mata ko. Wala naman akong magagawa kundi ang magpalipas ng gabi dito. Bukas ng umaga ko na lang iisipin itong problema ko ngayon.
Mysterious Palace.
Hidden place of the Demons?
Tch. Pathetic. Kailan pa nagkaroon ng ganyang lugar sa bansang 'to?
.
.
.
.
.
.
.
.
Nagising ako nang may kalabog akong narinig mula sa labas. Pag dilat ko ay laking gulat ko na lamang na may tao sa labas at pilit na binubuksan ang pinto ng kotse. Naka itim na balabal siya kaya 'di ko makita ang mukha niya. Hindi niya rin ako makikita dito sa loob dahil tinted ang salamin ng kotse ko.
Pero nagsisimula na akong kabahan! Pilit pa rin niyang binubuksan ang pinto. Paano kung mamamatay tao ang taong 'to? Jusko!
Tinakip ko na lamang ang bibig ko gamit ang aking mga kamay para hindi ako makalikha ng ingay dahil sa takot, baka marinig pa niya ako at basagin pa ang bintana ng kotse.
Patuloy pa rin siya sa pagpupumilit na buksan ang pinto at ilang saglit lang ay huminto na siya at tila lumayo na.
Nagpakawala na ako ng mahabang hininga. Naging mapanatag na ang loob ko ng wala na ang taong 'yon.
"Kailangan ko nang maka-alis sa lugar na 'to.." nagmadali akong umupo sa driver sit at binuhay ang engine ng kotse.
"Shit!! Shit! Shit! Shit!" napaluha na lamang ako ng maalala kong sira pala ang kotse na 'to. "Paano ako makakaalis ngayon?"
Sandali akong natahimik at pinakikinggan ang mga yabag sa labas ng kotse. At di nga ako nagkakamali, muling bumalik ang taong iyon!
"AAAHH!!" napasigaw ako ng malakas nang hampasin niya ng palakol ang bintana sa may passenger seat dahilan para mabasag ito.
"Huli ka" malumanay pero puno ng pagkabagsik na banggit niya.
Agad kong binuksan ang pinto ng driver seat at nagmadali akong lumabas. Tumakbo ako ng mabilis at nilusob na lamang ang napakalakas na ulan.
"A~ayoko pang mamatay!" nanginginig at umiiyak na ako habang tumatakbo sa gitna ng kagubatan at malamang hinahabol na ako ng taong iyon.
Madilim. Matalahib. Maputik. Madulas pa ang daan. Halos nababangga ko na ang mga maliliit na sanga ng kahoy at halos magkadulas-dulas na ako pero patuloy pa rin ako sa pagtakbo 'wag lang maabutan ng kriminal na 'yon.
"Saan ka man magpunta. Mahahanap at mahahanap kita. Hindi ka makakatakas sa impyernong ito, Binibini! Hahahaha!"
Nag-eecho sa pandinig ko ang nakakakilabot na halakhak niya. Pero patuloy pa rin ako sa pagtakbo hanggang sa 'di ko namalayan na may bangin na pala akong maaabutan.
"Aaahhh!"
Nadulas ako at nagpagulong-gulong pababa ng bangin.
Ito na ba ang kamatayan ko? Ito na ba ang huling hantungan ko?
Paano na ang pamilya ko?
Nasa baba na ako ng bangin. Puno na ng sugat at pasa ang aking katawan. Punit-punit na rin ang ibang bahagi ng damit ko. Nahihirapan pa akong makatayo dahil sa sobrang sakit ng katawan ko sa lakas ng pagbagsak ko sa lupa. Nanghihina at lumalabo na rin ang paningin ko.
Pero kahit lumalabo na ang aking paningin, naaaninag ko pa rin ang paligid.
Ang Misteryosong Palasyo.
Napangiti ako. Nakita ko na rin ito sa wakas.
"Sa wakas nahanap mo na rin ang hinahanap mo. Nakakamangha 'di ba?"
Napalunok ako nang mahanap na ako ng taong humahabol sa akin.
Yumukod siya sa harap ko at hinila paitaas ang ilang hibla ng buhok ko na nakaharang sa mata ko. Itinutok pa niya ang dalang punyal sa leeg ko.
"P-pakiusap. W-wag mo akong patayin.." nanghihina at umiiyak kong pagmamakaawa.
"Paumanhin Binibini, wala ka ng kawala sa lugar na ito. Lahat ng pumapasok sa Teritoryo namin ng buhay ay makakalabas dito na isa ng malamig na bangkay. Parusa para sa mga nilalang na mahilig maghimasok sa buhay ng iba."
Mamamatay na nga talaga ako.
Bago pa man ako tuluyang mawalan ng malay ay naramdaman ko ang pagbuhat at pagdala niya sa akin sa loob ng Misteryosong Palasyo.
BINABASA MO ANG
HELL Brothers
Mystery / Thriller"We. The 7 deadly brothers. As one. We hunt. We kill. No mercy. Your nightmare. Beware." -Meet the 7 Hell Brothers