Chapter 5: Escape
(Allysana's POV)
"Ikaw ang the chosen one na bubuhay sa kanila ng walang hanggang kamatayan."
Ang mga katagang iyan ay paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ko. Sabi ni Lucifer, ayon sa propesiya ng Pamilyang hell, may birhen na darating at maghihimasok sa buhay nila, at sa paniniwala nila ay ako daw ang birheng iyon na gagawin nilang alay para lang sila'y maging Imortal. Upang maging mas malakas daw sila at hindi na matatakot pang lumabas sa kanilang Misteryosong Palasyo at kalabanin ang mga taong sumasalakay sa kanila.
Bakit naman sila matatakot lumabas sa palasyo nila kung may iba't ibang kakayahan naman sila? Buong buhay ba nila silang nakakulong dito?
Napasinghap ako at inalog-alog ang ulo ko dahil sa sobrang inis dahil hindi man lang natapos ni Lucifer ang sinasabi niya. Dumating kasi sina Hunther at Davielle para kunin ako.
And nandito na naman ako sa isang kwarto, mag-isa at nakatunganga. Iniisip ko rin kung papaano makakatakas sa palasyong ito. Hindi ko hahayaang gawin nila akong alay at mamamatay sa ganoong paraan.
"Kahit ano pang gawin at isipin mo, hinding-hindi ka na makakatakas sa impyernong palasyong ito, Allysana."
Halos mapatalon ako sa kama dahil sa gulat ng may nagsalita mula sa pinto. Tinignan ko siya ng masama pero ngumisi lang siya sa akin. Sino pa bang tsismosong mind reader sa magkakapatid? Si Manzter lang naman kasama si Jaivelo na ang lawak din ng ngisi sa akin.
"Mukhang alam mo na ang tungkol sa propesiya." -sabi ni Jaivelo na ang lagkit ng titig sa akin habang nakasandal sa pinto.
"Tss. Bakit sa tingin niyo ba hahayaan ko na lang na mangyari iyon?"
"Bakit naman hindi? Sa ayaw at sa gusto mo, iyon na ang nakatadhana sayo. Umpisa pa lang ng pagpasok mo dito, si kamatayan na agad ang sumalubong sayo."
At humalakhak na naman sila na parang baliw.
"Puwera na lang kung papayag kang--" hindi na naman natuloy ang sasabihin sana ni Jaivelo ng tumikhim sa likod nila si Daimon.
Tinitigan niya muna ng masama si Jaivelo atsaka niya ibinaling ang atensyon sa akin.
"So alam mo na? Mabuti na rin iyon para pag dumating ang tamang panahon, hindi ka na magugulat pa. Ang kailangan mo lang gawin ay maghanda sa bawat araw ng pananatili mo dito."
Inuutusan ba ako ng labanos na 'to?
Pero sa lahat ng magkakapatid, si Daimon lang ang sobrang may nakakatakot na awra. Idagdag pa ang napaka-creepy niyang ngiti at poker face na mukha.
NANDITO ako ngayon sa veranda ng living area ng palasyo. Hinahanap ko si Ms. Luisa pero hindi ko siya mahagilap. Nakikita ko naman mula dito sina Hunther at Davielle na naglalaro sa may hardin. Nakita kong may nakapatong na kalapati sa mga palad ni Davielle. Mukhang patay na ata dahil naninigas na ang katawan nito. Pero pinagmasdan ko ng mabuti ang ginawa niya at nagulat na lamang ako ng magawa niyang paliparin sa ere ang kalapati.
"Yeehey!! Maraming salamat Davielle!" tuwang-tuwa na sigaw ni Hunther sabay yakap sa kanya.
Kung si Manzter nagagawang basahin ang isipan ng tao at si Demionne nagagawang patayin ang tao sa pamamagitan ng mga titig niya, ito namang si Davielle ay nagagawang buhayin ang patay. Wow, as in wow! Ano kayang mga kakayahan ang meron sa iba pa nilang kapatid?
"Nagulat ka ba?"
Nagulat ako ng may nagsalita mula sa likod ko. Ang panganay na si Saeint.
"Oo nagulat ako sa presensiya mo." birong sagot ko. Pero hindi siya tumawa, kalmado lang ang mukha niya habang nakatingin kina Hunther at Davielle. Awkward.
BINABASA MO ANG
HELL Brothers
Mystery / Thriller"We. The 7 deadly brothers. As one. We hunt. We kill. No mercy. Your nightmare. Beware." -Meet the 7 Hell Brothers