Chapter 13: Hunther's Premonition
(Allysana's POV)
"Saan ba tayo pupunta?? Bakit parang malayo na 'to sa kabihasnan? Sabi mo mas ligtas tayo dun sa Paraiso?" reklamo ko kay Demionne. Kasi naman sinama niya pa ako dito sa gitna ng gubat. Maglalakbay daw kami patungo sa impyerno este hindi ko alam kung saan. Ang kati-kati na ng binti ko dahil sa mga matitinik na damo dito.
"Pwede ba! Tumahimik ka na lang. Para kang manok, putak ng putak." inis niya. Kanina pa kasi ako tanong ng tanong sa kanya habang nakasunod lang ako. "Walang iniwan na pagkain sina Master doon. Kailangan nating maghunting ng hayop para makakain." sabi pa niya na ikinagulat ko.
"A-ano? Maghuhunting tayo ng mga hayop? Ano bang alam ko diyan? Atsaka, anong klaseng hayop ba?" kinikilabutan kong tanong.
"Kahit ano na makikita natin. Baboy ramo, ahas o kaya oso."
Halos mabuwal ako sa sinabi niya. "Seriously?? Mababangis na hayop ang kakainin natin?? Ano na ba tayo? Taga-bundok?? Hindi ko masikmurang kumain niyan!" nandidiring sigaw ko.
"Kung ayaw mo, edi manghuli ka ng mga pesteng insekto diyan para makakain ka. Palaka, Tutubi o uod, mamili ka lang."
"Eeeww! Nakakadiri!!" hindi ko na talaga mapigilan ang masuka.
"Ahahahahaha!! Nakakatawa ka talaga!"
Natigilan ako ng makita kong humagalpak siya ng tawa.
Tumawa siya. As in tawa ng tawa habang hawak ang tiyan niya. Nung mapansin niyang nakatitig lang ako sa kanya ay atsaka siya tumigil.
"Yung totoo. Pinaglololoko mo ba ako Demionne!" inis ko.
"Oo, Hindi ba halata?" bumalik na naman siya sa pagiging suplado niya! "Anong akala mo sa akin, Taong gubat? Kumakain ng mga peste?"
"Oo, Hindi ba halata?" panggagaya ko sa kanya. "Nakatira kayo sa gitna ng kagubatan. Kaya ang tawag sa inyo, Taong gubat." mataray na sabi ko habang nakapamewang.
"Ahh. Gusto mo lang ata maranasan kung paano sunggaban ng mabangis at marahas ng isang taong gubat na tulad ko eh no?"
Napaatras ako ng lumalim ang mga titig niya at lumapit pa ng lumapit sa akin.
"A-ano na naman bang trip mo, Demionne?" kinakabahan na naman ako sa inaasta niya. Na-corner pa niya ako sa may puno at ikinulong ako sa mga bisig niya.
"Cannibalism. Alam mo kung ano yan diba?" ngisi niyang sabi. Napalunok ako sa sinabi niya.
"AAAHHH! Lumayo ka sa akin Demionne! Kumakain ka ng tao!! AAHHHH!" paghehesterical ko habang pinipilit kong makawala sa mga bisig niya. Pero shit! Ang lakas niya!
"Wag mo akong kainin please!!"
*Smack*
"Tumahimik ka na pwede? Nagbibiro lang naman ako eh. Mamamalengke lang tayo dun sa palengke ng taga-kabilang baryo. Pero kailangan muna nating magbalatkayo para hindi tayo makilala ng mga tauhan ni Savier."
Sabi pa niya at tumalikod na. Habang ako ay tulala pa rin dahil sa ginawa niyang pagnakaw ng halik sa akin!
"Hoy! Tara na! Hindi tayo pwedeng magpagabi!"
(Hunther's POV)
Waaahh! Masyadong mainit ang tensyon dito sa loob ng Palasyo. Pamilyang Hell laban sa Pamilya ng mga Assassin! Nakatayo ang bawat panig sa magkaibang sulok ng silid. Wala pang nagtatangkang gumalaw. Para ngang naririnig ko ang bawat tibok ng puso nila dahil sa sobrang katahimikan. Mata sa mata, Ngipin sa ngipin. Sa isang galaw lang ng isa sa kanila, maaaring may duguang labanan ang magaganap dito sa loob ng palasyo namin.
BINABASA MO ANG
HELL Brothers
Mystery / Thriller"We. The 7 deadly brothers. As one. We hunt. We kill. No mercy. Your nightmare. Beware." -Meet the 7 Hell Brothers