Chapter 12: The Clan of Assassins
(Allysana's POV)
"I'm Priya! Recca's younger sister and Demionne's girlfriend!"
Nanlalaki ang mata ko sa pagpapakilala niya. Proud pa talaga siya habang sinasabi yan.
"G-girlfriend ka ni Demionne?" kinakabahan kong tanong.
"Yes! Girl..Friend! As in Friend lang na Girl! Ganown!"
"Ahh..Kaibigan lang pala.." sabay tango ko. Hindi ko mapigilan ang mapangiti ng palihim.
"Yieh! Selos ka 'no?" natatawa
niyang panunukso."Hindi ah!" agad na deny ko.
"Sus! Kunwari ka pa. Yang si Demionne, kahit may pagkasaltik ang utak niyan at pagkasuplado, mapagmahal din yan di lang halata."
"Anong ibig mong sabihin?" pagtataka kong tanong.
"Mamahalin ka niya!"
Pinamulahan ata ako sa sinabi niya. Grabe ang babaeng 'to, napakadiretso magsalita!
"P-paano mo naman nasabi yan?" nauutal na tanong ko.
"Eh kasi di ba--AAHHH! Ano ba Kuya!"
Nagulat ako sa biglaang pag-atake ni Master Recca sa kanya. Nagsunggaban sila dito mismo sa kusina. My gosh! Magkapatid sila pero bakit halos magpatayan na sila??
"Hindi mo ako mapapatumba, kuya." ngising banggit ni Priya. Nagulat ako ng damputin niya ang kitchen knife sa ibabaw ng lababo at agad niyang ibinato kay Master Recca. Pero sinalo lang ito ng kuya niya na parang wala lang at cool na inihagis ito sa lagayan.
"Sa akin ang linya na yan, mahal kong kapatid."
Wow. Yung tipong nagpapatayan na sila pero ang sweet pa rin ng tawagan nila?
"Alam mo namang wala ka lang sa kalinkingan ko di ba?" mapang-asar na sabi ni Master Recca at sa isang iglap lang ay nasa likod na siya ni Priya. Ikinulong niya sa bisig niya ang leeg ng kapatid.
"Urrgg! Nakakainis ka! Bitawan mo na nga ako!" inis na sambit ni Priya na nagpupumilit na makakalas mula sa pagkakasakal sa kanya ng kuya niya.
"Masyadong matabil yang bibig mo, Mahal kong kapatid. Sa susunod na dumaldal ka pa, tatahiin ko talaga yang matabil mong labi gamit ang alambre." pagbabanta ni Master Recca bago siya pinakawalan. Hindi ko alam kung biro ba yun o seryoso.
"Whatever." iritang banggit ni Priya atsaka pinagpatuloy ang ginagawa niyang pagluluto kanina.
Nakahinga na ako ng maluwag ng huminto na sila sa pagsusunggaban.
"Ok ka lang ba, Ally? Ba't namumutla ka?" biglang sulpot ni Demionne sa harap ko.
"Ha? Ok lang ako noh." naiilang kong sagot. Hindi tuloy ako makatingin ng maayos sa kanya dahil sa sinabi ni Priya kanina.
"Kyaah~" at tumili pa talaga siya! "Alam niyo ba? Bagay na bagay kayo! Ayieeeh!" nahuhumaling pa niyang sabi habang nakapangalumbaba sa mesa sa gitna.
"Tama naman." at sumang-ayon pa si Master Recca habang umiinom na ng tsaa. Tinutukso na kami ng dalawang magkapatid. Namiss ko tuloy ang ate at kuya ko. Paniguradong pinaghahanap na nila ako.
"Tss. Halika ka na nga Ally." nabigla ako ng hawakan niya ang pulsuhan ko.
"S-saan tayo pupunta?"
"Kung saan wala silang dalawa. Tsk!" inis niya at hinila ako palabas ng bahay.
"Narinig mo yun kuya? Tinawag niya siyang Ally! At dadalhin niya pa siya sa pribadong lugar! Tama ang nasa Propesiya!" rinig kong sigaw ni Priya ng makalayo na kami.
BINABASA MO ANG
HELL Brothers
Mystery / Thriller"We. The 7 deadly brothers. As one. We hunt. We kill. No mercy. Your nightmare. Beware." -Meet the 7 Hell Brothers