Chapter 4

9.7K 267 5
                                    


Pinag isipang mabuti ni Micon ang tungkol sa inoffer sa kanya ng matandang Monteverde.May point nga naman ang kaibigang si Sophie.

Kung pakakasal siya dito hindi na nya probleman kung pano mababawi ang isinanlang bahay at lupa ng kanilang ama na alam niyang malaking halaga rin ang kakailanganin niya kung sakaling tutubusin niya kung hindi mareremata na ito ng bangko.Saan sila titira ang nanay niya at kapatid?

Sa tagal ng pagkakasanla nito tiyak na tumubo na ng malaki ito Na hindi naman nya alam kung saan pupulutin ang ganung halaga.Ang sahod nya ay sapat lang sa mga pangangailangan nya sa araw araw.Hinahati pa nya ang budget para sa kanyang ina at kapatid.

Nakikita naman nya na mabait ang matanda lalo na sa mga tauhan nito.Nagkataon lang siguro na wala sa bokabulary ng matanda ang "walang libre sa panahon ngayon"lahat ng bagay kailangang paghirapan at naiintindihan naman nya ang bagay na yon.Business is business ika nga ng mga negosyante.

Gagawin nya ang bagay na ito para sa kanyang pamilya at hindi sa ano pa man.Hindi rin nya hangad ang kayamanan ng mga Monteverde wala lang siyang ibang choice kung hindi ang tanggapin ang alok ni Sir Migs.

Kung ugali rin lang pagbabasihan walang ipinakitang hindi maganda ang matanda kundi ang isang bagay lang ang kapalit ng tulong na ibinigay nito kapalit din ng pagpapakasal dito.Madali lang naman pakisamahan ito at mabirong tao kaya kahit may edad charming pa rin.Isa lang problema niya pag nagkataon dahil sigurado siya hindi papayag ang anak nito.Paano na ang nararamdaman niya sa binata?Siguro kailangan na niyang kalimutan ang nararamdaman sa binata baka simpleng pagka crush lang ang meron siya para dito.Hindi rin naman siguro sila magkikita araw araw dahil madalas din itong wala at out of the country.Isa na rin sa dahilan ng ama nito na ayaw ng binatang pamahalaan ang negosyo nila.

Nasa bansa rin ang nobya ni Giane na isa ring sikat na modelo.Nakabasyon ang girlfriend nitong si Laarni.Isa na naman sa bagong girlfriend ng binata.Wala itong ginawa kundi ang magpasama sa kanya sa kung saan saan.Mahilig sa party discobar at shopping.

Very liberated din ito at alam nyang marami na ring nakarelasyon ang babae.Compatible lang sila pagdating sa sex kaya hanggang ngayon mag dadalawang buwan na sila ng babae.Kadalasan kasi ilang araw lang or weeks ang itatagal ng mga ito dahil madaling mag sawa ang binata.

Dahil sa pumayag na si Micon sa kagustuhan ni Miguel,hindi ito pumayag na hindi siya lumipat sa bahay nito.Ang gusto nito doon na rin titira sa mansiyon ang dalaga.

Wala daw siya dapat ipag alala kung sakaling sa mansion na siya titira.Mga katulong lang at ang anak nitong binata ang makakasama.Sa kaalamang hindi naman naglalagi roon ang binata kaya pumayag na rin siya.

Malungkot siyang nagpaalam sa kaibigang si Sophie.Nagkaiyakan pa sila marami siyang memories sa apartment nilang yon.Ang mga tawanan nilang magkaibigan.Pero hindi naman ito maiiwang mag isa dahil isang kaibigan nila ang makakashare nito sa upa.

Pinakilala siya ni Migs sa mga kasambahay,sa kanilang driver at katiwala na si aling lydia.Mukha namang mababait ang mga ito.

"Well,....well...,well so?Its true Dad about the rumor I heared huh?anang binata nakararating lang.

Maliwanag pa sa sikat ng araw,Oh I see!!bumaling ang binata sa kanya.

"Welcome to our home Ms.Borromeo."anito na yumukod pa sa kanya.

Hindi pinansin ng ama nito ang pasaring nya.

"Manang Lydia pakihatid naman si Micon sa kanyang magiging silid.

"Micon I hope you dont mind,I have a bussiness to attend.Make yourself comfortable at wag kang mahiya sa kanilang magsabi kung may kailangan ka.Tinapik lang siya nito sa balikat at umalis na.

Take me into your loving armsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon