Chapter 18

7.7K 218 6
                                    


Nasa isang bar silang magkakaibigan ng maikwento ni Giane ang nangyari.

"Wow bro congrts!bati ni William ng malamang preggy na ang asawa.

"hey dude kabahan ka na baka maannul ang kasal niyo ng wala sa oras"ani Bruno.

Napatingin naman si Veridiano sa kaibigan.

"Ehem....bro hindi mo pa ba nasabi sa kaniya?"ani Veridiano kay Giane.

"Napailing naman ang binata sa kaibigan.

Naguluhan naman sa kanila ang ibang mga kaibigan.

"Shit bro malaking problema yan pag nalaman ni Micon na hindi mo pina register ang marriage contract niyong dalawa."anang abogado.

"What the fuck men?Totoo ba yan?"si Jorge na na curious sa usapan nila ni Veri.

Pinaliwanag niya sa mga ito ang mga plano niya umpisa pa lang.At nasa plano nga nila na hindi iparehistro ang marriage contract na pinirmahan nila.Nasa pangangalaga ito ng abogadong si Veri kaya malakas ang loob niyang pumalit bilang groom wag lang matuloy ang kasal ng ama sa dalaga.

Nagkataon naman na nagkaroon ng problema sa branch sa new york ang negosyo ng kaniyang ama.Hindi naman niya akalain na siya ang nagpaplano ganun din pala ang kaniyang ama.

Aminado siyang nataranta siya ng magdeklara ng annulment ang dalaga sa pag aakalang legal nga ang kasal nila.Hindi pa naiparerehistro ang marriage contract nila na nawawala daw ang sabi ni Veri.

Aminado siya hindi siya payag na magpakasal ang ama sa dalaga pero nasaktan siya ng sabihin nito na hihiwalayan na siya ng minsang pagselosin niya sa pakikipag flirt sa isang party.

"Ayusin mo yan bro ikaw din pag nalaman yan ni Micon hiwalayan na talaga ang mangyayari sa inyo.Isipin mo niloko mo yong tao."ani Sandro.

"Dont tell me hindi mo siya mahal?Hindi mo mahal pero kinakama mo?ibang klase ka rin bro."kantiyaw ni William.

"Fuck you!binato niya ng takip ng bote ito.

Pag nalaman nga ng dalaga ang bagay na ito tiyak niyang magagalit ito sa kaniya.Balak naman sana niya ng iparehistro ang marriage contract nila at inutos niya sa kaibigan dahil ito naman ang may hawak ng mga papeles na pinapaasikaso niya ng sabihin nitong nawawala daw.Kung kukuha naman siya ng bago magtataka naman si Micon dahil kailangan nitong pirmahan yon.Malalaman nito ang ginawa niya.

Aminado naman siyang gago siya.Gago siya dahil sa una pa lang hindi legal ang magiging kasal nila pero nagbago nga ang nararamdaman niya.Ngayon niya lang narealized ang kagaguhan niya.Ngayon niya lang narealized na mahal na mahal niya ang dalaga.Nang sabihin nito na ipapaannul nito ang kasal nila saka siya natauhan na hindi niya kayang malayo dito.Kinabahan siya at nakaramdam ng takot sa magiging reaksiyon nito pag nalaman nito ang totoo.

Ngayon pa lang niya inaaming hindi lang matinding attraction at pagnanasa ang nararamdaman kay Micon because he is fucking inlove with her.

Niyaya naman nila Tasha at Jennilyn si Micon na samahan sila sa isang bar dahil may kakausapin lang sila doon at hindi rin magtatagal.

Pumayag naman si Micon dahil minsan lang ito magaya at sasaglit lang sila.First niyang makapasok sa isang social na bar.Dalawang palapag ang naturang bar.Akala nga niya nung una ang bar na ito ay katulad ng naiisip niya na may mga babaeng sumasayaw at naghuhubad na nasa stage habang pinapanood ng mga kalalakihan.Nagkamali siya dahil ang napasukan nilang bar walang stage isang flat form na maraming sumasayaw nag eenjoy na parang walang mga problema sa buhay.Maingay at may mga humihiyaw,may mga umiinom lang.

Nagtungo sila sa second floor kung nasaan ang mga VIP rooms mga eleganteng sofa set kung saan may mga grupo na umiinom.Hindi rin gaanong maingay sa itaas kumpara sa ibaba.

Nagtungo sa isang VIP sila ni Tasha ng mamataan niya sa dulong bahagi ang grupo ng kaniyang asawa.Nagpaalam siya kay Tasha na pupuntahan muna ang asawa na tinanguan naman nito.

Isusurpresa niya ang binata dahil hindi naman niya akalaing makikita niya ito sa naturang bar kung saan siya sinama ng kaibigan.

Tahimik siyang lumapit sa grupo na mukhang may seryosong pinaguusapan na manaka nakang hahaluan ng kalukuhan ng iba.

"So what's your plan bro?Paano pag nalaman ni Micon na hindi legal ang kasal niyo?Ok lang kung andiyan yong marriage contract niyo madali na lang iparehistro yon."ani Bruno.

"Eh ang masaklap kung abogado natin dito kung saan iniligay.Ngaton ka lang ata pumalpak bro"pang aasar ni Jorge kay Veri.

"Shut up asshole!"ganti nito.

"Eh paano yan another marriage contract?Paano mo papipirmahan sa kaniya ng hindi niya nalalaman?Syempre pag nalaman niya yon magagalit sa iyo yon bro."ani Nick.

Nasabunutan ni Giane ang kaniyang ulo sa kagagohan niya.

"You dont need to do that asshole!You're such a liar!Alam ko naman kaya mo yon ginawa eh hindi na ko magtataka sa pinaggagawa mo.Kung iniisip mo may makakahati ka sa mana mo pwes iyong iyo na ang mana mo dahil hindi ako interesado sa yaman niyo.

Kung sa akala mo maghahabol ako sa iyo manigas ka.

I dont wanna see your fucking face anymore!!

"hey sweetheart let me explain......

"No!Makinig ka Giane isaksak mo diyan sa baga mo ha.Hindi ako mukhang pera para maghabol ng yaman niyo diba yon naman iniisip mo na isa akong gold digger.Kung iniisip mo ang anak ko na dinadala ko, ngayon pa lang sinasabi ko sa iyo hindi ko siya ibibigay sa yo.You can fuck a lot of your flings and I dont care you anakan mo sila kung gusto mo asshole!!!"galit na galit na iniwan niya ito.Nagmamadali siyang lumiko para hindi abutan nito kung sakaling habulin siya.

"hey bro sundan mo yong asawa mo baka mapaano iyon."utos ni William sa natitigilang si Giane.

Nagmamadaling sinundan niya ang galit na galit na dalaga.Hindi niya mapapatawad ang sarili pag may nangyari dito at sa dinadala niya.Walang Micon siyang naabutan kaya nagmamadaling sumakay siya ng kaniyang sasakyan.He wants to talk to her explaine everthing to her.

"hey bff what happened?Bakit ganiyan ang itsura mo?"nag aalalang tanong ni Tasha kay Micon ng bumalik ito sa VIP room.

Alam niyang hindi siya susundan ni Giane dito dahil hindi naman nito alam na pupunta sila sa bar na yon.Umiiyak at pahinto hinto niyang nasabi ang mga nalaman mula sa mga ito.Nasasaktan siya sa mga nalaman mula sa inaakalang asawa.Galit na galit siya ng malamang niloloko lang siya nito ang laki niyang tanga para umasa na mamahalin nga siya nito alam naman niya sa simula pa lang tutol na ito sa kaniya.

Hindi siya umuwi ng mansiyon walang dahilan para umuwi pa siya doon.Wala siyang balak na kunin pa ang kaniyang mga gamit.Ayaw rin niyang makita ang bwesit na lalaking yon baka hambalusin niya pa ang pagmumukha nito.

Sa bahay ni Tasha siya tumuloy buti na lang at may mga new arrival clothes na hindi pa nahahakot sa shop.Namili na lang siya ng mga damit na gagamitin niya at ipasasalubong sa kaniyang ina at kapatid.Kinabukasan ay uuwi siya sa kanilang probinsiya.

Ito na rin ang pagkakataon na makakasama ang kaniyang pamilya.

Pinakiusapan niya ang kaibigang si Tasha na ito muna ang bahala sa boutique nila na sumang ayon naman.Wala naman daw problema dahil katulong nito sa pag manage si Marianel at Jennilyn.


Take me into your loving armsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon