Chapter 5

9.2K 230 2
                                    


Napabuntong hininga si Micon ng mawala sa kanyang paningin ang binata.

"Calm down Micon"anito sa sarili nakayakap ang dalawang braso sa kanyang katawan.Ang kaninang nag iinit na katawan ay parang nabuhusan ng malamig na tubig.Nawala siya sa sarili nadala siya sa sensasyong hatid ng yakap at halik ng binata.Hindi niya naisip na ang ama nito ang kanyang pakakasalan pero ang anak nito ang kanyang pinagnanasahan.Pabalik balik na naglalakad siya sa kanyang kwarto.

Ito na nga ba ang iiniisip nyang magiging problema.Na alam nya sa sariling umpisa pa lang sa pakikipagkasundo kay Miguel ay malaking problema na.Sa lahat naman ata ng nagpaplanong magkasal ay sa anak pa ng ikakasal siya umibig.Oo aminado siyang umiibig nga siya kay Giane pero sa ikabubuti naman ng kanyang pamilya handa siyang mag sakrepisyo.Mahal na niya ang binata at napakasakit para sa kanya na makarinig ng mga pang iinsulto nito sa kanyang pagkatao.Kung alam lang ng binata ang nararamdaman nya kung alam lang nito na nasasaktan siya sa bawat salitang daig pa ang patalim na sumusugat sa pagkatao niya.

Mariing napapakit siya ng mga mata.Iniisip nya ang magiging konsikwensiya ng pagpapakasal sa ama nito.

"Pilit man nyang pag aralan na kalimutan ang nararamdaman para dito,ay lalo pa siyang nahihirapan.Lalo na ngayon iisang bubong lang sila ng binata.Nagkamali siya sa naisip na hindi ito sa mansiyon tumutuloy na madalas nitong gawin para iwasan ang ama.Siguro nga kaya ito umuwi para pigilan ang pagpapakasal ng ama sa isang tulad niya.

Nasasaktan din naman siya sa lantarang pagdadala nito sa nobya kahit alam nitong tutol ang ama sa nobya nito.

Simula ng sumang-ayon siya sa kagustuhan ng matandang Monteverde ay di na siya pinayagang magtrabaho nito sa opisina.Nakakahiya man dahil para siyang pakainin lang at walang ginagawa sa mansiyon daig niya pa ang señorita pero wala naman siyang magagawa kung ito ang gusto ni Miguel.

My choice naman siya para hindi maiinip sa mansion.Pumapayag naman itong magliwaliw kasama ang mga kaibigan o magshopping.

Ang problema lang hindi siya yong taong maluho sa katawan.Gumagastos lang naman siya kung kinakailangan.At ilan lang ang kanyang kaibigan na talagang kaibigang matatawag sa totoong kahulugan. Kesa naman mainip at wala rin siyang gagawin sa mansion sa dami ng katulong,di rin siya kailangan.Buti na lang at naisipan siyang tawagan ng dating kaibigan na si Tasha.

Plano nitong magtayo ng botique at naghahanap ito ng kapartner sa itatayong bussiness..

Dahil konti lang ang ipon,binigyan siya ni Migs ng budget para sa bubuksan nila ni Tasha na botique para malibang din siya.

Maganda ang pwesto na nakuha nila, isang commercial building at pansinin ang lugar.Tamang tama sa negosyong bubuksan nila.

Inabala niya ang sarili sa mga dapat ayusin para makapag umpisa na sila.Isa rin yon sa paraan upang maiwasan ang binata.

Nagkamali siya ng akala na ito ang iiwas sa kanya.Lagi na rin itong nasa mansiyon at lagi niyang nahuhuli ang mga titig nitong nagpapakabog sa kanyang dibdib.Ang masaklap pa ito rin ang dahilan kung bakit pinanghihinaan siya ng tuhod.Kinakabahan siya baka bigla na naman siyang halikan nito na kinababahala niya paano na lang kung makita sila sa ganung tagpo ng kanyang ama.

Parang nanadya pa ito.Madalas kasama rin nito ang nobya na lantarang inaayawan ng ama.Nagrerebelde ba ito sa ama?At ang nakakainis pa ang girlfriend nito kung umasta daig pa nito ang reyna kung makapag utos sa mga kasambahay.Pagkaharap naman ang ama ni Giane ay napakabait nito.Halatang pakitang tao lang ang bruhilda.

Asar na asar si Micon sa babae.Nakikita nyang naghaharutan ang mga ito sa may pool.Halos walang itinago ang katawan sa kapiranggot na swim suit.Ang hindi nya nagugustuhan ay ang pagtitig sa kanya ng binata na para siyang hinuhubaran.Malakas ang kabog ng kanyang dibdib pag nasa paligid lang ang binata.

Kahit naman nakatira siya sa mansion ay bukod ang kanyang kwarto.Hindi nya rin maimagine kung ang ama nito ang katabi.Ang laging lumilitaw sa kanyang isip ay ang binata,kasama na ang matamis nitong halik.Hindi nya maintindihan kung bakit nananabik pa siya sa yakap at halik nito, gayong dapat ay magalit pa siya sa kapangahasan nito sa kanya.Pilit man niyang ibinabaon sa limot ang ginawa ng binata pero hindi niya magawa.

Nasa isang bar ang magkaibigang Giane at Jorge nagkayayaan sila na mag bar hoping.

"Matagal nyo ng pinagtatalunan ni Tito Migs ang bagay na yan!bakit di mo na lang sundin ang kagustuhan ng Daddy mo?"ani Jorge na sinalinan ng alak ang kopita.

"Iwan ko ba dyan kay Dad pinagpipilitan akong mag asawa na wala pa akong balak lumagay sa magulong buhay bro".

"Kung ako sa yo pare pagbigyan mo na si Tito Migs.Parang hindi naman magulo yang buhay mo sa kaliwa't kanan ang flings mo."

"At sinong swerteng babae naman ang pakakasalan ko?Si Laarni?No way she not a wife material we're just compatible in bed that's all but I'll never marry her."

Inginuso nito ang nobyang nakikipagsayawan sa iba halos yumakap na ito sa kasayaw walang pakialam kung nasa paligid lang siya.

Napapailing lang siya sa nakita.Sanay na siya kay Laarni at wala siyang pakialam kung sinong lalaki pa ang kalampungan nito.

"Tsssskkk....napapailing lang si Jorge sa nakita.

"Kung magpapakasal ako dun sa babaeng alam kong nag iisa lang ako sa buhay nya.At ayoko ng may ka share na iba"!ani Giane na pinagtuonan ng pansin ang hawak na kopita kesa sa nobyang nakikipaghalikan na.

"Dyan tayo magkakasundo Pare,ganun din ang hanap ko kung sakaling mag aasawa din lang ako.Yong maipagmamalaki mo at hindi ka mapipindiho.Yong tipong aalagaan ka,hindi yung nakikipag kompetinsiya sa ting mga lalaki."banat ni Jorge.

"AnywayI heared the news ililipat na ng papa mo ang pamamahala ng kompanya sa yo? 

"Yeah!pero bago nila ako gawing presidente,alam mo naman ang kondisyon ng mga board of director,gusto nila yong pamilyado at seryoso sa pamamalakad ng kumpanya.Takot lang na malugi ang perang mga ininvest ng mga yon."

Kaya di maiwasang di sumama ang loob ko kay dad wala siyang tiwala sa kin.Mapapatakbo ko naman ang kompanya kahit wala pa akong asawa."tinungga nito ang alak sa baso.

"Ano ka ba naman Giane,mahina ka rin eh,tumatanda na rin kasi ang ama mo.Isa lang ibig sabihin nyan.Naghahanap yan ng apo sa sa iyo pagbigyan mo na."biro ni Jorge

"Gusto nga nya ko mag asawa pero ayaw naman nya sa mga naging girlfriend ko.I dont understand him At naiinis ako dahil sa hindi ko siya mapagbigyan ayon siya na ang magpapakasal!" inis nyang kwento dito.

"What?!si Tito Migs magpapakasal?Well,wala namang masama sa bagay na yon.Kaya pa naman ata ni Tito magtrabaho sa kama.Believe na ko kay Tito Migs may asim pa"biro ni Jorge.

Napatiim bagang si Giane sa sinabi nito,hindi niya maimagine na hahantong sa kama ito at ang dalaga.Napakuyom ang palad niya.

"Ok lang sa kin na magpakasal siya wag lang sa secretary nya.Parang anak na nya yon at tsaka ayoko."angal niya.

Take me into your loving armsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon