Chapter 13

7.9K 187 5
                                    


Ilang araw lang sila sa isla dahil nalaman nya na tumawag ang ama ni Giane.

Pauwi na daw ito galing sa New York.

May inasikasong business at meeting na kailang personal nitong asikasuhin.

Nagtataka man si Micon kung bakit parang walang alam ang ama nito sa nangyari.

Nagtataka rin siya kung bakit silang dalawa ang nakasal,gayong ang ama nito ang nakatakdang magpakasal sa kanya.

Nakatanggap siya ng tawag sa kanyang Bff na si Sophie.

Wala pa lang alam ang ama ni Giane sa kasalang naganap sa kanila.

At nalaman nyang pinarischedule ng ama nito ang petsa ng kasal,sa dami ng inaasikaso nito.

"Oh my god!Bff it means na sinabotahe ng asawa mo ang kasal na para sa inyo ni Sir Miggs?"ani Sophie sa kabilang linya ng telepono.

"Bff anong gagawin ko pag nalaman ni Miggs na kasal na kami ni Giane?"naguluhang tanong nito kay Sophie...

"Ah eh Bff....hindi mapakaling nasabi ni Sophie sa phone.

Kinakabahan kasi ng biglang mahuli ni Veri na nakikipag usap siya kay Micon sa oras ng kanyang trabaho.

"Hello....Bff are you still there?may problema ba?"tanong nya sa kausap ng maputol ang tawag.

"Shit.....kasalanan to ni Giane.

Humanda siya sa kin.

Nanggigigil na hinanap nya si Giane sa paligid.

Nakita nya namang kausap nito ang piloto na si William ng private plane na sundo nila.

Kahit naiinis siya kay Giane,nakangiting binati pa rin nya ang kausap nitong si William.

Ngayon kasi ang araw ng balik nila sa Manila.

At sa isang araw naman ang uwi ng ama nito.

Tiyak na malaking problema ang kakaharapin nila.

At inaalala nya ang galit ng ama nito pag nalaman nitong sa anak pa mismo nito siya nagpakasal,gayong ito ang groom na dapat nyang pakakasalan.

Nahihiya siyang harapin ang ama ni Giane.

Malaki ang utang na loob nya dito.

Naging maganda naman ang pakikitungo nito sa kanya

para traydorin nya.

Pinagtalunan pa nilang mag asawa ang tungkol sa kasal nila.

Dahil nalaman nyang sinabotahe lang pala ng kanyang asawa,ang dapat ay kasal nila ng ama nito.

"And what do you think na gagawin ko huh?Ang pumayag sa kagustuhan ni Daddy na makasal kayo?tiim ang bagang nitong palakad lakad sa loob ng kaniyang kwarto.

"Pero kami ng Daddy mo ang nakaplanong magpapakasal.

Paano ngayon pag nalaman ng ama mo na kasal na tayo?Paano pag nagalit siya?

"Sa tingin mo ba papayag ako ng ganun na lang?No way Micon ilang beses ng may nangyari na sa tin para si Daddy pa ang magpakasal sa yo.

Hindi ako ganun katanga para pumayag na ikaw ang pakasalan nya.At hindi rin ako papayag na sayo mapupunta ang manang para sa kin."galit na bulalas ni Giane.

Sinampal niya ang asawa.

"So ganun ang tingin mo sa kin kaya hinahadlangan mo ang pagpapakasal ng daddy mo sa kin.Kaya naisipan mong isabotahe ang kasal na dapat ay ang ama mo,

Nang dahil lang sa mana mo Giane huh?

Ganun ba kababaw ang tingin mo sa kin?na pera lang ng Daddy mo kaya ako pumayag na magpakasal sa kanya?Kahit mahirap lang ako Giane never kong hinangad ang kayamanan ng iba.Pamilya ko ay sapat ng yaman sa kin.

"Wag kang mag alala hindi ako makikihati sa yaman mo.Ni isang kusing hindi ako hihingi sa yo."galit na iniwan nya ang asawa.

Kahit gustuhin nyang umalis sa mansion ng mga oras na yon hindi nya ginawa.

Sa isang araw na ang uwi ng ama nito.

Bahala na kung anong mangyayari.

Handa naman siyang umalis sa poder ng mga ito.

Hindi nya lang matiis ang matanda dahil naging mabuti ito sa kanya.

Ni minsan ay hindi siya binastos nito.

Ang masakit lang sa kanya ang narinig sa asawa nya.

Pinakasalan lang pala siya nito dahil inaalala nito ang mana akala pa naman niya may nararamdaman na ito sa kaniya.

Ang maging kahati sa mana o sa yamang ibibigay ng ama nito ang mahalaga dito.

Hindi nya matanggap na ganito pala kababaw ang tingin nito sa kanya.

Alam naman nya yon umpisa pa lang.

Pero heto siya sumige pa rin.

Umasang kaya rin siyang mahalin ng lalaki,gayong lantaran namang pinapakita nitong tutol ito para sa kanya at sa ama nito.

Ang tingin nito sa kanya ay isang linta na nakakapit at umaasa sa yaman ng ama ng binata.

Hindi nya kinausap ang asawa.

Hiwalay sila sa tulugan kung anong arrangement nila nung hindi pa sila kasal ay ganun pa rin ngayon.

Lalo na at parating na ang ama nito.

Hindi siya nakipag usap kay Giane at hindi rin naman ito gumawa ng paraan para amoin siya.

Hinayaan nyang ito ang umayos o gumawa ng paraan sa problemang ginawa nito.

Hihintayin nyang ito ang magkusang kumausap sa sariling ama kung maiisipan nitong ipaalam sa ama ang totoo.Total baka matuwa pa ito dahil nahadlangan niya ang ama sa paagpapakasal sa kaniya.

Hindi nya hahayaang siya lang ang pumasan sa problemang ito naman ang nag umpisa ng lahat.

Makikiayon lang siya sa ama nito.Makikisabay sa agos ng drama nito.

Problema nya lutasin nya.

"Akala mo mag mamakaawa ako sa yo Giane manigas ka."anang isip nya.

Saka na siya magpapaliwanag sa ama nito.

Siguro naman maiintindihan din siya ni Miguel.

Madalang niya ring makita ang asawa sa loob ng mansiyon.Pwes kung umiiwas ito sa kaniya bahala siya sa buhay niya.

Kailangan niya lang ihanda ang sarili sa galit ng dadsy nito.

"oh lord please help me."dalangin niya maintindihan siya ng matandang Monteverde.Kung kinakailangan makiusap siya na huhulugan na lang niya ang binayad nito sa pagkakasanla ng lupa nila ay gagawin niya.

Kasal na sila ng anak nito at wala na itong magagawa pa.

Take me into your loving armsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon