Chapter 15

7.6K 205 1
                                    


Pinatawag siya ni Miguel sa library kaya kinakabahan siya.

Siya lang ang kinausap ng ama ni Giane at isa pa hindi niya alam kung saan na naman ito nagpunta tapos na ang office hour nito.Dahil wala siyang idea kung anong pag uusapan nila.

Isa lang ang nasa isip nya ang kasal nila na pina reschedule nito or nalaman na kaiya nito ang pagpapakasal nila ni Giane?

"The wedding is off"bungad nito sa kaniya na nagpalakas lalo sa kaniyang nararamdaman na kaba.

"Miguel---

"Dont call me Miguel"anito na nagpapula sa kaniyang mukha.Galit ba ito?

"Call me Dad or Daddy sweetie"nakangiting tugon nito.

Sinabi nitong wala na daw kasal na mangyayaring sa kanila.

Isa lang daw ang turing nito sa kanya.

Ang parang isang totoong anak na babaeng inaasam ng asawa nito nung nabubuhay pa.

Nakahinga siya ng maluwag sa sinabi nito daig niya pa ang nabunutan ng tinik sa lalamunan.

Nashock din siya ng malaman na alam pala nito ang kasal na nangyari sa kanila ni Giane.Alam daw nitong may plano ang binata dahil hindi sinasadyang marinig nito ang usapan nila ng kaibigang abogado.

Natutuwa pa nga daw ang matanda at siya ang pinakasalan ng anak nito.Hindi mawala ang kagalakan sa mukha ng matandang Monteverde.

Sobrang naging emotional siya.Sinubukan niyang magpaliwanag.

Sobrang pasasalamat at naiintindihan naman daw siya nito.

Ipinaalam din nito sa kanya na walang kaalam alam si Giane sa pinagtapat nito sa kanya.

Ang gusto lang daw mangyari ng matanda ay magkaroon ng sariling pamilya ang binata at sa babaeng karapat dapat na maging asawa nito.

Matagal na daw nitong gustong lumagay sa tahimik ang anak.

Totoong ayaw nito sa buhay modelo ng binata.

Ayaw nya sa mga nakakarelasyon nitong mga babae na kaliwat kanan ang mga lalaki,na para bang nagpapalit lang ng kasuotan kung magpalit ng karelasyon.

Inaamin ng matanda na siya ang gusto nito para sa anak.

Inamin rin nitong ginawa nya ang kasunduang kasal para di siya makatanggi at sinadyang galitin ang anak sa pamamagitan niya.Siya ang

pain na rin sa kanyang kaniyang plano para anak nito.

Sinusubukan nito kung anong kayang gawin nito wag lang matuloy ang kasal na inaayawan nito para sa ama.Knowing Giane na hindi papayag na maikasal sa kaniya.Alam niyang may something namamagitan sa dating secretary at sa binata niya.

Natutuwa naman ang matanda dahil kumagat daw sa pain nito ang anak.Gumawa ito ng paraan para hindi sila makasal.

Ang totoo nakikita nya sa mga ito na parehong attracted sa isat isa.Tinulungan niya lang ang anak na marealized kung anong totoong nararamdaman nito para kay Micon.

Na hindi nya alam kung bakit mukhang may di pagkakaintindihan na naman.

Nakiusap din ang matanda sa kanya na wag na munang ipaalam kay Giane na alam na nito ang lahat.

Hindi nya mapapalampas ang mga hindi magandang nasabi sa kanya ni Giane.

Manigas ito,bahala itong ito mismo ang makadiskubre na alam na ng ama nito ang lahat.

Makaganti man lang siya sa bwisit na asawa.

Walang kaalam alam si Giane na alam na ng ama nito na kasal na siya kay Micon.

Sinusubukan na lang nila kung matitiis o kung kailan magpapakatotoo ito sa nararamdaman.

Niyayang kumain ni Miggs si Micon sa labas.

Nagtatawanan sila ng matanda dahil nga hindi maipinta ang mukha ni Giane ng malamang kakain sila sa labas.

Daddy ang tawag nya sa ama nito pag sila na lang magkaharap.

Miggs lang pag kaharap si Giane na sinasadya niyang inisin.

Atat na nga ang matanda na magkaapo na ito.

Baka hindi na kasi nito maabutan ang apo kung patatagalin pa nila gayong matanda na raw ito.

Pagkatapos nilang kumain hinatid naman siya ni Miggs sa M&T loveless boutique at ito naman ay may kameeting pa daw sa Makati.

Kinumusta nya ang lagay ng kanilang boutique ni Tasha.

Abala rin ito sa isa nilang branch dahil nagtayo sila ng isa pang branch nila.

"Blooming ka ata ngayon Marianel?"puna ni Micon sa dalaga.

"Ay naku Madam blooming yan kasi ikaw ba naman makasama mo sa isang bubong ang saksakang gwapo na si Nick."singit ni Jennilyn habang nag aayos ng mga display.

"Hoy Jennilyn del puerto OA mo saksakan talaga ng gwapo?anong kinalaman nun eh pinatuloy lang ako ni Tita Carmen sa kanila."sagot ni Marianel

Natawa naman sa kanila si Micon.

"Akala ko naman nagsasama sila sa iisang bubong dahil sila na."

Malay mo naman Madam may pagnanasa yan kay Nick at di natin alam na ginagapang na pala nya yong tao."ani Jennilyn na di paawat.

"Baliw!ang dami mong alam magtrabaho ka na lang."ani Marianell na binato si Jennilyn ng nilamukos na papel.

"Baka gusto mong ipalapa kita kay manong guard."dugtong pa nya.

"Juskoh Madam baka pwede namang palitan nyo na yong guard natin.

Nakakasira ng kagandahan.Yong kunin nyo naman yong pang Cosmo bash ang dating."reklamo ni Jennilyn kay Micon.

Tawanan sila buti at wala sa pwesto ang guard na tinutukoy nito.

"Wow ha pang cosmo bash pa trip mong guard ah!assumera ka girl kung ako sa yo maghanap ka ng jowa mo baka mamaya si Manong guard pa makatuluyan mo."pang aasar ni Marianel dito.

"ewwww yuck naman yong ganda ko na to sa kaniya lang papatol?Nakakasira kay ng araw ah"kunyari nagtatampo ito.

"Hoy Ms.Del Puerto may customer oh lapitan mo dali kesa mag drama ka diyan."ani Tasha

"Yes madam kung ganiyan ba naman customer natin araw araw eh pak ang pogi."impit na tili nito na sila lang nakakarinig.

Tawa sila ng tawa dahil naging sambakol ang mukha nito ng makaalis ang "poging customer nito na po rin pala ang hanap.Mas maarte pa ito sa kaniya.Mas malantik pa ang kamay at tumitikwas ng kilay pag tinititigan niya ito.

"Hey girl type mo ba ako?kung makatitig ka wagas haller hindi tayo talo noh.Pogi rin ang hanap at excuse me Im pretty not pogi."anito sa kaniya namili ng mga damit na pangreregalo daw nito sa jowa.

Nganga siya dahil may jowa naman pala eh siya hanap na lang girl na narinig niyang pang aasar ni Marianel.Inikotan niya lang ito ng mata sa pang aasar ng dalaga.

"porket may Nick ka kung maka ganiyan ka sa kin!Hmmppp....anito na pinagtawanan nila.Sanay na sila sa dalaga may pagkaluka luka rin kasi ito minsan

Take me into your loving armsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon