Chapter 1 - Neumun(New 'Wo'Man)

4.4K 103 4
                                        

Third Person POV: Philippines Airport

Kakarating lang ng apat sa Philippines Airport ng 6 AM, at ang kanilang sundo ay darating pa ng 7 AM. Kaya nagpasya muna silang maghintay sa waiting area. Pagdating nila roon, nakaramdam ng gutom si Gerald.

"Nagugutom na 'ko" pagpaparinig ni Gerald sa mga kasama niya, ngunit hindi siya pinansin ng mga ito.

"Nagugutom na 'ko!" nilakasan pa niya nang kaunti ang boses para marinig ng mga kasama, pero hindi pa rin siya pinansin.

"Na—" akmang uulitin pa sana niya nang biglang pasukan ng tissue ang bunganga niya, dahilan para maputol ang sasabihin niya.

"Deserve! Ingay mo kasi, kaaga-aga eii" sabi ni Josh. Nag-apir sila ni Colex at nagtawanan sa ginawa ni Mikee, habang si Gerald ay nakanguso lang na parang batang hindi pinagbigyan.

"Palagi ka naman kasing gutom, 'Geraldine'" pang-aasar ni Colex na natatawa pa. "'Geraldine' amp!" bulong ni Gerald sa sarili niya.

Maya-maya, tumingin si Mikee sa relo niya at nakita niyang 6:15 pa lang. Tumayo siya at akmang aalis, kaya tinanong siya ni Colex.

"Saan ka pupunta, Mikee?" tanong nito habang nakatingin sa cellphone. "Sa CR, iihi lang. Pabantayan muna gamit ko" malamig na tugon ni Mikee.

Agad naman itong umalis at hindi na hinintay ang sagot ng mga kasama. "Hayst, lamig talaga non. Pag 'di pa nagbago 'yon, ililibing ko sa Iceland para tumigas na talaga" bulong ni Colex sa sarili, pero bahagyang narinig ng dalawa kaya natawa.

"Wala pa kasing nagpapainit sa kaniya, ate Colex, kaya ganon" makahulugang sabi ni Josh sabay taas-baba ng kilay. Pero agad siyang binatukan ni Gerald.

"Tarantado ka talaga, Josh! Pasmado talaga bibig mo, walang preno!" singhal ni Gerald. Napatingin naman agad si Josh kay Gerald. "Aray! Hiyang-hiya naman ako sa taong palaging pasmado ang bibig!" balik niya.

Napailing na lang si Colex sa asaran ng dalawa at ibinalik ang atensyon niya sa cellphone.



Mikee's POV:

Kakatapos ko mag-CR at paglabas ko ay napag-isipan kong bumili ng makakain ko at pati din ng mga kasama ko. Kahit sana'y kami hindi kumain ng ilang araw gawa din sa strict diet at training namin everyday ay na gugutom pa din kami.

Nakarating ako sa Jollibee na malapit lang sa airport at pumunta ako ng counter para bumili ng breakfast namin.

"Good morning ma'am, may I take your order?" sabi sa akin ng cashier na nakangiti at nginitian ko siya pabalik ng pilit kasi naiilang ako sa tingin niya.

"Ahmm... Ano nga po miss, apat Cheesy Yum Burger, apat na Coffee, apat na Fries at Cokefloat." walang emosyon kong tugon dito at kinuha yung wallet ko sa likod na bulsa ko.

"Is that all po ba?" sabi ng babae sabay kindat sa akin. "Yes, that's all. And take out." malamig na tugon ko ulit.

"Landi amp." sabi ko sa sarili ko at binayaran ko ang order ko at tumalikod para hintayin ang order ko. Bahagyang bumulong yung cashier. "Poganda sana kaso ang sungit, hayst!" narinig ko ito ngunit hindi ko na lang pinansin.

Mga ilang minuto ay tinawag na yung order ko at lumapit na ako para kunin ito at umalis na sa lugar dahil pinagtitinginan ako ng mga tao, nang biglang may humawak din ng order ko.

Tiningnan ko ang mukha ng aagaw sa order ko at nang makita ko ito ay biglang huminto ng limang segundo yung puso ko. Dahil sa mukha niyang maamo, natural ang kaniyang facial make-up at yung malambot niyang kamay.

Double Life (Under Revision)Stories to obsess over. Discover now