Chapter 13
Sea-Lost Date? ft. Maxime
Aime's POV:
Nasa sasakyan kami ngayon ni Max at papunta na kami ngayon sa office ko kasi may trabaho ako na need tapusin bago ko gawin yung plano naming apat nila Mary.
•
•
•
•
-FLASHBACK-
"Hoy! Ano na naman ang ginagawa n'yo sa opisina ko?" taray kong sambit sa tatlong tambay. "Ate Aime, hot-headed ka na naman. Hayst, kaya hindi ka magustuhan ni Max" sabi ni Stephanie. "Sabihin mo na lang, hindi ka lang talaga type ni Max" dagdag ni Samantha sabay tawa nilang tatlo.
"Magsilayas nga kayo dito sa opisina ko!" sigaw ko. "Ikaw, Stephanie, 'wag kang uuwi ng bahay ha!" dagdag ko pa. "Si Ate talaga, hindi mabiro" naka-pout na sambit ni Stephanie. "Hindi bagay sa'yo 'yan, tehh. Kadiri!" maarteng sabi ni Samantha sabay irap ni Stephanie.
"Ano ba talaga ang kailangan n'yo? Bakit kayo nandito?!" iritado kong tanong habang nakapamewang. "Kasi naisip namin na mag-thank you sa mga bodyguards natin. Like, i-treat lang sila sa meal or something. Especially nung iniligtas nila tayo sa resto at nung may nang-holdap sa atin" paliwanag ni Mary.
"Bakit pa? Trabaho naman nila 'yon" sagot ko sabay balik sa ginagawa ko. "Tehh, remember? Nung sa resto, hindi pa natin sila bodyguards" sabi ni Samantha. "And 'yung sa holdap incident, hindi pa rin natin sila bodyguards noon. After that incident lang sila pumayag sa offer natin, 'di ba?" dagdag ni Stephanie.
"REMEMBER?!" sabay-sabay nilang sabi, naka-tukod ang mga siko sa mesa ko at nakapatong ang baba sa mga kamay. "Hayst! Oo na!" pilit kong sagot. Agad naman silang ngumiti na parang mga nakabili ng mamahaling bag. "So ang gagawin natin ay yayayain natin sila mag-date" excited na sambit ni Stephanie. "DATE?!" sigaw ko sabay hampas sa mesa.
"No way na gagawin ko 'yan sa antipatiko na 'yon!" sabi ko habang naka-cross ang mga braso ko. "Kapag hindi ka sumali, ibig sabihin may gusto ka kay Max" pang-aasar ni Mary. "Ha?! Ako? May gusto doon sa bugok na 'yon? Yuck!" depensa ko. "Abay, siyempre pogi kaya niya... Ack!" sambit ko sa isip ko.
"Gawin mo na, Ate Aime. Maka-yuck ka diyan, sipain kita!" sabi ni Samantha. "Oo nga, maka-yuck pero grabe makatitig kay Max" dagdag ni Mary. "Akala mo rin hindi binabanggit sa panaginip" sabat ni Stephanie habang pinapakita ang video ko na tulog at hinahanap si Max.
"Stephanie Mae Catacutan-Arceta! Wala talaga akong privacy sa'yo!" sigaw ko sabay bato ng mga papeles sa kaniya. Nagtawanan lang sina Mary at Samantha habang si Stephanie naman ay umiilag at tumatakbo. "Ate, 'wag! Sorry na! Papa-kunin n'yo na si Ate Aime!" sigaw niya habang hinahabol ko. Lalong lumakas ang tawanan sa buong opisina.
-END OF FLASHBACK-
•
•
•
•
"Mamaya pala, Max. After ng mga gagawin ko may pupuntahan ako. Samahan mo ako" sambit ko habang papasok kami ng building. Tumango lang siya at sabay kaming pumasok sa elevator. "Lamig naman nitong baby ko" bulong ko sa sarili ko.
"Were you saying something?" walang emosyon na sambit niya. "W-wala" utal kong sagot. Bigla niyang hinawakan ang braso ko at hinarap ako sa kanya. Sinandal niya ako sa sulok ng elevator. "Yeah right... Baby" ngising sambit niya habang papalapit ang mukha niya sa akin. Pumikit ako.
"Easy, don't get excited." bulong niya sa tenga ko at nagpanginig sa buong katawan ko. "Shit! Yung boses mo, Max Lim! Nambabaliw ka ba?!" sambit ko sa isip ko. Ramdam ko ang ilong niya na dumadampi sa leeg ko. "Bango mo" malambing niyang bulong.
Pagkatapos noon ay humiwalay siya sa akin, sakto ring bumukas ang pinto ng elevator. Tiningnan lang niya ako at ngumisi habang ako naman ay napahawak sa dibdib ko dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. Nakarating na kami sa floor ng office ko kaya nagmadali akong bumaba at dumiretso sa opisina ko. Umupo ako sa mesa ko at sinimulan ang trabaho.
Hindi ko maiwasang sumulyap sa pinto habang naaalala ang nangyari sa elevator kanina. Naalala ko rin ang elevator incident nung papunta kami sa office ni Mary. Napahawak ako sa labi ko at napangiti. Pero agad ding nawala ang ngiti ko nang bumalik ako sa ulirat at umiling.
"Ano ba, Aime?! Nababaliw ka na naman. Hindi ka pa kasi nakakainom ng gamot mo!" sambit ko sa sarili ko. "Oo, hindi pa nga yakapsul at kissipirin! Aarghh!" dagdag ko sabay sigaw. "Ms. Aime, are you alright?" kalmadong sambit ni Max mula sa pinto. Hawak niya ang baril na nakalagay sa bewang niya.
"I heard you scream." seryoso niyang dagdag. "Wala! Just leave. Hayst!" inis kong sambit. Tumango lang siya at umalis. "Mag-focus ka na lang, Aime. Nababaliw ka na naman" bulong ko sa sarili ko habang tinatapos ang mga trabaho na kailangan kong matapos ngayong araw.
Knock... Knock... Knock...
Lumipas ang ilang oras at patapos na ako nang may kumatok sa pinto. "Pasok!" sambit ko. "Why naman ganyan ang mukha ng baby ko?" pang-aasar na sambit ni Nate. Inirapan ko siya. "Ano'ng kailangan mo, Nate?" tanong ko. "Wala lang. Gusto ko sana sumabay sa'yo mag-lunch, Aime" sambit niya habang umuupo sa sofa.
"Hay nako, Nate. Wag ngayon. Full schedule ako!" sagot ko. "Ouch! Tinatanggihan mo na yung pogi mong pinsan?" sabi niya habang hawak ang dibdib at umaaktong nasasaktan. "You're overacting, Nate. Umalis ka na nga!" inis kong sabi. Natawa lang siya at naglakad papunta sa pinto.
"Nga pala, cuz. Yung bodyguard mo, grabe makatingin sa akin. Parang papatayin ako. May galit pa rin ata sa akin" sambit niya. Pagkabukas niya ng pinto ay biglang nasubsob paloob si Max. "Max! Ano'ng nangyari sa'yo?" tanong ko.
"S-some hayop shoved me!" utal at inis niyang sambit habang ako bahagyang natawa sa pagiging konyo nito. "Wala namang tao ah" sabi ni Nate. Tinitigan lang siya ni Max nang matalim habang tumatayo. "A-ahm... una na ako, A-aime" utal na sabi ni Nate bago tuluyang umalis. Hindi humiwalay ang tingin ni Max kay Nate hanggang sa mawala ito sa paningin niya.
Pagkatapos ay tumingin siya sa akin. "Ohh? Tingin-tingin mo d'yan!" sambit ko habang nakataas ang isang kilay. Nakasalubong ang kilay niya habang nakatingin sa akin. "Wala" sambit niya sabay labas ng pinto at malakas na ikinalabog iyon. "Ano'ng nangyari doon?" bulong ko sa sarili ko.
Bumalik ako sa trabaho hanggang sa matapos ko na rin ito. Nag-unat ako at tiningnan ang orasan. Twelve na. Napagdesisyunan kong i-date na si Max. "Baka gutom na siya" sambit ko habang inaayos ang mga gamit ko. Pagkatapos ay nag-pabango ako at nag-retouch. Lumabas ako ng opisina dala ang bag ko.
Paglabas ko ay nagdikit ang panga ko nang makita kong may babaeng halos dumikit na kay Max. "Tsk! Kapag nahawakan kitang babae ka, yayakapin kita sa leeg hanggang mag-violet ka!" bulong ko habang dahan-dahang lumalapit.
"Ahem!" sabi ko. Hindi man lang siya tumingin. "Ahem!" ulit ko. "Ahem! Ms. Atimagos, puwede bang layuan mo ang bodyguard ko?" seryoso kong sambit. "Nasa opisina ka at hindi hotel para gawin 'yan dito!"
"Opo ma'am, s-sorry po" sambit niya at agad umalis. Tiningnan ko si Max. "Enjoying?" sambit ko. "Al-" hindi ko na siya pinatapos at iniwan ko na siya sabay irap dito. Tinatawag niya ako pero hindi ko siya pinansin. Pumasok ako sa elevator at akmang papasok din siya nang sumara ang pinto.
"Doon ka na sa babae mo, bwiset!" inis kong sabi. Biglang bumukas ulit ang elevator at pumasok si Max na seryoso ang mukha. "Tsk!" sambit ko sabay irap. Tahimik kaming dalawa sa elevator. Bigla niya akong hinila palapit sa kanya at ipinatong ang mga kamay niya sa bewang ko.
"Shit! Ang lapit niya!" bulong ko sa isip ko habang kinakagat ang ibabang labi ko. Unti-unti niyang inilapit ang mukha niya. Napaatras ako hanggang sa ma-corner. "Ito na naman tayo..." bulong ko sa sarili ko. Konting pagitan na lang ang natitira sa pagitan ng mga labi namin. Pumikit ako.
"What—are you expecting me to kiss you?" bulong niya. Minulat ko ang mata ko."Don't throw a tantrum at me, Ms. Arceta. Hahalikan talaga kita" seryoso niyang bulong sa tenga ko. "Fuck— that freaking voice of yours!" sambit ko sa isip ko. Ramdam ko ang labi niya sa leeg ko bago siya umatras at nginisihan ako.
Aalis na sana siya ng tingin nang hinawakan ko ang kwelyo niya at hinalikan siya. Hindi rin nagtagal ay nagpalitan na kami ng halik. "Aime, hindi ikaw 'to! Pero nakaka-adik ang labi niya..." bulong ko sa isip ko. Maya-maya ay bumukas ang elevator.
Itinaas ni Max ang amerikana niya para takpan ang mukha ko habang hinahalikan pa rin niya ako kahit may pumasok na mga empleyado. "Grabe, dito pa talaga. Mga walang modo" bulong ng isa. "Oo nga. Papagalitan sila ni Ma'am Aime kapag nalaman niya ito. Bodyguard niya pa man din" bulong ng isa pa.
"Bakit kaya ayaw pang umamin ni Ms. Aime? Halata namang gusto niya yung bodyguard niya" dagdag nito. Bahagyang natawa si Max kaya hinampas ko siya. Bumukas ang elevator at bumaba ang dalawang empleyado. Naiwan ulit kaming dalawa.
"Oh, so you actually like me?" nakangising sambit niya. "Baliw! Namali ka lang ng rinig!" irap kong sagot. Lumabas agad ako ng elevator. Nagpunta kami sa parking lot at sumakay sa sasakyan. Tiningnan ko ang oras. "12:30 pa lang? What the heck, saglit lang pala tayo sa elevator?" sambit ko.
"What, do you want us to take longer?" sambit ni Max habang sumasakay. "Shut the fuck up, Lim!" irap kong sagot. "Kasalalanan mo 'to, Aime. Bakit ka kasi bumigay? Tanga mo talaga!" sambit ko sa isip ko. Kumain muna kami ni Max sa Jollibee at nag-order. Sa kalagitnaan ng pagkain ay nagtanong siya.
"What do you like about me?" tanong niya. "H-huh?" utal kong sagot. "Ang sabi ko, what do you like about me, Ms. Aime Arceta?" sambit niya. "Hindi ka pa rin nakaka-move on doon? Hayst. Wag kang masyadong nagpapaniwala sa mga sinasabi ng mga tao, Ms. Lim" sambit ko. Ngumisi lang siya. Pagkatapos naming kumain ay lumabas na kami. Bigla siyang napahinto habang nakatingin sa isang bata na masayang kasama ang mga magulang nito.
•
•
•
Mikee's (Max) POV: Jollibee
YOU ARE READING
Double Life (Under Revision)
ActionIsang tao na may dalawang pagkatao at may madilim na nakaraan. Sasabak sa isang mission na magbibigay sagot sa tanong ng buhay, ngunit isang araw dahil sa isang babae magbabago ang lahat at maaaring magbibigay liwanag sa madilim niyang buhay? This s...
