Chapter 15 - Truthful Identity

2.1K 70 2
                                        

Chapter 15
Truthful Identity

Josh's POV: ANS Hospital

"Kayo, ayos kayo?!" iritadong sambit ni Samantha. "Oo naman, Sam" sabi ko dito. "Wag mo 'kong matawag-tawag na Sam!" sambit nito habang papalapit sa akin. Sinampal niya ako at dali-daling lumabas ng kwarto. "Aray! Teka, Sam, wait lang!" sigaw ko habang hawak ang pisngi ko at sinundan si Samantha.

"Sakit non ha! Ano naman nangyari don?" sabi ko sa isip ko habang sinusundan si Samantha. Naabutan ko ito at hinawakan ang braso niya. "Ano ba, Justin o kung sino ka mang hinayupak ka, bitawan mo 'ko!!" sambit nito at binawi ang braso niya, pero hinawakan ko ulit ito.

"Hindi kita bibitawan hangga't hindi mo 'ko kinakausap" sambit ko dito. "Ano gusto mo pag-usapan natin ha? Na may iba kang mahal? Na hindi talaga ikaw na Justin ang nagustuhan ko? Na ginawa mo lang na ipakita yung mga ginawa mo kanina kasi dahil sa lintik na agent kayo?!" sambit ni Samantha habang pinipigilan ang pagluha nito.

"Sam..." tanging sambit ko. "Alam mo, tama sila ate Aime! Masyado akong nagpa-easy to get sayo!" ngiting sambit nito habang tumutulo ang luha niya. "Sam, let m—" naputol ang sasabihin ko nang sampalin niya ulit ako. "Explain what ha? Sabihi—" pinutol ko ang sasabihin ni Sam nang halikan ko ito.

Nagpupumiglas ito pero hinigpitan ko ang yakap ko dito kahit tinutulak niya ako hanggang tumigil ito sa pagpiglas at gumanti sa halik ko. Bumitaw ako sa halik at hinawakan ang mukha niya.

"Sam, lahat ng pinakita ko sayo kanina totoo yun. Wala akong pineke don" sambit ko dito habang hinahawakan ang kamay niya. "Bawat ngiti, bawat halik, bawat sulyap—totoo yun. Kahit yung pagkatao ko bilang Justin ay peke, pero yung nararamdaman ko bilang Josh Robles totoo" sambit ko habang hinahalikan ang kamay niya at pinupunasan ang luha nito.

"Samantha, sorry kung tinago ko ku—" napatigil ako nang sampalin niya ulit ako. "Yan para sa pagtatago mo sa akin ng totoong ikaw!" sambit nito at sinampal ulit ako. "At yan para sa paglandi mo sa babaeng yun kanina!" sambit nito habang hinahawakan ang kuwelyo ko.

"Ito naman dahil pinahulog mo 'ko sayo, gago ka!" sambit nito bago ako hinila at hinalikan."I love you, Samantha Marie Sevilleja" sambit ko dito at akmang hahalikan ko ulit ito pero umiwas siya. "Sorry sir, ang pwede kasing humalik sa akin ay si Justin Robles lang" sambit nito at nginitian ko lang siya.

"Talaga po ba? Hindi naman ata siya magagalit kung isang halik lang naman ang kukunin ko, diba?" sambit ko habang hinahawakan ang bewang niya. "Hindi pa nga kita kilala tapos gusto mo na humalik?" taray na sambit nito. "Tsk" ngisi ko habang inilalapit ang mukha ko dito.

"I'm Josh Robles, it's nice to meet you Ms. Sevilleja" sambit ko dito at ngumiti naman siya. "It's nice to meet you too, Mrs. Robles" sambit nito at akmang maglalapat na ang labi namin nang may tumawag sa akin. "Josh!" sambit ni Trisha. "Ayan na babae mo!" inis na sambit ni Samantha.

"Selos ka naman" biro ko dito at pinitik niya ang noo ko. "Aray ko!" sambit ko habang hinihimas ang noo ko. "Josh, nandito lang pala kayo. Tapos na operation ni Mikee, gising na din siya!" sambit ni Trisha. "Sige na, susunod na kami ng girlfriend ko" sambit ko bago ako binatukan ni Samantha.

"Aray ko! Nakakarami ka na ha!" reklamo ko. "Che, manahimik ka. Hindi ka pa nga nanliligaw!" sambit ni Samantha. "Tara na nga muna!" sambit ko at pumunta na kami kay Mikee.



Gerald's POV:

Lumabas si Josh dahil hinabol nito si Samantha palabas. "Gago! Ano nangyari don?" sambit ko sa utak ko habang lumilingon kay Stephanie. "Ano nangyari don, Ste—" naputol ang sasabihin ko nang sumingit si Stephanie. "Hep hep!" sambit ni Stephanie.

"Hooray?" sabi ko at binatukan ako ni ate Colex. "Aray, sakit naman non!" bulong ko. "Wag mo 'kong mabiro-biro jan pagkatapos mo 'kong masabihan na 'liligawan muna kita bago maging tayo' tapos ganto gagawin mo sa akin?!" sambit ni Stephanie at sinampal din ako bago lumabas.

"Ouch! Stephanie, wait lang—hoy!" sambit ko habang hinihimas ang aking pisngi at sinundan siya. "Hayop na 'yan, sakit ha!" bulong kong sambit habang sinusundan si Stephanie. Hinabol ko siya at hinarangan. "Steph, saan ka ba pupunta?" sambit ko dito. "Umalis ka sa harap ko!" sambit nito.

"Hindi ako aalis dito hangga't hindi mo 'ko kinakausap" sabi ko dito at inirapan niya ako. Akmang aalis naman siya pero agad kong hinawakan ang kamay niya. "Hindi mo ba talaga ako kakausapin, Stephanie?" sambit ko dito. Natahimik siya ng ilang saglit.

"Totoo ba yung sinabi mo sa park?" tanong nito sa akin. "Steph—" naputol na sambit ko nang humarap siya sa akin. "SAGUTIN MO KUNG TOTOO BA! Kasi kung hindi, wag ka na magpakita sa akin!" sigaw nito sa una bago humina ang boses habang tumutulo ang luha niya.

Hinila niya ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko at akmang aalis pero hinatak ko ulit siya at isinandal sa pader. "Wala akong pinepeke sa sinabi ko, Stephanie" sambit ko dito at hinalikan siya. Tumugon naman agad siya sa halik ko at makalipas ang ilang saglit ay humiwalay ako.

"Alam mo, Stephanie..." sambit ko dito habang hinahawakan ang kamay niya. "Ilang beses kong sinubukan na hindi mahulog sayo" dagdag ko habang nakatingin siya sa akin. "Kasi... alam kong darating yung time na kailangan ko ulit mawala at mamatay bilang Gian Apuli" sambit ko habang pinipigilan ang pagbagsak ng luha ko.

"Pero nahulog ako, at patawarin mo 'ko dahil nahulog ako sayo at nasaktan kita" sambit ko dito. Binitawan ko ang kamay niya at akmang aalis na sana ako pero niyakap niya ako mula sa likod. "Wag..." nanginginig na sambit nito. "Wag mo 'kong iwanan, Gian" naiiyak na sambit nito.

"Steph, masasaktan ka lang kapag minahal mo si Gian" sambit ko dito. "Edi ipakilala mo kung sino ka! At ikaw ang mamahalin ko!" sambit nito. Tinanggal ko ang pagkakayakap niya sa akin at humarap ako dito. "Steph..." sambit ko dito. "Ipakilala mo kung sino ka at mamahalin ko yung totoong ikaw" sambit nito habang nangingilid ang luha.

"Stephanie—" napatigil ako nang halikan niya ako at nagtagpo ang mga labi namin hanggang sa pareho kaming humiwalay. "Gerald" sambit ko at tumingin siya sa akin. "Gerald Apuli po, Doktora Stephanie Mae Catacutan-Arceta" sambit ko habang inilalahad ang kamay ko at hinihintay siyang humawak dito.

"Tsk!" ngising sambit nito habang umiikot ang mata bago hinawakan ang kamay ko. "Nice meeting you, Mr. Gerald Apuli" dagdag nito. "Ahmm... doktora, pwede po ba manligaw?" sambit ko dito. "Pwede naman" sambit nito. "Good" ngiting sambit ko bago ko siya hinalikan at humiwalay.

"Tsk! Presko. Hindi pa nga kita sinasagot ganiyan ka na. Hayst!" sambit nito at natawa naman ako. Natigil kami ni Stephanie nang may tumawag sa akin. "Gerald! Nandito lang pala kayo. Tapos na ang operation at gising na din si Mikee!" sambit ni Shane bago umalis.

"Tara na?" sambit kong lingon kay Stephanie. "Sino pala yung babaeng haliparot na yun?! Akala mo kung sino makadikit sayo, may lahing suso ba 'yun?!" inis na sambit nito. "Ayy, selos naman bebe ko" pang-aasar ko dito. "Magsama kayo!" sambit nito bago pumunta sa room ni Mikee. "Hoy! Hintayin mo 'ko, bebe!" sigaw ko habang sinusundan siya.



Colex's POV:

Double Life (Under Revision)Stories to obsess over. Discover now