Chapter 14
Critical⚠️
Third Person POV: ANS Hospital
"Dalian niyo, ilagay niyo dito si Mikee!" sambit ni Agent Rob habang inilalagay ng kasama nila si Agent Lim sa higaan dahil sa tama ng bala nito. "Doc, paki-asikaso agad si Agent Lim." sambit ni Josh. "Agent Rob, may tama rin po kayo." sambit ng doktor.
"Unahin niyo si Mikee!" sigaw nito at tumango ang doktor sa kaniya at inasikaso agad si Agent Lim. "Max, lumaban ka." umiiyak na sambit ni Aime. "Deej, nasaan si Tito?" sambit ni Agent Ver. "Papunta na si President Hidalgo, Agent Ver." sambit nito.
"Cooler, may mga tama kayo ng bala." pag-aalalang sambit ni Mary. "Wag kayong mag-alala, sanay na kami sa tama ng bala." sambit ni Gerald. "Ano ba talagang nangyayari ha?! At saka sino ba talaga kayo? Bakit 'Mikee' ang tawag niyo kay Max?" sambit ni Samantha.
"Oo nga, at ano yung sinasabi ng lalaki kanina na Agent kayo?!" dagdag ni Mary. "At yung tungkol sa magulang namin?" dagdag ni Aime habang pinupunasan ang luha nito. Nasa ospital ngayon na pagmamay-ari ng ANS ang walo dahil din sa mga tama ng bala na natamo ng apat na Agent, lalo na si Agent Lim.
"Wag muna natin..." sniff "...silang tanungin nang tanungin..." sniff sambit ni Stephanie. "Pagpahingahin muna natin sila." dagdag nito. "Tama si Doktora, pagpahingahin niyo muna silang apat at kayo rin, magpahinga na muna kayo at bukas ako na ang magpapaliwanag sa inyo." sambit ng taong kakapasok lang sa kwarto ng walo.
"Tito..." hinang sambit ng tatlo. "Ohh, bakit hindi pa ginagamot yang sugat niyo?" mahinahong sambit ni President Hidalgo. "Rina, tawagin mo yung ibang nurse. Tingnan ang sugat nitong tatlo." dagdag ni President Hidalgo sa sekretarya nito at tumango ito.
"Agent Lia, buti tama yung kutob natin na sinusundan sila ng tauhan nila Maki at Jeremy." sambit ni President Hidalgo. "Alam mo?!" sambit ni Agent Rob.
•
•
•
•
TRIGGER WARNING(FITAL INJURIES)⚠️
-FLASHBACK-
HQ Meeting Room
Dumating si Agent Lia sa HQ ANS dahil pinatawag siya ni President Hidalgo. "Sir!" saludong sambit nito at sumaludo pabalik si President Hidalgo. "Agent Lia, buti naman at dumating ka na! Hindi namin makontak sina Agent Lim." sambit ni President Hidalgo.
"Sinusubukan ko rin pong tawagan si Mikee, Sir, pero hindi rin po siya sumasagot." sambit ni Agent Lia. "Pati sina Agent Rob, Agent Ver, at Agent Apu... Hindi rin sumasagot." sambit ni President Hidalgo. "Sir, yung mga GPS tracker nila sa cellphone nila." dagdag ni Agent Lia.
Agad na binuksan ni President Hidalgo ang laptop nito na nakakonekta sa malaking TV sa kwarto. "Nasa iisang location lang silang apat kasama ang apat na binabantayan nila." sambit ni President Hidalgo habang si Agent Lia ay tinitingnan kung nasaang lugar sila ngayon.
"Nasa EK sila ngayon." sambit nito. "Imposibleng nandoon silang apat. Alam ko na pupunta si Gerald sa mga tatay niya sa Las Piñas, si Colex naman ay kasama lang ni Mary at nagpunta sila sa Cavite. Kaya imposibleng magkasama ang apat na iyon sa iisang lugar ngayon." sambit ni President Hidalgo.
"Puwera na lang kung..." dagdag nito. "Sinundan sila." sambit ni Agent Lia. "Puntahan mo na agad sila, Agent Lia, at magpapasunod agad ako ng mga tauhan doon. Dalian mo!" sambit ni President Hidalgo at agad naman itong sumunod.
Enchanted Kingdom
Dadalhin na sana ang walo ng mga tauhan nina Jeremy at Maki palabas nang makita ni Agent Lim si Agent Lia. Tinanguan siya nito at agad namang tumingin si Agent Lim kina Agent Rob, Agent Ver, at Agent Apu bago ito umubo.
*Cough!*
Napatingin naman ang walo sa kaniya. "Okay ka lang, Max?" tanong ni Aime. "Parang ubo lang, maglakad na kayo!" sambit ng isa sa mga tauhan nina Jeremy at itinulak sila nito. "Ano ba, dahan-dahan lang!" sambit ni Agent Ver habang tinitingnan si Agent Lim, at tumingin din ito sa dalawa.
Nang malapit na sila sa exit ng EK ay may isang lalaking napadaan at bumangga kay Agent Lim. "Aray!" sambit ni Agent Lim. "Max, okay ka lang?!" sambit ni Aime at nilapitan ito. "Sorry po" sambit ng lalaki.
"Tanga-tanga, tumingin ka nga sa dinadaanan mo! Umalis ka na!" sambit ng tauhan nina Jeremy bago umalis ang lalaki. Tinapunan nito ng tingin si Agent Lim at umubo ito nang tatlong beses. Pagkalayo ng lalaki ay agad itong nagpaputok. "Ngayon na!" sigaw ni Agent Lim at inagawan ng baril ang isang lalaki saka ito pinutukan sa lalamunan.
Hinatak niya si Aime sa isang covered na pwesto habang nakikipagpalitan siya ng putok. Tumango sina Agent Ver, Agent Rob, at Agent Apu at inagawan din nila ng mga baril ang mga lalaking malapit sa kanila. Ipinutok nila ito sa ulo ng mga lalaking inagawan nila ng baril at hinatak nila ang kani-kanilang babae sa ligtas na lugar habang nakikipagpalitan sila ng putok sa mga tauhan ni Jeremy. May mga dumating na mga lalaking kasama ni Agent Lia mula sa ANS at nakipagbarilan ang mga ito sa loob ng EK.
"Agent Lim, Agent Rob, Agent Ver, Agent Apu! Kailangan niyo nang umalis dito, kami na ang bahala!" sigaw ni Agent Lia habang nakikipagpalitan ng putok sa mga tauhan ni Jeremy. Tumango naman ang apat na Agent dito at lumabas na sila. Nang pasakay na sila sa sasakyan ay hindi nila inaasahan na may nakaabang sa kanila.
"Kumusta ka, kapatid ko?" sambit ni Jeremy. "Jeremy..." sambit ni Agent Lim habang tinututukan nilang apat ng baril sina Jeremy at Maki. "Hindi ko aakalain na susunod kayong apat sa yapak ng mga magulang niyo. At buti na lang kayong apat, hindi kayo sumunod sa yapak ng mga magulang niyo!" natatawang sambit ni Jeremy habang hawak-hawak ang kutsilyo nito.
Kinamot nito ang ulo habang nakatingin at nakaturo kina Aime matapos ang tanong nito kina Agent Lim, habang si Maki naman ay nakasandal lang sa sasakyan. "WALA KANG PUTANG INANG UTANG NA LOOB, JEREMY! PINATAY MO SILA!" sigaw ni Agent Lim.
"Tsk! Dapat lang 'yon sa kanila! Alam niyo ba kung paano ko pinatay at pinahirapan ang mga magulang niyong walo?" nakangising sambit ni Jeremy at nagpanting ang tenga ng walo."Unahin natin sa mga ina niyo. Pinagahasa ko sila sa mga tauhan ko at sinunog sa pugon hanggang namatay." sambit nito.
"At oo, pati si Mama pinagahasa ko, Mikee!" dagdag nito. Pinaputukan ni Agent Lim ang hawak nitong baril pero naka-iwas si Jeremy. Pinaputukan din ng tatlo si Maki pero ganoon din, naka-ilag ito. Dumating si Agent Lia.
"Agent Lim, okay na sa loob! All clear na!" sambit nito. "Ikaw muna bahala sa apat. Agent Ver, Agent Apu, kayo kay Maki. Agent Rob, tayo kay Jeremy!" malamig na sambit nito at tumango naman ang mga ito.
"Max!""Cooler!""Gian!""Justin!"
Sabay-sabay na sigaw ng apat na babae at akmang susunod kina Max ngunit pinigilan sila ni Agent Lia. Sinundan nina Agent Ver at Agent Apu si Maki. Pinutukan sila nito at nakipagpalitan naman ng putok ang dalawang Agent.
"GAGO KA, MAKI! MAGBABAYAD KAYO NI JEREMY!" sambit ni Agent Ver. "Kung mauuna niyo 'kong mapatay!" sambit nito habang nagpapaputok. "MAMATAY KA NA!" sigaw ni Agent Apu. "Alam niyo ba kung paano nagmakaawa ang mga magulang niyo?" natatawang sambit ni Maki habang pinaputukan ang dalawa.
"Ver? Ibig sabihin, tatay mo yung Vergara? Yung tatay mo pinugutan ng ulo at pinutulan ng kamay!" dagdag nito. Pinutukan ito ni Agent Ver habang papalapit sila ni Agent Apu. "Apu? Ibig sabihin din, tatay mo yung nilumpo ko doon sa Las Piñas pagkatapos ng pagkamatay ng ina mo! Gago, kung alam mo lang kung paano nagmakaawa yung tatay mo noon!" natatawang sambit nito.
"TANGINA KA! PAPATAYIN KITA, HAYOP KA!" sambit ni Agent Apu habang pinaputukan si Maki at mabilis na papalapit dito. "Gerald!" sambit ni Agent Ver at sumunod ito kay Agent Apu."Tumigil ka, Maki! Mamamatay ka na ngayon!" sambit ni Agent Apu habang tinututukan nila ni Agent Ver si Maki at napahinto naman ito.
"Kung mapapatay niyo ako ngayon..." nakangising sambit nito habang humaharap sa dalawang Agent. "Sisiguraduhin kong isasama ko kayo!" seryosong sambit nito at nawala ang ngisi sa labi nito. Akmang magpapaputok ito ngunit inunahan siya ng dalawang Agent.
"Tara na, baka kailangan nila Mikee ang tulong natin!" sambit ni Agent Ver. Akmang aalis ang dalawa ngunit may mga tauhan nina Maki ang sumalubong sa kanila. Akmang magpapaputok ang dalawa ngunit naubusan sila ng bala.
"Puta, ngayon pa nawalan ng bala!" sambit ni Agent Apu. "Ano, magpakalalaki kayo! Sapakan na lang, mga bakla!" sambit ni Agent Ver at ibinato ang baril nila ni Agent Apu sa mga lalaki na nakipagsuntukan.
Sinuntok ni Agent Ver ang isang lalaki at tumalsik ito, sabay sinipa niya ang isa sa mukha at siniko. Habang si Agent Apu naman ay hinawakan ang braso ng isa sabay siko sa mukha ng isa pa, at binali niya ang braso ng lalaking hawak niya. Tumayo naman ang isa at akmang sasaksakin si Agent Apu ngunit sinalo ni Agent Ver ang braso nito at binali rin. Kinuha nito ang hawak nitong kutsilyo at isinaksak sa ilalim ng baba nito, sabay saksak sa ulo ng lalaking binalian ni Agent Apu.
Akmang tatayo ang dalawang lalaking kalaban ni Agent Ver ngunit ibinato ni Agent Apu ang kutsilyo nito at tinamaan ang isa sa sentido habang ang isa namang tumatakbo ay pinutukan ni Agent Ver. Nagtinginan ang dalawa, tumango, at agad nilang pinuntahan sina Agent Lim at Agent Rob.
YOU ARE READING
Double Life (Under Revision)
ActionIsang tao na may dalawang pagkatao at may madilim na nakaraan. Sasabak sa isang mission na magbibigay sagot sa tanong ng buhay, ngunit isang araw dahil sa isang babae magbabago ang lahat at maaaring magbibigay liwanag sa madilim niyang buhay? This s...
