Chapter 10 - Visitation Date?? ft. Giphanie

2.2K 64 0
                                        

Chapter 10
Visitation Date?? ft. Giphanie

Gerald's(Gian) POV: Stephanie's Office

"Oras na ata para parusahan kita sa pag-suway mo sa akin, Gian" mapang-akit na sambit ni Dra. Stephanie habang ang kamay nito ay nasa dibdib ko. Napapikit na lang ako nang may kumatok at humarap ako sa bookshelf sa office ni Dra. Stephanie.

"Istorbo!" inis na bulong ni Dra. Stephanie at pumunta sa pinto. "May gusto ba 'to sa akin?!" sambit ko sa sarili ko. "Sino 'yan?" tanong ni Dra. Stephanie at binuksan ang pinto. "Oh, Luke, ano ginagawa mo dito?" tuwang sambit ni Dra. Stephanie habang ako ay nakikinig lang sa kanila at kunwari'y tumitingin lang sa bookshelf.

"Bakit, ayaw mo na bang makita ang boyfriend mo?" sambit nito at napatingin naman ako. "Boyfriend?!" sambit ko sa sarili ko na siyang kinainis ko. "Ikaw talaga, oh" sambit nito sabay hampas sa balikat nito.

"Tsk! Pagkatapos mo akong landiin, may boyfriend ka na pala!" bulong ko sa sarili ko. "Ma'am, lalabas po muna ako. Mukhang nakakaistorbo po ako sa usapan po ninyo, mag-jowa!" sarkastikong sambit ko.

"Wait lang, Gian. Papakilala kita. Ito pala si Doctor Luke Pascual, kababata ko. And Luke, si Gian Apuli, my personal bodyguard" sambit ni Dra. Stephanie sa amin. "Hello, Gian" sambit nito sa akin at tumango lang ako. "Sige po, Ma'am, lalabas na po ako. Aalis pa rin po ako" sambit ko.

"Hoy! Wait lang, Gian, yung date natin" sambit nito at napatigil ako sa paglabas ng pinto at napatingin kaming dalawa ni Luke sa kaniya. "DATE?!" sabay naming sambit ni Luke. "May date ka pala. Sayang, aalukin sana kita mag-lunch kaso may plans ka pala, Doktora" sambit nito at napangiti naman ako.

"'Di bale, next time na lang" ngiting sambit nito habang kinindatan si Dra. Stephanie. "Presko amputa, eii mas pogi pa ako sa'yo!" sambit ko sa sarili ko habang lumabas si Luke sa office ni Dra. Stephanie. "Ohh, bakit ganyan itsura mo?" ngiting sambit ni Dra. Stephanie.

"Ano yung sinabi mong date?" seryosong tanong ko rito. "May sinabi ba ako? Wala akong maalala" malambing na sambit nito. "Ohh, magbihis ka na. Hindi naman pwede na bibisita ka sa family mo na naka-bodyguard uniform ka, 'di ba?" dagdag nito at kinuha ang bag nito at lumapit sa akin.

"Ma'am—" naputol ang sinabi ko nang ilagay nito ang daliri sa bibig ko. "Parang gusto mo ata na ituloy yung naudlot kanina, ha?" ngising sambit nito at napalunok na lang ako ng sobra. "Stephanie, wala kasi akong dalang extra na pamalit" sambit ko.

"Ako na bahala doon, no buts!" sambit nito at hinila ako papuntang parking lot. Akmang bubuksan ko yung pinto ng driver's seat pero inunahan niya ako at siya ang umupo. "Pumasok ka na" sambit nito at pumasok ako sa kabilang side at dine-drive ni Stephanie ang sasakyan papuntang mall.

Binilhan kasi niya ako ng damit na pamalit ko. "Pogi mo lalo diyan, Gian" ngiting sambit nito. "Oks na ba 'yan sa'yo?" dagdag nito at tumango lang ako. "Steph, hindi mo—" naputol ang sambit ko nang sumingit ito. "Isa mo pang reklamo, ikukulong kita sa kwarto ko" sambit nito.

"Tinatakot mo ba ako, Ms. Stephanie Arceta?" seryosong sambit ko at lumapit dito. "Bakit, natatakot ka ba?" sambit nito pabalik habang palapit din nang palapit sa akin. Mas inilapit ko ang mukha ko dito at akmang hahalikan ko ito ay may tumawag sa amin.

"Ma'am, mamaya na po ang landian. Bayad po muna" sambit ng cashier na naghihintay na bayaran ang pinamili ni Stephanie. "Istorbo naman 'to!" sambit ko sa sarili ko at binayaran na ito ni Stephanie. Palabas na kami ng mall papuntang parking lot.

"Bakit ang dami mo atang pinamili?" tanong ko habang inilalagay sa likod ng sasakyan. "Siyempre, para sa pamilya mo, para may pasalubong ka" sambit nito. "Stephanie, nako po, huwag na. Ibalik na lang natin 'to!" gulat na sambit ko.

"Wala ka nang magagawa. Walang refund sa SM" sambit nito. "Sumakay ka na para makita mo na agad family mo" sambit nito at sumakay na lang ako dahil wala na rin akong nagawa. "Hay nako, kung hindi lang kita mahal" sambit ko sa sarili ko.

Pagkatapos ng ilang kalahating oras ay nakarating na kami sa kung saan ako dati nakatira. Malapit lang kasi sa SM ang bahay namin dati kung saan nakatira sina tatay ngayon. Las Piñas City, Gloria Compound. Pagdating namin ay bumaba kami sa sasakyan ni Stephanie.

Double Life (Under Revision)Stories to obsess over. Discover now