Chapter 3 - Investigation⚠️

2.8K 81 0
                                        

Chapter 3
Investigation

TRIGGER WARNING (BRUTAL)⚠️

Agent Lim's POV: Restaurant

Pinutok ko ang baril ko sa isa sa mga tauhan ni Gelo Aguirre na dumagsa sa paligid namin. Maya-maya'y may humampas sa ulo ko na ikinahilo ko.

"Shit!" sabi ko, at akmang tatayo nang may tumama ulit sa likod ko—pinaubo ako ng dugo. "Tarantado ka! Sino ka ba, at istorbo ka sa kaligayahan ko?! Pwe!" galit na sigaw nito.

Akmang hahampasin pa ako ng bat, sinipa ko ang paa niya patagilid at natumba siya; tumayo ako agad.

"Max, ayos ka lang? Kailangan mo ng tulong?" tanong nito sa pag-bangon ko matapos ako nito tawagin sa aming pekeng pagkatao. Tumingin kami ni Aguirre sa boses.

"Yeah, I'm fine Cooler. There are still people inside, I heard someone screaming in there." tumango lang sila—kaya matapos nila ako kausapin ay pumasok na sila sa loob.

"Tsk! Nagsama pa kayo ng mga bugok" tawang sabi ni Aguirre. Napatingin ako sa kaniya. "Kala niyo ba mabubuhay pa kayo?! Tsk! Mamatay na kayo dito dahil sa pakikialam niyo!" sambit niya at tumakbo papunta sa pwesto ko para hampasin ako ng bat pero nakaiwas ako.

Sinubukan niya ako hampasin uli, pero na-salo ko ang bat. Nag-360° kick ako sa mukha niya; ikinatumba niya at napabitaw ang bat.

Tinapon ko ang bat sa gilid, pinatunog ang mga kamay at leeg ko. "It's been a while since I tasted my own blood" ngumisi ako at pinunasan ang dugo sa bibig.

"Pwe!" dura ko, sumenyas, at ngumiti nang nakakaasar para umatake siya. "AARGHHH!!" sigaw niya habang papalapit.

Yumuko ako sa unang suntok niya, sinikmurahan ko siya, at sinundan ng uppercut. Napa-tras siya ng konti; akmang lalapit uli nang sinipa ko ang mukha niya at muling ikinatumba siya.

Sinipa ko siya sa sikmura ng malakas at tinadyakan—*cough cough*—napa-ubo siya ng dugo dahil sa lakas ng sipa ko.

"Walang kwenta!" sambit ko ng pabulong. Nilipat ko ang tingin sa isang lamesa at nakita ko si Aime Arceta na walang malay.

Lumapit ako para damahin kung may pulso pa siya; hinawakan ko ang pulso sa pulsohan at sa ilalim ng leeg—buti na lang buhay pa siya.

"Hayst, Good thing your still alive." bulong ko sa sarili, at akmang aayusin ang buhok niya na nakaharang sa mukha nang may sumambunot sa akin.

"FUCK!" hinila ako papalayo ni Gelo. "Hindi pa tayo tapos!" galit niyang sigaw. Hinawakan ko ang kamay niyang nasa buhok ko.

"For a man like you, you just love pulling girls hair!" sinikmura ko siya at siko sa ulo. Pagbitaw ng kamay niya sa ulo ko, umikot ako sa likod niya at sinipa ko ang kanan niyang braso na hawak-hawak ko—binali ko ito.

"AARGHH! PUT—" hindi ko hinintay tapusin niya; hinawakan ko ang ulo at bibig niya—walang expression sa aking mukha kasabay sa mahigpit na hawak ko sa kaniyang ulo at sabay binali ito.

"Hayst. Dapat hindi ka na tumayo! Tsk, pwe!" sabi ko matapos siyang pilasin. Dinala ko si Aime palabas at binuhat papunta sa van—pero napahinto ako nang may tumawag sa akin.



Agent Ver POV:

Pumasok na kami sa lobby nang makita namin si Mikee na may dugo sa bunganga, kaya napatigil kami.

"Max, ayos ka lang? Kailangan mo ng tulong?" sigaw ko sa kaniya. Ginamit ko yung mga pangalan na gagamitin namin sa pagpapanggap para hindi kami halata.

Sana naman hindi tanga si Mikee at mag-gets niya, "Yeah, I'm fine Cooler. There are still people inside, I heard someone screaming in there." sambit niya.

"Hayst, buti hindi tanga!" bulong ko sa sarili ko. Akmang may sasabihin pa si Josh ay tinakpan na lang ng bunganga nito ni Gerald at tumango na lang kami.

Pumasok na kami sa loob ng resto; nakita namin yung mga lalaki na akmang gagahasin yung tatlong babae na kasama ni Aime Arceta — at wala itong malay.

"Hoy mga tanga!" sigaw ni Gerald; napatingin naman yung mga lalaki sa amin at pinutukan kami ng baril.

"Gago ka talaga, Gian — bakit ka sumigaw?!" sambit ko dito habang nagtago kami sa mga lamesang itinumba namin.

"Para maangas tayo, Ate Cooler." napahawak na lang ako sa ulo ko. "Maangas, amp." bulong ko sa sarili ko.

"Iniwan-iwan pa kasi yung baril sa safe house. Ikot-an niyo, ako dito sa kabila." sabi ko; akmang tatayo na kami kaso may nakatutok na baril sa amin pag-angat naming tatlo.

"Tsk! Sinong tanga ngayon?!" nakangising sambit nung lalaki. Nakatinginan kaming tatlo at tumango kami sa isa't isa dahil alam namin na medyo alanganin kami — kinse laban sa tatlo.

"Ikaw!" napatingin naman kami ni Gerald kay Josh. "Ay, gago, sumagot pa!" bulong ko sa sarili ko. Akmang hahampasin na si Josh ng baril nang nasalo nito — inagaw ko agad yung baril sa lalaking nakatutok sa akin at ipinutok agad sa baba nito; tumagos yung bala sa ulo nito.

"Gago, ibang klase yung baril nila" sambit ko sa utak ko habang hinarang ang katawan ng lalaking pinutukan ko para hindi ako matamaan ng bala.

Yung dalawa naman ay inagaw din yung baril ng nakatutok sa kanila, at ipinutok nila iyon — kay Gerald sa loob ng bunganga ng isa, habang si Josh naman sa batok. Nag-tago ang dalawa sa katawan ng inagawan nila ng baril at nakipagpalitan kami ng putok sa mga kalaban.

Isang lalaki na lang ang natirang buhay — tama lang sa kaliwang braso at sa tuhod. Akmang kukunin niya ang baril niya, pero ipinutok ko yung baril ko at tumama sa kamay niya; naputol yung tatlo sa mga daliri niya.

"AARGHH!! TANGIN—" hindi natuloy ang sasabihin niya nung nilagay ko sa loob ng bunganga niya ang baril na hawak ko.

"Isang tanong, isang sagot: sino ang nag-utos sa inyo?" seryosong sambit ko. "Agent Ver, paano makakasagot 'yan kung may laman yung bibig?" sabi ni Josh, tinitingnan kung may buhay pa ang mga lalaki na humarang kanina.

"Oo nga naman — tanggalin mo muna, Agent Ver" dagdag ni Gerald habang tinitingnan ang pulso ng tatlong babae.

"Oo na!" inis na sambit ko, at tinanggal ko yung baril sa loob ng bibig niya. "Sagot na!" sabi ko sa lalaking pinagpapawisan. "Hindi ko alam!" hingal na sambit niya.

"Paano ba yan, hindi daw alam?" sabi ko sa dalawa at binalik ko sa loob ng bunganga ng lalaki yung baril. "Mag-salita ka na kasi! Parang gago ka rin" lumapit si Josh at tinanggal yung baril sa loob ng bunganga niya.

Double Life (Under Revision)Where stories live. Discover now