Chapter 9
Closer To The Truth
Colex's(Cooler) POV: Cemetery
Nandito kami ngayon sa sementeryo ni Mikee para bisitahin namin ang magulang namin. Ngayon na lang kasi ulit kami nakabisita sa mga magulang namin simula nung last na misyon namin sa America.
"Daddy, pasensya na kayo kung ngayon na lang ulit ako nakabisita sa'yo ha?" sambit ko sa lapida ni Daddy habang inilalagay ang bulaklak. "Daddy, may ibang pamilya ba talaga si Mommy?" naluluhang sambit ko. "O kasama mo siya nung nangyari ang pagsabog?" dagdag ko sa harap ng lapida ni Daddy.
•
•
•
•
-FLASHBACK-
"Cooler! Tsk!" ngising sambit ni Maki at lumapit sa akin.
"Magpakasaya kayo sa pagpanggap! Konting oras na lang, isusunod namin kayo sa mga magulang niyo! Mamatay ka tulad ng ama at ina mo!" bulong na sambit nito sa akin, na kinayukom ng kabilang kamay ko habang hawak ko ang kamay ni Mary.
Lumayo ito sa akin nang nakangiti. "Mag-enjoy kayo sa date" sambit nito palabas ng pinto. Dumating si Mikee at nakasalubong niya ito. "Tsk! Hindi pa ito ang huli nating pagkikita" sambit nito kay Mikee, na kinakunotan ng noo nito at tuluyan nang umalis si Maki.
Dahan-dahan kong binitawan ang kamay ni Mary. "Cooler, ano'ng nangyari dito?" tanong ni Mikee, pero hindi ko ito pinansin at umalis ako sa opisina ni Mary habang pinupunasan ang luha ko.
-END OF FLASHBACK-
•
•
•
•
"Colex, tara na. Hinintay na tayo nina Josh, Gerald, at ni Tito sa HQ" sambit ni Mikee sa akin habang hawak-hawak ang kanang balikat ko. Tumayo ako at humarap sa kaniya. "Sige, tara na" sambit ko dito at tumungo na kami sa sasakyan.
Sumakay na ako sa driver seat at si Mikee sa tabi ko, at pinaandar ko na ito papuntang HQ.
•
•
•
Josh's (Justin) POV: HQ Meeting Room
"Babalik na daw sila, Mikee — galing sementeryo" sambit ni Tito. "Bakit kasi kailangan pa natin tingnan 'to? Ang dami-dami nito!" reklamo na sambit ni Gerald. "Wala pa'ng sampung minuto, pagod na siya! Tamad talaga nitong hayop na 'to!" sambit ko sa isip ko.
"Oo nga, Agent Rob — bakit mo pala kailangan tingnan 'yan? Mga old files ng mga previous Agents na wala na o nagretiro na?" takang tanong ni Tito. Nanghingi kasi ako ng mga files kay Tito na kasama ang mga pangalan ng magulang ni Mikee at ng Daddy ni Ate Colex bago sila sumugod sa huling misyon nila.
"Naalala ko kasi na nanghingi si Mikee ng mga files ng mga dating agent na kasama na namatay sa pagsabog, kaya nalaman natin na magulang pala nila Aime, Mary, Samantha at Stephanie ang agent na nakasama nila" mahabang sambit ko.
"Kaya naisip ko na tingnan din ang mga kasabay nila, hindi lang ang nakasama nila sa pagsabog" dugtong ko habang tinitingnan yung files na hawak ko. "Alam mo, minsan kahit gago ka ginagamit mo din utak mo" mapang-asar na sambit ni Gerald, at binatok ko siya ng mga papel.
"Tumingin ka na lang diyan, baka may malaman tayo" irap na sambit ko dito at natawa na lang si Tito sa amin. Ilang minuto ng paghahalu-halo sa mga files, may isang file ng agent na kumuha ng attention.
"Paolo Sorrentino Apuli?" bulong ko at tumingin kay Gerald. "Gerald, kilala mo 'to? Apilyido mo" sambit ko sa kaniya at inabot ko yung file sa kaniya; napa-tingin naman din si Tito. Nag-iba ang expression ni Gerald. "S-si t-tatay" nanginginig na sambit nito.
"Agent — tatay mo dito?!" gulat na sambit ko. "Tito, alam mo din 'to?" dugtong ko. "Wala pa akong alam diyan kasi inangat ako bilang Presidente sa ANS; parehas na araw nang inampon ko si Gerald doon, doon lang ako nagkaroon ng access sa mga files dito sa ANS" mahinahong sambit nito habang tinitingnan namin ni Gerald.
Maya-maya bumukas ang pinto. "Tito, pinapadala po sa inyo ang files tungkol daw sa mga nagretiro at yumao na agent. Ito na po yung last four na files" sambit ni Ate Colex at ibinaba yung files sa harap namin.
"Ano ba tinitingnan niyo? Masyado kayong seryoso — para kayong nakakita ng multo" dagdag nito at umupo. "Dating agent si tatay" maiksing tugon ni Gerald. "Ahmm... Patingin na lang nga ako ng files na 'to" sambit ko habang inaabot ko yung files sa lamesa kasi nararamdaman ko ang tensyong bumabalot sa kwarto.
Pagbukas ko ng file, nakita ko ang matagal ko nang hindi nakikitang pangalan. "Mama" gulat kong sambit. Tiningnan ko agad yung ibang files at nakita ko don ang dalawang pamilyar na apelyido.
"Leah Apuli" sambit ko. "Si mamang?" sambit ni Gerald at kinuha yung file sa kamay ko; binuksan ko naman ang isang file. "Hannah Vergara" kinakabahang sambit ko at kinuha agad ni Ate Colex yung file sa akin. "M-mommy" naluluhang sambit niya.
"David Robles. Papa" mahinang sambit ko at di ko namalayan na tumulo na ang luha ko.
Knock... Knock... Knock...
"Ano yun?" sambit ni Tito; pumasok na ang sekretarya nito. "Sir, pasensya na po, pero may nagpapadala po" sambit nito at napatingin kami sa dalawang kahon na ipinasok nila. "Pinabibigay kay Agent Lim" dugtong nito at napatingin kaming lahat kay Mikee.
"Sige, salamat" sambit ni Tito at umalis ang sekretarya. "May inaasahan ka bang delivery, Agent Lim?" takang tanong ni Tito. "No, tito." maiksing sambit nito, at tumayo kaming apat; binuksan ni Mikee nang dahan-dahan ang kahon at umalingasaw agad ang baho nito.
"Anak ng — bakit ganiyan?! Ano 'yan — ang baho!" sambit ni Gerald nang tuluyang binuksan ni Mikee ang kahon. Nagulat kami — may laman ang loob ng kahon, at may kasamang sulat. "Inspector Lay, Inspector Mavy" sambit ni Mikee.
"Mikee, may sulat sa gilid" sambit ni Ate Colex at kinuha niya ito. "Munting regalo para sa'yo, kapatid ko — nagmamahal, Jeremy" sambit ni Ate Colex. Nagulat kami kaya napatingin kami kay Mikee. "Kapatid mo si Jeremy, Mikee?!" sigaw na tanong ni Ate Colex, pero hindi sumagot si Mikee.
"Ate, kumalma ka muna" sambit ko. "ANO?! SUMAGOT KA!" sigaw na sambit ni Ate Colex at hinawakan niya si Mikee sa kwelyo. "He was adopted by my parents back then, but Mama kicked him out when he almost killed Papa." malamig na tugon ni Mikee.
"Kumalma muna kayo!" sambit ni Tito habang inaawat si Ate Colex. "Himikan muna kayo para makapag-isip tayo at makapagplano, especially ngayon sa mga nalaman natin!" maotoridad na sambit nito sa amin. "Pwede bang tanggalin 'yung dinala niyo dito?" sambit ni Tito sa telepono niya.
•
•
•
Third Person POV:
YOU ARE READING
Double Life (Under Revision)
ActionIsang tao na may dalawang pagkatao at may madilim na nakaraan. Sasabak sa isang mission na magbibigay sagot sa tanong ng buhay, ngunit isang araw dahil sa isang babae magbabago ang lahat at maaaring magbibigay liwanag sa madilim niyang buhay? This s...
