Chapter 8
Jeremy's Past 2⚠️
TRIGGER WARNING(BRUTAL)⚠️
Jeremy's POV: Training - Three Months Passed
Puro dugo ang kamao ko at bibig dahil sa bugbog at suntok na tinamo ko sa mga kasama ko mag-ensayo. Tumayo ako at akmang hahampasin ako ng bat sa mukha, pero sinalo ko ito, hinila, at siniko ang mukha nito. Inagaw ko yung bat at hinampas ito sa mukha nito hanggang nawasak ang mukha ng lalaki.
Sinusubukan akong pigilan ng ibang kasama ko dahil sumobra na ako, pero nung hinawakan yung kamay ko ay binitawan ko yung bat. Kinuha ko yung baril nito at ipinutok sa lalamunan ng humawak sa kamay ko. Akmang may sasapak sa akin, sinalo ko ito, inikot ang braso nito palikod, at binali ko ang braso nito.
"AARGHH!! PUTANG—" bago pa matapos ang sigaw nito, pinutok ko yung baril sa braso nito at inubos ang bala doon. Hanggang sa putol ito sa katawan niya. "AARGHH! UGHH! SHIIT!!" hinaing nito. Ngumisi lang ako at itinapon ang putol na braso nito pabalik sa kaniya.
"Mahihina" sambit ko habang nilalagyan ko ng bala yung baril ko, at lumapit ako sa lalaking putol ang braso. Pinasok ko ang baril sa bunganga niya. "Tsk!" ngiti kong sambit dito, at ipinutok ko yung baril sa loob ng bunganga niya.
"Tama na muna yan, Jeremy" mahinahong sambit ni Maki. "Nag-e-enjoy pa ko" sambit ko dito habang tinatarget shooting ko yung mga tauhan namin. "Kesa ka na mag-enjoy pagkatapos ng plano mo" sambit nito, at napalingon ako at ngumisi.
•
•
Revenge Plan - Two Day After
"Sakto din pala na magulang mo lang din ang sumasagabal sa plano natin; mukhang mas maaga pa plano mo" malamig na sambit nito. "Oo, at sa oras na ito sisiguraduhin ko madurusa sila — kasama pati ang malalapit sa kanila" sambit na inis ko habang naka-ngiti.
"Sisiguraduhin kong sa pagpain natin sa kanila sa lumang budega natin, lahat sila mamatay — wala ni isang matitira sa kanilang buhay. Pero bago sila mamatay, sisiguraduhin kong impyerno ang mararanasan nila" sambit ko dito at uminom sa baso ko.
"Boss, may apat na Agent daw na nakapasok sa budega — ano gagawin natin? Hawak na din natin at naka-gapos na." sambit ni Akira. "Sino yung mga yon?" malamig na sambit ni Maki. "David Robles, codename Agent Rob; at Aya Robles, codename Agent Les" sambit ni Akira.
"Yung dalawa naman, Leah Apuli, codename Agent Uli, at si Hannah Vergara, codename Agent Ara" sambit ni JL. "Tsk! Mukhang may gustong makipagkarera kay kamatayan. Gapos niyo lang yung apat na yun at bugbugin niyo" sambit ko.
"Alamin niyo din kung may pamilya pa ba yang mga yan" sambit ni Maki. "Yes, boss!" sambit nila at umalis.
•
•
Torture and Death Of The Agents - A Day After
"Natawagan mo na?" sambit ko. "Yes, boss" sambit ni Akira sa akin. "Good!" sabi ko at uminom sa baso at tumayo. "Tara doon na tayo — maghintay sa budega" malamig na sambit ko. "Maki" sambit ko pag pasok ko sa budega. "Kamusta?" dagdag ko.
"Malapit na daw ang mga magulang mo papunta dito, kasama yung mga ibang Agent" kalmadong sambit nito. "Mga hayop kayo!" sigaw ng isa sa mga Agent. "Hay nako, Mr. Robles — kung hindi na lang kasi kayo nakialam, e sana wala kayo sa ganitong posisyon" sambit ko ay lumapit dito.
"Pwe!" dura nito sa akin. "Anak ng—" bulong na sambit ko at tumawa. "Akira" tawag ko dito at ibabot sa akin nito ang isa matalas na kutsilyo. "Buhatin niyo!" sambit ko ng naka ngiti.
"San niyo dadalhin asawa ko!" sigaw ng asawa nito. "Hoy, bitawan niyo siya!" sigaw ni Mrs. Apuli. "Mga demonyo kayo!" sigaw ni Mrs. Vergara. "Wag kayong mag-alala — isusunod ko kayo." sambit ko at bahagyang tumingin sa kanila.
"Pagkatapos ninyo, ang mga anak niyo naman!" naka ngising sambit ko. "WAG MO IDADAMAY ANAK KO!" sigaw ni Mr. Robles at sinapak ito ng tauhan ko. "Pagkakaalam ko ay iniwan ninyo siya mag-isa sa bahay niyo, di ba?" ngising sambit ko. "Sige, taliin niyo mabuti" dugtong ko dito.
YOU ARE READING
Double Life (Under Revision)
ActionIsang tao na may dalawang pagkatao at may madilim na nakaraan. Sasabak sa isang mission na magbibigay sagot sa tanong ng buhay, ngunit isang araw dahil sa isang babae magbabago ang lahat at maaaring magbibigay liwanag sa madilim niyang buhay? This s...
