Chapter 5
Test!⚠️
Colex's (Cooler) POV: A Week After The Holdap Incident
"Josh, bilisan mo! Ayaw ko paghintayin si bebe! First day na first day, late na agad tayo!" sambit ni Gerald. "Hinayupak ka! Kung hindi ka sana nagtagal sa banyo ng mahigit isang oras, edi sana on time tayo, diba?!" sambit ni Josh.
"Manahimik nalang nga kayo at bilisan mo pagkain, Geraldine" sambit ko habang nagsisintas ng sapatos. "'Geraldine'? Parang pangalan ng babaeng menupus" sambit ni Josh kaya natawa kaming dalawa ni Mikee at inirapan lang siya ni Gerald.
"Gago kang animal ka!" sambit ni Gerald. "Tama na yan at tara na! First day natin bilang bodyguard nila, dalian na baii!" sambit ko. At tama, hindi kayo nagkamali ng basa — first day ng trabaho namin bilang bodyguard sa kanila Ms. Aime.
Actually, hindi talaga first day, gawa itetest pa lang kami nila if capable ba talaga kami to protect them as their personal bodyguards. O kaya niyo yan — straight English.
•
•
•
•
-FLASHBACK-
KINABUKASAN PAGTAPOS NG HOLDAP INCIDENT: HQ MEETING ROOM
"Any updates on your mission, Agents?" tanong ni President Hidalgo sa amin. "Sir, inalok nila kami kagabi ng trabaho bilang bodyguards nila" sambit ko.
"Maganda 'yun — kung ganoon, mas madali ninyong mababantayan sila at maililigtas" sambit naman ni President Hidalgo. "Something tells me... we're not just ordinary bodyguards." sabi ni Agent Lim.
"Ano'ng ibig mong sabihin, Agent Lim? Magiging asawa din natin sila?" sambit ni Gerald at binatukan ito ni Josh. "Tanga! Hindi — umiiral na naman ang pagkadelulu mo. Ang ibig kong sabihin ay parang magiging personal na bodyguards natin sila" sambit ko dito.
"Kung ganoon, Agents, mag-change tayo ng plano. Tatanggapin ninyo yung alok nila na magtrabaho kayo at aalis kayo doon sa mga part-time jobs ninyo sa cafe, resto at grocery. At the same time, ngayon na malapit kayo sa kanila, sugal ang buhay ninyo — dahil may mga possible encounters kayo na iba na hindi kasama sa kaso na hawak ninyo" mahabang sambit ni President Hidalgo.
"Yes sir!" sambit naming apat.
"Nga pala, may update na sa imbestigasyon nina Inspector Lay at Mavy. Ayon sa nakalap na impormasyon, nakikita daw nila sina Jeremy at Maki na malapit sa mga pinoprotektahan ninyo — posibleng mas malapit pa ang koneksyon ng mga target natin sa kanila, kay Aime Arceta" sambit nito.
"Our main objectives: kill the target and protect what we need to protect! UNDERSTOOD!" dagdag ni President Hidalgo. "Sir! Yes, sir!" sambit naming apat.
-END OF FLASHBACK-
•
•
•
•
Ngayon ay papunta na kami sa company ni Ms. Aime; 8am ang call time namin kasi may gagawin daw kaming test bago kami magsimulang magtrabaho.
"Bakit kaya may test pa tayo? Hindi ba sapat yung ginawa natin nung na-holdap tayo. Hayst!" grabi talaga tong magreklamo tong si Josh. "Manahimik ka na lang! Dami mong sabe!" sambit ni Gerald.
"Tangi—" naputol ang sasabihin ni Josh nang nagsalita si Mikee. "Someone's following us." malamig na tugon nito sa tabi ko habang nakatingin ito sa side mirror kaya napa tingin ako sa rearview mirror.
"Huh? Paano ka naman kakasiguro?" sambit ko dito habang naka-focus sa daan — ako kasi ang nagmamaneho ng sasakyan habang sila Gerald at Josh napa tingin sa bintana ng sasakyan sa kanilang likod.
"Get your guns ready! Colex, turn! Josh, tell our new boss we'll be a bit late." malamig na sambit nito, at sinunod na lang namin ang utos niya. "Drive to an empty lot out back." sambit nito.
"Okay na, nasabihan ko na" sambit ni Josh at inilagay na ang baril sa likod niya; ganoon din kami ni Gerald. Maya-maya, may kumatok sa bintana namin at tiningnan lang ako ni Mikee; ibinaba ko ang bintana.
"Boss, bakit po?" nakangiting sambit ko. "Police. Pwede po ba kayong bumaba muna — ikaw at ang mga kasama mo sa sasakyan?" sabi ng lalaki, at bumaba naman kaming apat.
Halos nasa sampu sila — walo ang nasa labas ng sasakyan at dalawa ang nasa loob. "Ano po ba atin, sir?" sambit ni Josh. "Wag ka na magtanong!" tinulak siya papalabas ng sasakyan at kinapaan — ganoon din ang ginawa sa amin tatlo.
"Hoy! Dadahan-dahan lang!" sambit ni Gerald at kinuha ang mga baril namin. "May mga kargada pa kayo!" sabi ng isang lalaki. "Tsk! Pasensyahan tayo — mali kayo ng binangga at buhay na pinasok" sambit nito at tinutok na sa amin ang apat nitong baril.
"Bwiset! Isasalvage 'to!" sabi ko sa sarili ko at tumingin kay Mikee; tumango lang siya. Ganon din sina Josh at Gerald.
•
•
•
YOU ARE READING
Double Life (Under Revision)
AcciónIsang tao na may dalawang pagkatao at may madilim na nakaraan. Sasabak sa isang mission na magbibigay sagot sa tanong ng buhay, ngunit isang araw dahil sa isang babae magbabago ang lahat at maaaring magbibigay liwanag sa madilim niyang buhay? This s...
