Chapter 6 - Colry and Maxime ft. Agent Lia

2.2K 68 3
                                        

Chapter 6
Colry and Maxime ft. Agent Lia

Aime's POV: Three Weeks After

Tatlong linggo na simula nung nangyari kina Max at Nate. Tatlong linggo na rin simula nung huli kong nakita si Max. Ang pumapasok lang kasi ay sina Cooler, Gian, at Justin. Kaya pinagtataka ko kung bakit yung personal bodyguard ko, hindi pumapasok. Tinanong ko naman si Cooler kung anong nangyari sa kaibigan niya at bakit hindi siya pumasok.

Ang sagot lang niya sa akin ay, "May inaasikaso po kasi, Ma'am Aime. Pumunta ng America." Naiinis talaga ako don sa babaeng 'yon — yung tipong binugbog niya na yung pinsan kong si Nate, tapos hindi pa siya pumapasok!

"Hay nako!" sambit ko sa sarili ko. "Ano na naman iniisip mo, behh?" tanong ni Mary — at oo, nandito na naman silang tatlo. "Sino pa ba? Edi yung bodyguard niya" natatawang sambit ni Stephanie.

"LQ kayo, 'te?" mapang-asar na sabi ni Samantha. "LQ ka diyan! Wala naman akong gusto don!" sagot ko, sabay taas ng kilay. "Wag kami, Ate Aime. At wag kang magsalita ng tapos" sambit ni Stephanie habang papalapit sila sa table ko.

"Yung mga tingin mo kay Max, hindi normal, ha. Parang gusto mo siyang angkinin, behh" sabi ni Mary. "Oo nga! Lalo na nung may sugat siya sa braso niya. Yung itsura mo non, parang gusto mo siyang lapitan" sabat ni Stephanie.

"Lastly," dagdag ni Mary, "naiinis ka nung nakita mong nilapitan ni Steph si Max — parang gusto mo sakalin kapatid mo, beh!"

"WHAT?!! Pati ba naman ako pinagseselosan mo?!" sigaw ni Stephanie, at binatukan ko siya. "Gaga! Wag OA!" sambit ni Samantha habang nakatingin silang lahat sa akin.

"First of all, masama bang tumingin sa kaniya? Pogi naman siya at maganda—este, maganda yung aura Pangalawa, masama bang mag-alala sa kaniya? Paano siya magtatrabaho kung may sugat siya? At isa pa, may test sila noon, diba? At lastly, hindi ako nagseselos noon! Hmmp..." mahabang litanya ko sa kanila.

"Ahhh..." sabay-sabay nilang sambit habang tumango-tango. "Oo nga, ano ba?!" inis kong sabi. "Sige na, 'te. Tama na" natatawang sambit ni Mary. "Nga pala, sabi ni Cooler bukas daw papasok na si Max. Tapos na daw kasi 'yung inaasikaso niya" dugtong nito — at bahagya akong napangiti.

Hindi ko namalayan na nandito pa pala 'yung tatlo. "Hoy, Ate Aime, abot-tenga ang ngiti mo ah!" tukso ni Samantha. "Grabe, sinabi lang na papasok bukas si Max, nawala agad init ng ulo mo!"

"Umalis na nga kayo! Marami pa akong gagawin. Doon kayo sa far, far away!" sabi ko, sabay turo sa pinto. Natawa lang silang tatlo at umalis din. "Hoy, ano 'yun, Aime Jane Arceta? Hindi ikaw 'yun!" sambit ko sa sarili ko, sabay kuha ng cellphone.

"Bakit kasi ang pogi mo, Max Lim... ang bango pa! Hayst!" sabi ko habang tinitingnan ko 'yung stolen picture ko sa kaniya. Nung time ng test nila habang nakikipag-sparing si Cooler kay Nate.

Umiling na lang ako at inayos ang utak ko. "Tantanan mo muna, isip ko. Max Lim, may trabaho pa ako" sambit ko sa sarili ko.



Agent Lim(Max) POV:

Pabalik na ako galing sa isang instant mission sa America — binigay kasi sa akin ni Tito. Ako daw kasi ang gusto niyang isama ni Agent Lia.



-FLASHBACK-

HQ Meeting Room — Three Weeks Ago

"What's going on, tito? Why did you ask me to come here?!" inis na sambit ko. "Ohh? Ano nangyari sa'yo? Konti na lang, mag-iisang linya na kilay mo" sambit ni President Hidalgo at tumingin sa tatlo kong kasama.

"Paano ba naman, Tito, don sa test namin kanina bago kami maging official bodyguards ng apat, may binugbog itong si Mikee. Ayun, nasa ospital tuloy ngayon at bali yung isang braso at binti" sambit ni Colex na habang inaalalayan pa rin ni Josh.

"Mabuti lang sa kaniya 'yon! Sabi niya one on one tapos pinagtulungan ka kanina, Ate Colex" sambit ni Josh. "Oo nga, Ate! At least tanggal yabang niya ngayon, 'di ba?" sambit ni Gerald.

"Hay nako, kayo talagang mga bata kayo, oh. Ano pangalan ng ospital? Baka magsampa ng kaso 'yon, madali pa misyon niyo" sambit ni President Hidalgo at may tinatawagan sa cellphone nito.

"Arcetian Hospital po, Tito, sa ospital po na pagmamay-ari ni Dra. Stephanie" sambit ni Colex. "Paasikaso nga 'yung dinala sa Arcetian Hospital, 'yung problema ni Agent Lim. Sige, salamat!" sambit ni President Hidalgo at binaba ang telepono nito at humarap kay Mikee.

"Ikaw naman, kamusta ka, Colex? Parang napuruhan ka ah?" tanong ni President Hidalgo. "Medyo po, tito" sagot ni Colex nang makaupo ito. "Kinakalawang na kasi, tito" sabi ni Gian. "Tarantado ka! Halika rito—A-aray!" sabi ni Colex, at napailing na lang si President Hidalgo.

"Agent Lim, may isang mission na need mong gawin sa susunod na tatlong linggo. Bale hindi ka muna makakasama sa kanila sa bodyguard duty mo" sambit ni President Hidalgo. "Sir? Why me? There are plenty of others. Just pick someone else, sir." sambit ko.

"Kasi gusto ko" sambit ng isang babae na kakapasok lang sa meeting room, at napalingon kaming apat. "Good evening, President Hidalgo" yukong sambit nito. "What are you doing here, Deej?" sambit ko, at tumingin naman sa akin 'yung tatlong kasama ko, gulat na gulat.

"Wala, masama ba na ma-miss kita, baby?" sambit nito habang papalapit sa akin. "Baby?!" sambit ng tatlo kong kaibigan. "Kayo siguro 'yung nakakasama ni Agent Lim?" sambit ni Deej habang nilagay ang kamay nito sa taas ng balikat ko, at tumango lang ang tatlo.

"Parang mga gago. What, first time you've seen a woman?!" sambit ko sa isip ko. "What are you doing here?!" irita kong sabi dito. "They said you're the best agent here in the Philippines. Rinig ko ANS sa America, kaya need kita na samahan mo 'ko" sabi nito habang umupo sa lap ko at hinawi 'yung buhok sa mukha ko.

"Tsk! There are plenty of others out there. Why me, Deej?" malamig kong sambit dito, at inirapan lang ako. "Sa ayaw mo at sa gusto, ikaw ang sasama sa akin! Kung hindi, susumbong kita kay Tita!" sambit ni Deej sa akin.

"B-but—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang nagsalita si President Hidalgo. "Sumama ka na, Agent Lim. Three weeks ka lang naman sa America. That's an order!" sambit nito. "Y-yes, sir." tugon ko.

"Well, I'll see you tomorrow then. 6 a.m. flight natin" sambit nito, sabay halik sa pisngi ko, na ikinagulat ng tatlo sa ginawa ni Deej. "Babye, babies" sambit ni Deej sa tatlo kong kaibigan. "B-babye" utal na sambit ng tatlo sabay tingin sa akin.

"Hoy! Mikee, may girlfriend ka pala dito sa ANS, gago ka?!" sambit ni Colex. "Oo nga, tindi ka! Ang sexy at ang ganda pa!" sambit ni Josh. "Tinik mo talaga, Mikee Lim!" sambit ni Gerald.

"What the fuck... These damn idiots." bulong na sambit ko. "Gago ka rin!" sambit ng tatlo at inirapan ko ang mga ito. "Well, meeting dismissed! Agent Lim, asikaso ka na para bukas. Understood?" sambit ni President Hidalgo. "Yes, sir!"

Double Life (Under Revision)Where stories live. Discover now