Chapter 2
Just In Time
Aime's POV:
Nasa office ako ngayon, nakaupo sa swivel chair habang isa-isang tinitingnan ang mga application forms para sa mga magiging bodyguards namin—para sa akin at sa mga kaibigan ko.
It's been almost a month since bumalik si Mary mula America, and barely a week later, nagsimula na kaming makatanggap ng mga death threats.
•
•
•
•
-FLASHBACK-
Galing kami sa mall nina Mary, Samantha, at Stephanie—bonding time namin 'to, at the same time, catch-up na rin para sa mga panahong nawala mula nang umalis si Mary papuntang America.
Pag-uwi namin sa mansyon ni Stephanie, kanya-kanya na kaming akyat sa mga kwarto namin. Pagpasok ko sa kwarto ko, napansin ko agad ang isang sulat na nakapatong sa ibabaw ng lamesa.
Bubuksan ko na sana 'yon nang bigla kong marinig na sumigaw si Stephanie. Agad akong tumakbo papunta sa kwarto niya.
"Steph, ano'ng nangyari?!" tanong ko agad, sabay yakap sa kaniya nang makita kong nanginginig siya at takot na takot.
"A-Ate Ai-Aime... m-may s-sulat p-po... na... na-nang dugo p-po sa di-ding—" halos hindi niya matapos ang sasabihin, kaya pinutol ko na at pinatahan siya.
"Shh... Tahan na, okay? Nandito si Ate. Hindi kita iiwan, okay?" sabi ko, marahang hinahaplos ang buhok niya para kumalma.
Paglingon ko sa dingding malapit sa bintana, nanindig ang balahibo ko sa nakasulat: 'Isusunod ko na kayo sa mga magulang niyo!'
Tinawag ko agad ang isa sa mga katulong para linisin ang nakasulat at pina-alert ko rin ang head of security ng mansyon para icheck ang lahat ng CCTV.
Dinala ko muna si Stephanie sa kwarto ko. Doon na muna siya matutulog, sa tabi ko.Ako naman, gising pa rin—hinihintay ang update tungkol sa CCTV ng buong mansyon.
Sinilip ko muna ang phone ko. May messages mula kina Samantha at Mary... parehong death threats din ang natanggap nila, may sulat sa dingding ng kwarto nila—'Isusunod ko na kayo sa mga magulang niyo!'—at katulad din nito ang sulat na nakita ko kanina sa lamesa ko.
Hanggang sa dumating ang head of security.
"Ma'am Aime, naka-shut down po lahat ng CCTV dito sa mansyon" sabi niya, bakas sa mukha ang kaba.
-END OF FLASHBACK-
•
•
•
•
Ilang minuto pa ay dumating na sila Samantha, Mary, at Stephanie sa office ko. Pinapunta ko sila para makatulong sa paghahanap ng personal bodyguard namin.
"Buti naman dumating na kayo, tatagal eii!" inis na sambit ko at binigay ko sa kanila yung ibang resume ng mga applicants para makapili sila at makapagbigay na kami ng oras sa interview.
A few minutes passed at meron kaming walong candidates. Pipili lang kami ng isa para sa interview na gagawin namin. Akmang pipili na sana kami nang kumatok ang sekritarya ko.
"Ma'am, may nagpapabigay po sa inyo at kay Attorney Mary po" sabi ng sekritarya. "Mukhang kilala na namin kung kanino galing 'yang mga bulaklak. Simula nung nakita nila kayo sa mall hindi na nila kayo tinigilan eii" sambit ni Samantha.
Napa-tango naman si Stephanie. "Mukha nga" sabay naming sambit ni Mary. Itinabi na muna namin yung bulaklak at nag-focus ulit sa kukunin naming mga bodyguard.
YOU ARE READING
Double Life (Under Revision)
ActionIsang tao na may dalawang pagkatao at may madilim na nakaraan. Sasabak sa isang mission na magbibigay sagot sa tanong ng buhay, ngunit isang araw dahil sa isang babae magbabago ang lahat at maaaring magbibigay liwanag sa madilim niyang buhay? This s...
