Chapter 12 - Simple Troublesome Date?? ft. Colry

1.6K 56 0
                                        

Chapter 12
Simple Troublesome Date?? ft. Colry

Mary's POV: Mary's Attorney Office

Nandito ako ngayon sa office ko. May inaasikaso akong kaso, pero mga maliliit na kaso lang naman ito. Kami lang ngayon ni Cooler ang nandito sa office ko, at minsan napapatitig ako sa kaniya—ang pogi niya ba naman kasi, mga behh. "Hayst, gawin mo na akong Mrs. Vergara" sambit ko.

"Ano 'yun, Mary?" tanong niya. "Shit, nalakasan ko 'yun?!" sambit ko sa sarili ko. "May problema ba?" tanong nito habang naglalaro sa cellphone niya. "Wala" sambit ko at ibinalik ang tuon ko sa mga kasong inaasikaso ko. Lumipas ang ilang oras at natapos na rin ako.

Tiningnan ko ang relo ko—mag-aalas dose pa lang. "Cooler, saan mo gusto pumunta?" tanong ko habang inililigpit ang mga papeles sa mesa ko. "Po?" takang tanong nito. "Ang sabi ko, saan tayo? Wala na kasi akong gagawin" natatawa kong sambit. "Kahit saan po" sabi nito.

"Hmm... baka kapag ako ang nag-decide ng pupuntahan natin, baka sa mga normal na pinupuntahan ko lang kita dalhin—like mga 5-star resto, 5-star resorts, mga gano'n. Sawa na rin ako sa mga gano'n" sambit ko. Tiningnan lang niya ako, magkasalubong ang kilay.

"Anger naman siya" sambit ko sa sarili ko. "Inaalok mo ba akong makipag-date?" tanong nito nang nakangisi. "Kung 'oo,' papayag ka ba?" tanong ko habang lumalapit. "A-ahmm..." kabadong sambit nito habang humahakbang paatras hanggang sa napatigil dahil sa pader sa likod niya.

Lumapit ako hanggang kaunti na lang ang pagitan ng mga labi namin. Rinig ang bawat paghinga namin. "Ano naman sa'yo, Ms. Vergara? Hmm..." mapang-akit na sambit ko habang pabalik-balik ang tingin sa labi at mata niya—hanggang sa nanlaki ang mata ko sa ginawa niya.

Isinara niya ang pagitan ng mga labi namin, at ang kamay niya sa bewang ko. Naging mapusok ang halik niya sa akin, at hindi agad ako nakapag-responde. Hanggang sa kinagat niya ang ibabang labi ko at napalabas ako ng pigil na ungol. "Ughh..."

Nagpalitan na kami ng halik hanggang sa humiwalay kami upang huminga. "Gusto mo ba umalis o ituloy natin 'to?" hingal na sambit nito. Lumayo naman ako sa kaniya. "Masyado kang mabilis, Ms. Vergara" kabado pero natatawa kong sambit habang inaayos ang suot ko. Ngumisi lang siya.

"Wala pa nga tayong first date, tapos kumakain ka na?" sambit ko at umupo sa mesa ko. Lumapit naman siya at ikinulong ako sa pagitan ng mga kamay niya, magkalapit ang mga mukha namin. "May alam ako kung saan, Ms. Ricalde" sambit nito at akmang hahalikan ulit ako, pero iniharang ko ang daliri ko sa labi niya.

"Easy ka lang, Ms. Vergara—date muna" ngisi kong sambit habang inilalagay ang kamay ko sa dibdib niya. "Tsk" ngisi niya, saka hinalikan ulit ako at humiwalay. "Tara na?" sambit niya habang hinahawakan ang kamay ko. Tumango lang ako at pumunta na kami sa parking lot.

Binuksan ni Cooler ang pinto ng sasakyan para sa akin, saka siya pumasok sa driver's seat. "So, saan tayo pupunta, Ms. Vergara?" sambit ko habang nagpapacute. "Basta, upo ka na lang diyan" sambit nito sabay kindat. "Presko!" sambit ko habang iniikutan siya ng mata.

"Sa'yo" malambing na sambit nito. "Mag-drive ka na nga!" sambit ko. Tumawa lang siya at nagmaneho na.


Aroma Beach, Naic, Cavite

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa biyahe. Nagising ako nang may tumatapik sa balikat ko. "Mary, gising na. Nandito na tayo" malambing na sambit nito. "Hmm... saan na tayo?" sambit ko, inaantok pa at humihikab. "Nasa Cavite tayo" sagot nito.

Lumabas na kami sa sasakyan. Pumunta si Cooler sa likod para may kunin sa compartment. "Ano 'yan?" tanong ko sa kaniya. "Compartment" sagot niya. Hinampas ko ang balikat nito. "Siraulo ka talaga!" sambit ko sabay irap.

"Joke lang. Mga gamit na gagamitin natin 'yan. Magpi-picnic tayo dito sa dagat" ngiting sambit nito. Kinuha niya ang picnic basket at mga kumot, saka isinara ang compartment ng sasakyan. Hinawakan niya ang kamay ko.

"Shala. Hindi ako na-inform na puwede pala mag-holding hands ang walang label" sambit ko, sabay taas sa magkahawak naming kamay. "At hindi rin ako na-inform na humahalik pabalik ang walang label" sambit nito, saka ako hinalikan saglit sa labi habang naglalakad.

"Hoy! Nakakailang halik ka na ha?!" sambit ko, ngunit tumawa lang siya. Hinampas ko ulit siya. Nagpunta na kami sa dagat para maghanap ng magandang puwesto. May nakita kaming isang maluwag na lugar, doon namin napiling maglatag.

"Oks na tayo dito" ngiting sambit ni Cooler at sinimulan nang maglatag. "Tulungan na kita" sabi ko at akmang kukunin ang basket, pero binuhat niya ako. "Hoy! Cooler, baba mo 'ko!" sigaw ko. Ibinaling niya ako sa gilid. "Hindi mo 'ko tutulungan, okay? Dito ka lang" sambit nito.

"Per—" pinutol niya ang sasabihin ko nang halikan niya ako, saka humiwalay. "Kulit mo. Dito ka lang. Isa mo pang pagpupumilit, baka dito ko ituloy 'yung naudlot natin nung nakaraang araw sa office mo" ngiting sambit nito.

"Hoy! Wala namang nangyari nung araw na 'yon e. Natulak lang 'yung pinto ni Aime. Isa pa, may mga tao—mahiya ka!" sambit ko sabay hampas sa balikat niya. Tumawa lang siya at inayos ang latag. "Gusto mo naman" asar nitong sambit. Inirapan ko lang siya. Pagkatapos ng ilang minuto, nakalatag na ang lahat.

"Pinaghandaan mo talaga ha?" ngiting sambit ko habang umuupo. "Syempre! Sabi mo kasi date" sambit nito. "Date ba 'to?" biro ko. "Hoy, sabi mo!" reklamo nito. "Wala akong maalala" sambit ko habang pinipigilan ang ngiti. Bumusangot siya.

"Cute mo talaga, Ms. Vergara" sambit ko habang pinipisil ang pisngi niya. "Aray, masakit" sambit nito na nakasalubong ang kilay, at natawa naman ako. "Saan mo pala kinuha 'to?" tanong ko, tukoy ang picnic basket at mga laman nito.

"Habang tulog ka kanina, dumaan muna tayo sa bahay naming apat nila Max. Kumuha ako ng picnic basket at mga kumot, tapos dumaan din ako sa grocery at 7/11 para bumili ng pagkain" paliwanag niya. "Talaga? Effort talaga ginawa mo ha? Nakakahiya tuloy ako—ako ang nag-aya pero ikaw ang nag-effort" sambit ko habang naka-nguso.

"Mahiya ka talaga! Hmp" sambit nito. "Mahiya ka dahil nag-effort ako tapos hindi pala date 'to! Hmpp" tampo niyang dagdag. Natawa lang ako sa inarte niya. Aakmang hahalikan ko sana ang pisngi niya nang humarap siya, kaya nagdikit ang labi namin. Agad akong lumayo.

"Ikaw ha! Hindi ka pa nga nanliligaw, ganiyan ka na" sambit ko sabay hampas sa balikat niya. "Ang dami pang reklamo!" sambit nito, saka hinawakan ang batok ko at hinalikan ako. Nagpalitan kami ng halik. Inangkla ko ang mga kamay ko sa balikat niya.

Inihiga niya ako habang hindi pa rin kami bumibitaw sa halik nang may magsalita. "Ate, ate, pahingi po ng pagkain" sabi ng isang bata. Agad kaming tumigil ni Cooler. Tumayo ako. "A-ano 'yun, beh?" sambit ko. Hindi maipinta ang mukha ni Cooler kaya natawa na lang ako.

"Sabi ko po, puwede po ba makihingi ng pagkain? Nagugutom na po kasi ako" sambit ng bata. "Oo naman. Ito oh, sa 'yo na 'to" sambit ko at inabot sa kaniya ang isang sandwich mula sa 7/11. Tinanggap niya ito at umalis na. Humarap ako kay Cooler. "Oh, anong itsura 'yan?" natatawa kong sambit.

"Wala!" sagot niya. "Mangligaw ka daw muna kasi. Nanghahalik ka ng walang label" natatawa kong sabi. "Gusto mo naman" sambit nito. "Che! Kumain ka na nga" sabi ko sabay bukas ng pagkain at isinubo sa kaniya. Gumanti rin siya at isinubo naman sa akin ang pagkain.

Lumipas ang ilang oras na puro kwentuhan at tawanan. "Cooler, salamat dito ha" sambit ko. "Bakit naman?" ngiting tanong nito. "Kasi simula nang umalis sina Mom at Dad, hindi ko na ulit 'to nagawa. Palagi kasing kasama lang nila ako kapag ginagawa 'to" sambit ko habang nakatingin sa palubog na araw sa dagat.

Ramdam ko ang kamay niyang humawak sa kamay ko. Tiningnan ko siya at nakita ko ang lungkot sa mukha niya. Huminga siya nang malalim bago ngumiti. "Alam mo, ako nga dapat ang magpasalamat sa 'yo. Kasi ngayon na lang ulit ako nakabalik sa lupang sinilangan ko" sambit niya.

"Dito kasi kami palaging nagbo-bonding ng Mommy at Daddy ko" dagdag niya. "Okay lang ba kung tanungin ko kung nasaan sila ngayon?" tanong ko. Lumingon siya sa dagat."Okay lang kahit hindi mo sagutin" dagdag ko agad. "Pinatay sila" maikling sambit niya.

Hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya. "Nandito lang ako palagi, Cooler" sambit ko. Ngumiti lang siya. Isinandig ko ang ulo ko sa balikat niya at nanatili kami roon nang ilang minuto bago namin napagdesisyunang umalis. Niligpit namin ang mga gamit at naglakad pabalik sa sasakyan.

Ngunit bago kami makarating, hinarang kami ng tatlong lalaking halatang lasing."Miss beautiful, puwede ba naming imbitahin ka sa cottage namin? Saglit lang" sambit ng isa. Agad humarang si Cooler. "Pare, padaan. Aalis na kami. Puwede ba?" mahinahong sambit niya.

"Hindi ikaw ang kinakausap ko ha!" inis na sambit ng lalaki. Biglang hinawakan ng dalawa niyang kasama si Cooler. "Hoy! Bitawan n'yo ak—FUCK!" *cough* Sinikmura siya ng dalawa. "Bitawan n'yo siya!" sigaw ko. "Pakakawalan namin siya basta sasama ka sa amin" ngising sambit ng lalaki habang sinusuri ang katawan ko.

"WAG, MARY! HAYOP KAYO! PAG AKO NAKAWALA DITO, ILILIBING KO KAYO SA BUHANGIN!" sigaw ni Cooler. Tumawa lang ang tatlo. "Hayop kayo! Bitawan n'yo siya!" sigaw ko ulit. Akmang sasampalin ko ang lalaki, pero sinalo niya ang kamay ko at sinampal ako. "MARY!" sigaw ni Cooler habang nagpupumiglas. Nanghihina ako dahil sa sampal na natanggap ko.



Third Person POV:

Nanghihina na si Mary dahil sa sampal ng lalaki. Binuhat siya nito at akmang dadalhin sa isang liblib na lugar upang pagsamantalahan, ngunit napatigil ito nang magsalita ang isa sa mga kasama niya. "Pre, paano 'to?" tanong ng isa, tinutukoy si Colex na duguan na ang bunganga at halatang nanghihina.

"Bahala kayo kung ano'ng gusto n'yong gawin. Babae naman din 'yan" ngising sambit ng lalaki bago niya tuluyang dinala si Mary sa liblib na lugar. Tumawa ang dalawa nitong kasama at nag-apir pa. Nang maramdaman ni Colex na lumuwag ang hawak nila sa kaniya, agad niyang pinatid ang binti ng lalaking nasa kaliwa at sinapak sa mukha ang nasa kanan.

Tumakbo siya agad upang sundan si Mary, ngunit hinarang siya ng dalawang lalaki. "Kababae mong tao pero ang lakas mo manuntok" sambit ng isa. "Ganiyan ka rin ba kalakas umungol?" natatawang sambit ng isa pa. "GAGO! PARE-PAREHAS LANG TAYO NG KARGADA!" sigaw ni Colex.

Binaluktot niya ang kamay ng isa at sinipa ang mukha ng isa pa. Hinawakan niya sa ulo ang lalaking nabaluktot ang kamay at inuntog ito sa pader hanggang dumugo bago niya binitawan. Akmang hahampasin siya ng isa sa likod gamit ang kahoy, ngunit nabali lang ito sa lakas ng suntok ni Colex.

Sinuntok niya ang lalaki nang paulit-ulit hanggang hindi na ito makagalaw. Pagkatapos, tumakbo na siya papunta kay Mary. Habang bitbit ng lalaki si Mary, pilit siyang nagpupumiglas kahit nanghihina na. "Bitawan mo 'ko!" sigaw ni Mary. "'Wag ka nang manglaban, masasaktan ka lang" sambit ng lalaki.

Ibinaba siya nito at isinandal sa puno. Akmang hihilahin ng lalaki ang mukha niya para halikan, ngunit umiwas si Mary. "Shit! 'Wag ka nang lumaban, masasaktan ka lang!" inis na sambit ng lalaki habang hawak ang mukha ni Mary gamit ang isang kamay at pinipigilan ang mga kamay nito sa itaas ng ulo.

Hinalikan ng lalaki ang leeg ni Mary. Sinubukan pa rin nitong pumiglas, ngunit sinikmura siya ng lalaki. "Ughh!" *cough* *cough* daing ni Mary. Inihiga siya ng lalaki at akmang tatanggalin ang shorts nito nang may tumapik sa balikat niya.

"Oh, bakit tapos na agad kayo doon sa isa? Ang bilis ni—" naputol ang sasabihin niya nang humarap siya at nakita kung sino ang nasa likod niya. Nakayuko si Colex, malamig ngunit madiin ang boses. "Oo. I'm fucking done—and I'm done fucking with you assholes."

Tumingin siya diretso sa lalaki. "KING INA KA!" malamig niyang sambit bago sinapak ang lalaki. Akmang tatayo ang lalaki, ngunit sinipa ito ni Colex sa mukha. "Pwe!" sambit niya sabay tadyak sa sikmura at mukha ng lalaki. Tumigil si Colex at pumulot ng bato.

Aakma na sana niyang ihampas sa ulo ng lalaki nang may biglang yumakap sa kaniya. "Tama na, Cooler" naiiyak na sambit ni Mary. "Please... tama na" dagdag niya. Dahan-dahang ibinaba ni Colex ang kamay niya, pati ang hawak na bato. "Okay ka lang?" tanong niya sabay yakap pabalik kay Mary. Tumango lang si Mary.

"Tara na, uwi na tayo" sambit ni Colex. Habang naglalakad sila, may dumating na mga guwardiyang nagbabantay sa dagat. "Ma'am, ayos lang po ba kayo? May nagsabi po kasi sa amin na napagtripan daw po kayo ng mga lasing" tanong ng isa sa mga security.

"Ayos lang po, boss. Puntahan n'yo na lang po 'yung isa doon—baka hindi na umabot sa ospital 'yung tarantado na 'yon" inis na sambit ni Colex habang akbay si Mary. Agad namang pumunta ang mga security sa kinaroroonan ng lalaki, habang si Colex at Mary ay bumalik na sa sasakyan.






Revised

Double Life (Under Revision)Where stories live. Discover now