Chapter 11 - EK Date? ft. Samtin

2.1K 61 3
                                        

Chapter 11
EK Date? ft. Samtin

Josh's(Justin) POV: Samantha's Office

Dumating ako sa office ni Ms. Samantha at nandito lang ako sa labas ng opisina niya habang hinihintay ang update ni Tito tungkol kina Mama at Papa. Nagpatulong ako kay Tito para malaman kung buhay pa sila o hindi. Napabalik ako sa ulirat nang may tumapik sa balikat ko.

"Hoy! Ayos ka lang?" sambit ni Samantha, at tumango lang ako. "Parang wala ka ata sa wisyo ngayon? Kadalasan kasi masigla ka... Hindi ako sana'y na hindi moko dinadaldal" dagdag nito habang naglalakad kami papunta sa meeting room ng office building niya.

"May iniisip lang ako" pilit kong ngiting sambit habang siya ay tumango lang. "Ahh sige, wait mo lang ako dito. After ng meeting, samahan mo 'ko" sambit nito bago pumasok sa loob ng meeting room. Halos mag-aalas-dose na nang matapos ang meeting nila Samantha at naglabasan na ang mga ka-meeting niya sa loob ng room.

Ilang minuto pa, lumabas siya kasama ang isang lalaking pinakaayaw kong makitang kasama niya. "Xavier, salamat sa pagpili ng resto ko bilang shooting place sa music video na ididirek mo ha?" masayang sambit ni Samantha. "Naku, wala 'yon. Basta ikaw" sambit nito at hinalikan ang kamay ni Samantha.

"Mama mo!" ubong sambit ko, kaya napatingin sila sa akin. "May sinasabi ka, Justin?" tanong ni Samantha. "Wala po, nasamid lang po" sarkastikong sambit ko. "Nga pala, Sam, baka free ka today. I would like to have lunch with you sana?" sambit ni Xavier.

"Presko nitong hayup na 'to?!" bulong ko. "Ah... pasensya na, Xavier. May ka-date ako ngayon!" sambit ni Samantha, na ikinagulat ko. "DATE!!" malakas kong sambit. Napatingin sila sa akin. "Shit! Nakakahiya, masyado kang halata, Justin!" sambit ko sa isip ko habang hinahawakan ang earpiece ko.

"May date ka na, Ate Colex? Shala, nagbibinatang dalaga ka na, grabe" palusot kong sambit sabay talikod sa kanila. "Gago! Sino 'yung ka-date niya?! Naiinis ako, bwiset!" sabi ko sa sarili ko. Narinig ko si Xavier na nagsabi, "Well, maybe next time?"

"Maybe" sagot ni Samantha, sabay lakad nila palabas ng building. "Bye, Xavier. Ingat ka" sambit ni Samantha. Kumaway lang ang tanga. "Kahit huwag na" bulong ko. "May sinasabi ka?" harap na tanong ni Samantha. "Wala po! Tsk!" sambit ko na may konting inis sa boses.

"Alam mo, ang sungit mo ngayong araw. Meron ka ba ngayon?" sambit nito, pero hindi ko pinansin. "Alam mo, para mawala ang pagiging masungit mo, halika, may pupuntahan tayo" sambit nito sabay hawak sa kamay ko papunta sa sasakyan niya. "Saan ba tayo pupunta?" tanong ko.
"Basta, mag-drive ka na lang diyan, ituturo ko na lang sa 'yo" sambit nito. At tama kayo ng nabasa—marunong na akong mag-drive. Tinuruan kasi ako nito, ni crush. Nag-drive ako ayon sa turo niya at nakarating kami sa EK. "Ano'ng gagawin natin dito?" tanong ko.

"Magsi-sine. Ano ba sa tingin mo?!" taray niyang sambit. Inirapan ko siya. "Arte naman nito, nagtatanong lang" sabi ko sa sarili ko. "Tara na!" sambit nito sabay hila sa akin. "Hoy! Dahan-dahan lang, Samantha. Baka madapa ka!" sambit ko.

Hinatak niya ako sa isang stall kung saan babatuhin mo lang ang plato at may chance kang makakuha ng stuffed toys. "Ate, isang game nga" sambit niya. Binigyan siya ng pambato at naglaro na siya. "Hoy! Justin, maglaro ka na. Para kang hotdog na nilagay sa ref" sabi niya.

"Ayaw ko, ikaw na lang" sabi ko. Inirapan niya lang ako. "KJ mo!" sambit niya, kaya pinanood ko na lang siya. Habang pinapanood ko siya, hindi ko maiwasang mapansin ang ganda ng mukha niya—bawat saya, kitang-kita sa kaniya. "Ay, sayang" dismayadong sambit niya.

"Wala ka man lang natamaan. Hayst" sambit ko. "Tsk, tapos kana?! Baka nga mas marami pakong matamaan sayo" taray niyang sambit. "'Wag mo 'kong hinahamon, Ms. Sevilleja" ngising sambit ko. "Hinahamon nga kita, Ms. Robles" ngising sambit niya habang lumalapit.

"Kapag mas marami kang natamaan kaysa sa 'kin, gagawin ko gusto mo" sambit niya. "Pero kapag mas marami akong natamaan, gagawin mo gusto ko" dagdag niya. "Deal!" sambit ko. "Ate, isang game pa po, for two players" sambit niya. "Ready?" sambit ko. Tumango lang siya.

"Siguraduhin mo—Hoy! Anduga mo!" sambit ko nang mauna siyang bumato, kaya bumato na rin ako. "Daldal mo kasi!" natatawa niyang sambit habang tuloy-tuloy ang pagbato. "Paano 'yan? Mas marami akong natamaan kaysa sa 'yo" hingal niyang sambit.

"Hoy! Mas marami kaya sa 'kin" hingal kong sagot. "Seriously, Justin. Even now, you still can't hit it properly. It's already that close." walang emosyong sambit ng isang pamilyar na boses. "Wow, thanks for the complement hotshot!" sambit ko. Inirapan niya lang ako.

"Ano'ng ginagawa n'yo dito?" taray na tanong ni Ms. Aime kay Samantha. "Nagde-date kayo, 'no?!" dagdag niya. "Pake mo ba?!" taray na balik ni Samantha. "Hoy! Ano'ng ginagawa n'yo dito, Ma'am Aime?" sambit ko habang lumalapit kay Mikee.

"Beats me. Ask her. She's the one who dragged me here." iritang sambit niya. Natawa ako. "Okay lang 'yan. At least mapapadali ang plano natin, 'di ba?" bulong ko. Inirapan niya lang ako. "Max! Justin!" sigaw ng isang babae. Napalingon kaming lahat.

"Deej, what are you doing here?" tanong ni Mikee habang yumakap si Deej sa kaniya. "Oo nga, ano'ng ginagawa mo dito? Baka panira ka sa plano namin" bulong ko habang bineso niya ako at muling kumapit sa braso ni Mikee.

"Wala naman. Naisip ko lang mag-EK mag-isa. Buti na lang nakita ko si baby Max ko dito. At least may kasama na 'ko" sambit niya habang hawak ang braso ni Mikee. "BABY?!" sabay sigaw nina Aime at Samantha. "Deej. Cut it out. Stop clinging to me." iritadong sambit ni Mikee, pero patuloy pa rin si Deej sa pagkakapit.

Napansin kong naiirita si Ms. Aime habang nakatingin sa kanila. "Ahem" pakunwaring ubo ko sabay turo kay Ms. Aime. "Makaalis na nga!" iritadong sambit ni Ms. Aime at umalis. "For pete's sake... Aime, wait!" sambit ni Max at sinundan siya.

"Baby Max, hintayin mo 'ko" sigaw ni Deej sabay sunod. "Hoy! Ikaw nga, umamin ka sa 'kin. Ano'ng score nina Deej at Max?!" taray na sambit ni Samantha. "Anong score? Nagba-basketball ba sila?" sambit ko. "Gaga! Ang ibig kong sabihin, ano'ng meron sa kanila? Mag-jowa ba sila o MU?! Grabe makadikit! Nagseselos tuloy manok ko" sambit niya. Natawa lang ako.

"Wala dapat pagselosan si Ms. Aime—pinsan lang ni Max si Deej" sambit ko. "Ayy, weh?!" gulat niyang sambit. Tumango lang ako. Oo, alam na namin 'to simula nang bumalik sila galing America. "Hayst! Masisira tuloy diskarte ng manok ko sa plano namin" bulong niya.

"Anong plano?" tanong ko. Nagulat siya. "Ahmm... wala, wala" kabadong sambit niya sabay tawa. Akmang lalakad siya palayo nang hinila ko ang kamay niya at inilapit ang bewang niya sa 'kin. "May tinatago ba kayo ng mga kaibigan mo sa amin?" taas-kilay kong sambit.

Ramdam kong bumilis ang paghinga niya. "W-wala" ilang niyang sagot. Nilapit ko ang mukha ko sa kaniya, halos wala nang pagitan ang mga labi namin. "Sasabihin mo o hahalikan kita?" seryoso kong sambit. "Tandaan mo, may ninakaw ka pang halik sa 'kin nung nasa ospital tayo. Baka dito ko na bawiin" ngising sambit ko.

Pero nagulat ako nang siya ang humalik sa 'kin—halos kalahating minuto iyon bago siya bumitaw. "Dahil gusto namin kayo" bulong niya. "Ano 'yon?" tanong ko. "Bingi! Sabi ko gusto kita!" sigaw niya sabay takbo. "Gago! Tama ba 'yon o nabingi lang ako?" sambit ko sa sarili ko at hinabol siya.

"Sam, saan ka pupunta?" sambit ko sabay hawak sa kamay niya. "Pagkatapos mo umamin, tatakbuhan mo 'ko" natatawa kong sambit sabay halik sa ilong niya. Nagulat siya at ibinaon ang mukha niya sa dibdib ko. "Nakakainis ka!" mahiyain niyang sambit.

"Bakit? Bawal ba akong magnakaw ng halik? Tapos kapag ikaw, pwede?" sambit ko. Hinampas niya lang ako. "Tara na nga!" sambit niya sabay hila sa 'kin. Natawa na lang ako.

Double Life (Under Revision)Stories to obsess over. Discover now