CHAPTER 9

1 0 0
                                    


Buwan na ang lumipas mula nang mawala si Anna, pero ang sakit ay parang sariwa pa rin. Kahit anong gawin ko, hindi ko magawang makalimutan ang mga huling sandali niya. Her face, her voice—every part of her story is etched in my heart. “You left too soon,” bulong ko sa aking sarili, hawak ang litrato namin sa ospital.

Sa mga gabing tahimik, iniisip ko kung bakit kailangan mawala ang mga taong tulad ni Anna. "Bakit kailangang iwan tayo ng mga taong may mabubuting puso?" It’s a question I ask myself over and over, yet no answer ever seems to come.

One evening, habang nakaupo ako sa ilalim ng mga bituin, nahanap ko ang sarili kong nakatitig sa langit. Ipinikit ko ang aking mga mata at binalikan ang mga alaala ng mga araw na kasama ko si Anna. “I was supposed to be stronger for you… but I failed.” I said to the wind, hoping that somehow, somewhere, she could hear me.

Naramdaman ko ang malamig na hangin na dumampi sa aking mukha. Hinaplos ko ang mga luha ko, at sa mga sandaling iyon, naramdaman kong kailangan kong gawin ang isang bagay na makapagpapagaan ng bigat na dinadala ko. “This pain has to mean something.” Naalala ko ang sinabi ni Anna bago siya nawala: “Laban lang, Cyra. You can turn your pain into purpose.”

Nang sumunod na araw, nagdesisyon akong puntahan si Miguel. “Miguel, kailangan ko ng tulong mo,” sabi ko, ang boses ko’y puno ng determinasyon.

“Ano ang naiisip mo, Cyra?” tanong niya, nag-aalala pero handang makinig.

“I want to start a support group. For people like me... like Anna. Yung mga taong nawawala sa dilim pero naghahanap ng liwanag,” sagot ko, ang mga salita ko’y puno ng damdamin.

Nakita ko ang mga mata ni Miguel na nagliliwanag. “That’s a beautiful idea, Cyra. You’re turning your pain into something powerful.”

Habang iniisip ko ang mga detalye, bumalik ang mga alaala ng aking sariling laban. “I know what it’s like to feel lost... to feel like the world is too heavy to carry. Kung may isang tao lang noon na magsabi sa akin na hindi ako nag-iisa...” napabuntong-hininga ako, nanginginig ang aking mga kamay.

Sa mga araw na sumunod, nagsimula akong mag-reach out sa mga kaibigan, mga estudyante, at mga professionals sa larangan ng mental health. Naisip ko si Dr. Reyes at ang kanyang hindi matitinag na suporta sa akin. "Maybe we can help others the way you helped me, Doc," bulong ko sa sarili ko habang iniisip ang mga payo niya.

Nang sinimulan namin ni Miguel ang unang meeting ng support group, dinala ako ng mga alaala pabalik sa araw na nagsimula ang aking sariling laban. Ang mga taong nagtipon-tipon sa paligid ay iba’t ibang mukha ng sakit at pighati—lahat ay may kanya-kanyang kwento, ngunit may parehong paghahanap ng kaluwagan.

Umupo ako sa gitna ng bilog at nagsalita. “Hi... I’m Cyra,” sabi ko, nanginginig ang aking boses pero puno ng tapang. “And I’ve been where you are now. Alam ko ang pakiramdam ng pagkakulong sa dilim. Alam ko ang pakiramdam ng pagkatalo, ng pagkawala.” Pinilit kong pigilan ang luha habang patuloy akong nagsasalita.

“But I also know that we can rise above it. And even when it feels impossible, there’s always a flicker of light waiting to be found.” Nakita ko ang mga mata ng iba’t ibang tao sa bilog na tila may pag-asa.

Habang nagpatuloy ang meeting, isang babae ang tumayo at nagsimula ring magbahagi ng kwento niya. “I lost my sister last year to depression,” sabi niya, ang boses niya’y nabasag sa pighati. “I felt like I failed her, just like I’m failing myself.”

Ramdam ko ang bigat ng kanyang mga salita. Lumapit ako at hinawakan ang kanyang kamay. “You didn’t fail her. You’re here now, fighting to keep going. That’s what matters.”

Habang patuloy ang kwentuhan, naramdaman kong may pagbabago sa paligid. May mga ngiti sa mga labi ng ilang tao, may mga luha, pero lahat ay naging handang magbukas ng kanilang mga puso. At sa mga sandaling iyon, nalaman ko—ito ang hinahanap kong layunin.

Pagkatapos ng meeting, bumalik ako sa apartment ko at nakatanggap ng mensahe mula kay Dr. Reyes. “Cyra, I heard about your support group. I just want to say, I’m proud of you.”

Nang mabasa ko ang mensaheng iyon, napaupo ako at nagsimula akong humikbi. “I’m proud of you too, Anna. You’re the reason I’m still standing.”

Minsan, ang pinakamalalim na sakit ay ang magpapaalala sa atin na kaya nating magbago. Kaya nating magpatawad, kahit pa sa ating mga sarili. Kaya nating harapin ang mga sugat ng nakaraan at gawing lakas ang bawat peklat.

That night, I opened my journal again and wrote: “We may not always win our battles, but we can keep fighting. We can choose to live, not just survive.”

Habang sinusulat ko ang mga salitang iyon, naramdaman kong ang bawat pag-ikot ng aking ballpen sa papel ay nagiging simbolo ng aking lakas. “Anna, your story doesn’t end here. It continues with every person we help, with every light we ignite.”

Sa kabila ng lahat, alam ko na hindi magiging madali ang landas. Pero natutunan ko na ang bawat araw na lumalaban ako ay isang panalo na hindi ko kailanman makakalimutan.

"We all carry scars... but it's these scars that make us human. And it's in our brokenness that we find the strength to heal."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 01 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Breaking The SilenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon