Kabanata 5

96 9 0
                                    

Pag-uwi ko sa bahay ay nadatnan kong nanonood ng TV si mama at papa habang kumakain ng pakwan, isa sa mga paborito nilang prutas.

"Oh, kamusta ang first laboratory niyo?" bungad na tanong ni mama. Nakakatuwa na palagi siyang excited sa mga kwento ko.

"Hindi okay" natawa ako ng bahagya "hindi kasi namin nagawa ng tama pero binigyan naman kami ng chance na ulitin kaya maaga akong aalis bukas" sabi ko kay mama habang tinatanggal ang sapatos na suot ko.

"Ano bang nangyari?" tanong ni papa at hininaan ang TV para marinig ako ng maayos.

"Manual kasi yung paggawa namin ng mayonnaise kanina akala namin pwede kaming gumamit ng mixer, eh, hindi pala. Ayun, mali yung paghalo" sagot ko.

Pagtapos kong magkwento ng nangyari sa araw ko ngayon ay naghanda na sila ng pagkain habang ako ay nagbibihis na at naghilamos dahil pakiramdam ko napakadumi ng mukha ko dahil sa byahe.

Sabay sabay kaming kumain at tuwang tuwa ako dahil adobo ang niluto nila kaya naman naparami ang kain ko.

Pagtapos kumain ay bumalik na ako sa aking kwarto para panoorin ang gagawin namin bukas sa youtube. Hindi ako nakuntento sa isang video kaya nanood pa ako ng dalawa para siguradong hindi na kami magkakamali bukas.

Pagtapos ng ilang minutong panonood ko ay inayos ko na ang mga gamit ko at unipormeng susuotin ko bukas at nahiga na dahil hindi ako pwedeng ma-late bukas.

Nasa byahe na ako nang biglang tumunog ang cellphone ko kaya natigil ang music na pinapakinggan ko sa earphones ko.

From Jessa

Nasaan ka na?

Mabilis naman akong nagtipa ng sagot ko sa kanya.

To Jessa

Nasa byahe pa pero pababa na ako. Bakit?

Nagtataka ako kung bakit niya ako hinahanap, eh, ang aga aga pa naman.

Babalik na sana ako sa pakikinig ng music nang biglang tumunog ulit ang cellphone ko.

From Jessa

Wag kang mala-late, ah! Ikaw na lang hinihintay namin.

Natawa ako sa reply niya. Hindi na ko sumagot pa dahil ilang minuto na lang naman ay pababa na 'ko.

Pagpasok ko ay mabilisan kong kinuha ang apron na gagamitin namin sa taas. Hindi na namin kailangan mag chef's uniform dahil mahihirapan kaming mag palit para sa susunod naming klase.

Sabay sabay kaming lumabas ng aming silid at umakyat na sa penthouse.

"Ay, nasaan si Ma'am?" nagtatakang tanong ni Lina

"Baka naman paakyat na" sagot ni Analain habang isa isang hinahanda ang mga gagamitin namin sa lamesa.

Tinignan din namin ang ginagawa niya at siniguradong kumpleto ang ingredients namin nang may narinig kaming naglalakad paakyat sa penthouse.

"Good morning" masiglang bati ng lalaking madalas kong makita.

"Good morning, kuya. Nasaan po si Ma'am?" bati pabalik ni Analain. Parang kinikilig pa.

Pasimple akong umirap dahil hindi naman siya ganun ka-gwapo. Maputi, matangkad, tama lang ang katawan, maganda ang ayos ng buhok at may mahabang pilikmata. Okay lang.

Chapters of Us Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon