Kabanata 8

58 7 2
                                    

Halos hindi ako makaalis sa kinakatayuan ko pagkatapos kong marinig ang huli niyang sinabi at lalo pang nadagdagan ang hiya na naramdaman ko nang bigla niya akong tinawag.

Hindi ko namalayan na nakayuko na pala ako habang nag-iisip ng gagawin ko para makaalis sa nakakahiyang sitwasyon.

"Haven..." pagtawag ni Reiden sa akin.

Dahan dahan kong ini-angat ang ulo ko at tumingin sa kanya at nakita kong dahan dahan siyang lumapit sa akin.

Nagkunwari akong wala lang sa akin 'yon pero kinakabahan ako dahil hindi naman ako sanay na ganito kami.

"Sorry" sambit niya.

"H-huh? Bakit ikaw ang nag-so-sorry?" tanong ko sa kanya.

"Kasi... baka dahil sa akin magka-samaan pa kayo ng loob" mahinang sagot niya. "At isa pa, wag mo na isipin 'yon, hindi naman din ako naniniwala sa sinabi nila kasi alam kong imposible 'yon" dagdag pa niya.

Napatingin lang ako sa kanya at mabilis na binawi 'yon. May sasabihin pa sana ako pero nang makita ko ang mga kaibigan ko sa likod niya na nag-peace sign sa akin at sumenyas na kailangan na namin bumalik sa klase.

Tumingin din si Reiden sa likod niya dahil napansin niyang nakatingin ako doon.

"Kailangan mo na palang bumalik sa klase mo. Galingan mo at wag mo na isipin 'yon ah?" nakangiting sabi niya.

Tumango na lang ako at umalis sa harap niya.

Iyon ang unang beses na nagka-usap kami at ganun pa ang nangyari.

Pinilit kong alisin sa isipan ko ang nangyari kahit pa mahirap sa akin dahil hindi ako sanay na may ganito akong nararamdaman. Hindi naman kasi ako lumaki na may kasamaan ng loob dahil ayoko sa lahat na naiilang ako sa tao. Hangga't kaya kong pakisamahan  at hanggang kaya ko magpakumbaba ginagawa ko.

"Sorry" nag-peace sign ulit sila sa akin pagpasok namin.

"Baliw kasi kayo, alam niyo naman na nahihiya ako sa ganun ginagawa niyo pa" pagkukunwari kong pagtataray.

"Eh, totoo naman kasi-" naputol na sasabihin ni Jessa.

Nang biglang pumasok ang professor namin.

"Mamaya na" sabi ko sa kanya.

Nagsimula na ulit kami sa pag-uusap tungkol sa event na gagawin namin. Halos paulit-ulit lang naman ang pinag-uusapan namin at ang nabago lang ay ang set-up ng mapupunta sa floor at sa kitchen.

Masyado kasing maraming lalaki ang napunta sa kitchen at halos lahat pa ay ang makukulit namin na kaklase kaya napagdesisyunan ng mga officers na ilipat sila sa floor para hindi sila magpa-saway habang nagluluto.

Mabilis na natapos ang meeting at vacant na naman namin.

"Haven" tawag ni Jessa sa akin at mas lalo silang lumapit sa akin.

"Totoo naman kasi na nakita ka namin na nakangiti ka dun sa tapat ng chapel" sabi ni Jessa.

"Tapos, talagang tumigil ka pa dun para lang tignan siya" dagdag pa ni Chelsea.

Napa-irap na naman ako sa mga pinagsasabi nila.

"Isang OA at isang OA" tinuro ko sila isa-isa. "Magkaibigan nga kayo" walang buhay na sabi ko sa kanila.

"Baliw! seryoso nga!" singit naman ni Lina.

"Isa pang OA" sagot ko kay Lina.

Nagtawanan sila at parang naghihintay na may sabihin talaga ako.

Chapters of Us Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon