Halos hindi ko maubos ang pagkain ko dahil ang buong nasa isip ko lang ay ang huling mensahe ni Reiden.
Aminado ako na matagal ko nang nararamdaman na hindi lang pakikipag-kaibigan ang pinapakita ni Reiden sa akin pero pinipilit ko ang sarili ko na ganun lang talaga siya sa lahat.
Hindi pala.
Nang matapos kaming kumain ay sinubukan ko ulit buksan ang conversation namin at umaasang mababago iyon.
Pero hibang na nga siguro ako para isipin na guni-guni ko lang ang nabasa ko kanina.
"Iba pala yung pakiramdam kapag yung tinitignan mo lang noon, nag go-good morning na rin sayo"
"corny man para sayo pero para sa akin sobrang saya ko na nagkakausap na tayo ng ganito, Haven"
Iyon ang dalawang mensahe niya kanina. Wala naman siyang sinabi na gusto niya ako pero ewan ko ba kung feelingera ba ako o ano pero para sa akin ay pa-simple niya iyong pag-amin sa akin.
Ilang oras na ang lumilipas pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung anong ire-reply ko doon. Gusto kong tawanan na lang pero ayoko naman na ma-misinterpret niya at baka masaktan ko na naman siya.
"Haven!" tawag ni mama mula sa baba.
"po?" sagot ko naman habang inaayos ang nagulo kong buhok.
"Kilala mo ba 'to?" tanong ni mama at pinakita ang nasa cellphone niya.
Nagulat ako dahil si Reiden iyon.
"Hindi ko kilala yan, wag mo na pansinin, ma"nataranta kong sagot sa kanya.
"Bakit friend mo?" tanong ulit ni mama.
"A-ano.. dati kasi accept lang ako nang accept kahit 'di ko kakilala, mamaya mag babawas ako" pagdadahilan ko.
"Okay" sagot naman niya sabay ayos ng kanyang higa sa kanyang folding bed.
Bumalik na ulit ako sa kwarto ko at nagtipa ng simpleng reply kay Reiden.
"Ano ka ba! hindi ka naman bago sa akin"
Naubos ang ilang oras na pag-iisip ko para sa napaka-simpleng reply na iyon.
Matapos no'n ay inasikaso ko naman ang ibang kailangan kong dalhin para sa aming kitchen laboratory bukas.
Kina-umagahan ay maaga akong umalis ng aming bahay dahil ayoko nang mahuli sa aming klase lalo na't cookery ang first subject namin.
Naglalakad pa lang ako sa gate ng school ay ramdam na ramdam ko na ang kaba ko kahit hindi ko pa naman nakikita si Reiden.
Pagkatapos ng mga sinabi niya ay parang naiilang na 'kong humarap sa kanya at mas mahihirapan ako dahil siya na naman ang magbabantay sa amin mamaya.
"Haven" nakangiting bungad ni Jessa.
"Nahuhuli na ata kami sa balita?" tanong naman ni Chelsea na nakataas pa ang kilay.
"I-kwento mo o aasarin ka namin mamaya?" pananakot naman ni Lina.
"Wait, pa-upuin niyo muna, ako, 'no?" sarkastiko ko naman na sagot sa kanila bago ibinaba ang bag ko.

BINABASA MO ANG
Chapters of Us
Teen FictionHaven and Reiden How long does it take you to believe to true love exists? Started: October 5, 2024 Status: On-going Book cover: credits to littlePB's artwork (pinterest)