Kabanata 1

202 14 9
                                    

"Good morning class, magpalit na kayo, tapos diretso na sa pool area para mabilis tayong matapos dahil napakarami ninyo" bungad ni Mam Camille pagpasok niya sa room, siya ang P. E teacher namin, mukha siyang masungit kaya noong una namin siyang makita medyo natakot kami sakanya. Lalo na ako.

Yung itsura niya kasi parang anytime itutulak ka niya sa pool kapag a-arte-arte ka, hindi pa naman niya ginagawa pero lagi niyang sinasabi yun dahil hindi naman lahat sa klase namin marunong lumangoy, at isa na 'ko dun. Madalas niyang sabihin yun kapag nauubos na ang oras at ayaw pang lumangoy ng mga kaklase ko, hindi ka kasi niya malalagyan ng marka kapag hindi ka niya nakitang sumubok manlang.

"Bautista, next ka na" sabi ni Ma'am. "Class, again, yung kaya lang, ayoko malalaman na may iiyak na naman dahil natatakot sa akin"

Nagtawanan ang iba sa huling sinabi ni Ma'am. Dahil totoo naman na may umiyak dahil ayaw talaga ng isa
naming kaklase na lumangoy kahit pa sinabi ni Ma'am na siya mismo ang tatalon para puntahan siya kapag nakita niyang malunod 'to.

Medyo malaki kasi ang pool area dito sa school. Kung makakalangoy ka sa bandang unahan lang, meron kang 85 na score, 95 naman sa gitna, at sa pinaka malalim ay 100. Ang main goal ko lang dito ay makalangoy sa gitna dahil baka magka-trauma ako kung susubukan ko pa sa pinaka malalim.

Pagkatapos ng kaklase ko ay ako na ang sunod, aminado ako na may konting kaba akong nararamdaman dahil medyo malalim na rin sa bandang gitna. Pero para sa grades, kakayanin ko.

"De Vera, next"

"Ma'am, sa gitna lang po ako" sabi ko kay Ma'am.

Medyo nakakahiya lang din talaga 'tong P.E class namin, lahat kasi ng kaklase ko naka-upo sa paligid ng pool, kaya naman pag tinawag ka na, nakatingin lahat sayo.

Ang unang ginagawa bago lumangoy papunta sa kabilang side ng pool ay ipapakita kay Ma'am 'yong mga tinuro niyang freestyle, kaya yun ang ginawa ko. Isa sa pinaka basic ang ginawa ko, yung Jellyfish float. Para akong t*mang tignan.

Pagtapos ng freestyle, ito na yung parteng kinakabahan ako, ang plano ko lang dito ay lalangoy ako hanggang sa maabot ko ang handrails sa kabilang dulo, hangga't 'di ko naabot 'yon hindi ako pwedeng tumigil sa pag langoy dahil paniguradong malulunod ako dahil hindi ako marunong lumangoy kapag hindi ko abot ang sahig.

"1... 2... 3" Nagbilang pa 'ko bago ako lumangoy at nag-ipon ng hangin dahil medyo malayo ang kabilang side ng pool.

"Congrats, 95, De Vera" sabi ni Ma'am, pag-ahon ko nang mahawakan ko na ang handrails.

"T-Thank you po, Ma'am" sagot ko medyo naghahabol pa ng hininga. Umahon muna ako saglit dahil sobrang lamig ng tubig at nanginginig na rin ako.

Pinanood ko na muna sina Jessa at Lina na masayang lumalangoy sa pinaka-malalim na parte ng swimming pool, sa sobrang inip nila ay nagpaalam sila kay Ma'am kung pwede ba sila lumangoy at pinayagan din naman sila. Halatang excited na silang matawag dahil napaka-dali lang sakanila ng activity na 'to.

"Haven, baba ka dyan! " sigaw ni Jessa nang makita niya akong umahon na at naupo sa gilid ng swimming pool. "Turuan ka namin, dito ka" pahabol niya pang sinabi.

"Ayoko na, ang lamig" tipid kong sagot at sumenyas lang ako sa kanila na sila na lang muna.

Nang tinawag na ang kanilang pangalan, hindi nga ako nagkamali dahil sa pinaka-dulo agad sila pumwesto at walang kahirap-hirap na tinapos ang paglangoy papunta sa kabilang dulo.

Matapos ang isang oras mahigit, natapos na kami sa activity at dali daling naligo sa shower room dahil may susunod pa kaming klase.

Pagpasok namin sa classroom, para kaming galing sa outing dahil may mga towel pa sa ulo ang mga kaklase ko, ang iba naman ay sinampay pa sakanilang mga upuan ang mga basang towel, at ang iba ay naging busy sa pag aayos ng kanilang mga sarili.

Kumatok ang professor namin, bago pumasok ng classroom namin.

"1-B, bilisan niyong mag-asikaso, I'll give you 15 minutes. Mag-prepare na rin kayo ng 1 whole sheet of paper, may quiz tayo" sabi ni Sir, ang aming philosophy teacher, bago muling lumabas ng classroom, mukhang walang klase dahil wala naman siyang dalang laptop ngayon, talagang quiz lang ang gagawin namin.

Mabilis kaming nag-ayos ng aming mga sarili para maghanda sa quiz na mangyayari mamaya. Mabilisan din akong nagbasa ng iilang notes na mayroon ako para may masagot ako mamaya.

"Good morning, Class"  bati ni Sir Leo pag balik niya. Gaya kanina, wala pa rin siyang dalang laptop. "Are you guys ready? may 1 whole sheet of paper na ba lahat?"

"Pst. Penge ako papel!" sigaw ng isa sa mga kaklase kong lalaki. Isa sa pinaka makulit at madaldal sa klase. "Ako rin!" sigaw din ng isa, nang nakita niyang naglabas ng papel ang kaklase kong babae.

"Ang quiz niyo ngayon ay essay" biglang singit ni Sir Leo, sa gitna ng mga nagkakagulo kong kaklase dahil sa papel na gagamitin sa quiz.

"Hala! ilang words, Sir?" tanong bigla ni Jane, isa sa mga nakaupo sa unahan.

"300-500 words lang." tipid na sagot ni Sir Leo.

Kung tutuusin maikli lang 'yon, pero kung mahirap ang topic na ibibigay niya mahihirapan akong palawakin 'yon. Hilig ko kasi ang essay type na quiz o exam. Mas pipiliin kong 'yon kaysa mag solve ng math problems o kahit anong may kinalaman sa math. Ewan ko ba, kahit anong gawin ko, hindi ko talaga ma-gets ang subject na 'yon. Buti na lang talaga last year pa ang huling beses na nagkaroon kami ng math subject.

TVL kasi ang napili kong strand noong nagsimula akong pumasok dito sa San Lorenzo College, dahil sa kagustuhan kong makapag-trabaho sa isang hotel balang araw.

Isa ang strand namin sa laging minamaliit, at sinasabing pinaka-madali dahil puro paglilinis at pagluluto lang naman daw. Hindi nila alam na hindi lang 'to naka-focus sa mga ganung bagay, may mga subject din naman kaming inaaral na mahirap katulad sa ibang strand.

"The Concept of Happiness: What makes life fulfilling?" basa ko sa sinulat ni Sir Leo sa white board. "Class, ito ang topic ng essay niyo, I'll give you one hour to finish that" sabi ni Sir bago umupo sa gitna, kung saan kitang kita kaming lahat dahil medyo mataas ang inuupuan niya dahil mayroon itong parang mini stage sa harap.

"Ang ganda ng topic" bulong ko bago simulan ang essay ko. Hilig ko 'to simula pa lang noong high school ako kaya naman ramdam ko na madali ko 'tong matatapos.

Nagsisimula ako palagi sa isang patanong na intro, o di kaya'y quotes na may kinalaman sa topic at sa gitna naman ay doon ko sasagutin ang ginawa kong tanong sa intro.

At matapos ang halos kalahating minuto tapos ko na ang essay ko, may mga correction tape ito kaya naisipan kong isulat ulit sa panibagong papel dahil may natitira pa naman akong oras.

Isa si Jessa sa mga kaibigan kong mahilig din sa essay kaya nang natapos ako sa pagsusulat ay nagkatinginan pa kami bago sabay na nagpasa ng gawa namin. Si Lina naman ang isa sa mga kaibigan namin na lagi namin tinutulungan sa mga essay type na quiz, madalas niyang sinusulat ang gawa niya sa tagalog at kami ang nag ta-translate sa english.

Nang matapos na si Lina at Chelsea ay sabay sabay na kaming lumabas para tumambay sa cafeteria habang wala pa gaanong mga estudyante.

"Si ano!" bulong ni Chelsea na hindi ko alam kung bulong ba o gusto niya talagang mahalata ako ng ex-crush ko. Alam naman nila na nag mo-move on na 'ko sakanya dahil may girlfriend pero sa tuwing nakikita nila itong dumadaan inaasar pa rin nila ako.

"Parang dati lang, excited kang makita siya ngayon may pa-walang pake ka dyan"  asar ni Jessa.

"Dati 'yon. Ayoko na sakanya" sagot ko. Medyo naiirita ako kasi ayoko talagang inaasar sa harap ng lalaki. Nahihiya ako.

Hindi ko rin naman sila masisisi. Dati naman kasi sobrang excited ako lagi siyang makita, lagi pa akong present sa basketball games niya at madalas pa kaming magkasabay umuwi dahil halos magka-barangay lang kami.

Pero lahat 'yon nagbago noong nalaman kong may girlfriend na siya na nag-aaral sa katapat na eskwelahan. Bilang respeto at tulong na rin sa sarili kong maka-move on, iniwasan ko siya. Kahit alam ko na wala naman siyang pake sa akin.

Chapters of Us Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon