Nasa kwarto na 'ko at gustong gusto kong i-chat si Reiden para sabihin niya sa akin kung ano ba 'yong balak niyang ibigay at bakit hindi niya sabihin kung para saan ba 'yon dahil hindi talaga ako makakatulog ng maayos kapag may iniisip ako.
Alas-onse na ng gabi at dapat ay tulog na 'ko pero ito ako paikot-ikot sa higaan at hindi pa rin makatulog.
Binuksan ko ang conversation namin nagbabaka-sakaling may nadagdag sa mensahe niya pero wala.
"Bwisit ka, Reiden! pag sumakit talaga ang ulo ko bukas kasalanan mo 'to" naiinis na sabi ko habang nakatingin sa conversation namin.
Reiden Arlo Acosta Active Now
Nagulat ako nang bigla kong makita na online na siya.
Dali dali kong i-off ako active status ko dahil baka i-chat niya pa ko at baka lalo lang ako mapuyat.
Hindi ko na namalayan kung anong oras na ba ako dinapuan ng antok pero nasisiguro kong madaling araw na 'yon dahil hindi biro ang sakit ng ulo ko nang bumangon ako.
Saglit pa 'kong naupo sa kama dahil naikot ang paningin ko sa biglang pagbangon.
"Haven, baba ka na" sigaw ni Papa mula sa baba.
"Pababa na" sagot ko habang nakahawak sa ulo ko.
Kahit hirap na hirap ay pinilit kong mag-asikaso, pagkatapos kumain at maligo ay nagsuot ako ng kulay asul na t-shirt na may puti sa bandang collar at may logo naman sa kanan bandang itaas ng eskwelahan namin. Nagsuot lang din ako ng simpleng pantalon at puting sapatos.
Sinusuot namin ito tuwing friday dahil iyon ang tinatawag nilang wash day.
Bago umalis ay tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin namin sa sala at nakita kong halata talaga sa mata ko ang puyat, medyo maputla rin ang mukha ko kaya naman mabilisan kong nilagyan ng liptint ang pisnge at labi ko.
"Pa, alis na 'ko, pasabi na lang kay mama" paalam ko kay papa at dahan dahan na lumabas ng gate para hindi magising si mama na natutulog sa sala.
Hindi na 'ko nagpaalam sa kanya dahil ginabi na siya ng uwi kagabi kaya alam kong pagod pa siya galing sa trabaho.
From Jessa
Saan ka na? Nasa byahe ka na ba?
Pagka-upo ko sa bus ay iyon ang bumungad na mensahe sa akin ng kaibigan ko.
To Jessa
Oo, bakit?
From Jessa
Diretso ka sa locker area tapos akyat ka sa third floor dun malapit sa computer lab. Hintayin ka namin dun.
Magtatanong pa sana ako nang biglang lumapit sa akin ang kundoktor.
"San Lorenzo po, estudyante" sabi ko sabay abot ng pera ko. Pagka-abot ng sukli ay mabilis ko itong binalik sa wallet ko at pinagpatuloy ang pagre-reply kay Jessa.
To Jessa
Bakit? Wala naman tayo gagawin dyan.
From Jessa
Basta. Mamaya malalaman mo.
Ayan na naman tayo sa pinaka-kina-iinisan kong salita; "Basta" bakit ba napakahirap sa mga taong sabihin 'yong isang bagay.
To Jessa
Hindi ako pupunta dyan kung hindi mo sasabihin sa akin. Bahala kayo dyan.
BINABASA MO ANG
Chapters of Us
Teen FictionHaven and Reiden How long does it take you to believe to true love exists? Started: October 5, 2024 Status: On-going Book cover: credits to littlePB's artwork (pinterest)